Kabanata 29

31 3 4
                                    

Binaba ko sa kama 'yong regalo sa 'kin ng Mahal na Prinsipe. Ngayon ko pa lang 'to bubuksan, kaya yes! Unboxing!

"Tiara?" Nakakunot na tanong ko. Silver 'yon na may mga maliit na diamonds, hindi ko lang sure kung totoo 'yon. Hindi ko naman makagat, ako 'yong nahihiya e. Paano ba naman, ang kinis kaya! Parang ilang taon hindi nagamit.

Pinasok ko na lang ulit sa lagayan at nilagay sa tabi ng kama ko, naroon din 'yong regalo ni Ferlly sa 'kin. 'Yong kay Jay rin. Habang 'yong regalo sa 'kin ni Van ay suot-suot ko.

Napangiti ako sa hangin. Sobrang saya kagabi, halos lahat kami ay nagtatawanan dahil may mga kalalakihang parang nakikipag-budots sa harapan. Maraming pagkain at nagkaroon din ako ng mga panibagong kaibigan. Pero napapansin ko kagabi na parang ang iba ay naiilang sa 'kin. Pero hindi papayag ang Lola niyo 'no.

Magandang pakisamahan ang lahat ng mga tao na nandito. Iniisip ko tuloy kung hindi ko natapunan ng sopas 'yong libro ni Lola, mapupunta pa kaya ako rito? Na paano kung tinangkilik kong basahin ang kwento ni Lola, makikilala ko pa kaya sila?

"Jay? Anong nangyari sa kamay mo?" Tanong ko nang lumabas na siya ng Cr. Nagsusuklay siya kaya napansin ko. Tinignan niya 'yon at bumalik ulit sa pagsusuklay.

"Ahh, hindi na kasi gumana 'yong tahian no'ng ginawa ko 'yong sumbrero. Kaya ako na mismo ang tumahi, kaso hindi ako sanay kaya.. nasugatan." Tumayo siya at nilapag sa mesa niya 'yong suklay.

"Sumbrero?" Tanong ko sa sarili. Wala naman akong napansin na sumbrero dito. Kanino naman kaya niya 'yon binigay?

"Pakibaba pala Ariella ng mga plato. Maglalampaso pa pala ako ng sahig," sabi niya. Tumango naman ako at dinampot 'yong pinagkainan namin simula umaga at tanghali. Hapon na ngayon, naibalik ko na rin kaninang umaga kay Van 'yong mga dress. Hindi ko kay Van ini-abot 'yon kundi kay Kuya George. Naiilang kasi ako sa sinabi niya kagabi, crush niya ba ako?

Hindi ko maimagine na crush ako ng isang Prinsipe kaya hindi. Siguro dahil nagandahan lang siya sa 'kin. Oo, ayon lang.

"Ate Gema, ito na po," sabi ko at binaba 'yong pinagplatuhan namin. Sakto dahil naghuhugas pa siya at sobrang dami non. "Bakit po yata ang dami nito?" Tanong ko. Sa pagtatansya ko, hindi ganito ang nakikita kong hinuhugasan niya kapag umaga, tanghali at gabi.

"May ipinag-utos kasi sa 'kin ang palasyo kanina kung kaya't hindi ako nakapaghugas." Pagkwe-kwento niya. Napatango naman ako. "Tulungan ko na po kayo," sabi ko at mabilis na kinuha 'yong apron at gloves na nakasabit sa pader. Sinuot ko kaagad 'yon bago pa siya makapagsalita dahil alam kong pipigilan niya ako sa gagawin ko.

"Binibining Ariella, hindi mo na kail–" Pinutol ko siya.

"Kahit kabayaran na lang po sa paghiram niyo sa 'kin ng sapin sa paa." Tinignan ko siya. Sinabi sa 'kin ni Jay na si Ate Gema ang nagpahiram non.

"Hindi ako humihingi ng kabayaran, Binibini–" Pinutol ko ulit siya.

"Tutulong ako bilang Anak! Tama, bilang Anak." Tinignan ko siya at nagpa-awa. "Sige na, Ate Gema." Nginuso ko pa ang nguso ko. Para akong bata na humihingi ng candy sa kaniya.

"Oo sige na." Tumawa siya at senenyasan akong sabunin ang mga plato at siya na raw bahalang magbanlaw. Binanlawan na niya 'yong mga left over na pagkain at inilagay sa plastic para kapag sinabon ko na ay malinis na siya.

"Ate Gema, matagal na po ba kayong naghuhugas ng plato?" Tanong ko at sinabon nang mabuti 'yong plato. Babasagin ang lahat ng mga plato, sosyal nga e.

"Simula nang pumasok ako sa palasyo na 'to, tagapaghugas na ako ng plato. Ang Ate Gema mo kasi ay walang kapangyarihan.. kakayahan lamang ang meron ako. Marunong akong magtahi, ngunit sa paghuhugas ng plato ang bagsak ko dahil marami nang gumagawa non." Tumango ako. Nakokonsensya tuloy ako.

The Cursed Book Where stories live. Discover now