Kabanata 49

35 1 30
                                    

"Mahal na Hari... magandang umaga po," bati ko sa kaniya. Umupo ako sa tabi niya. Umaga na't pero hindi pa rin sumisikat ang araw.

"Magandang Umaga, Hija. Masaya akong ligtas ka," sabi niya at ngumiti. Medyo pumayat siya ngayon at mas lalong nanlungkot ang mata niya.

"Kumusta po kayo? Ilang araw ko rin po kayo hindi nakita." Sa bawat sinasabi ko ay iniingatan ko.

"Maayos naman, Hija... medyo nanghihina na rin ako." Ngumiti siya nang kaunti sa 'kin. "Pero ayos naman. Kaya pa." Hindi na lang ako sumagot do'n.

Nagpaalam na 'kong lalabas ng bahay para magpahangin. Iniwan ko rin si Van sa kuwarto na nagpapahinga nang maayos. Lumulutang ang isip ko sa sinabi niya no'ng hapon na 'yon... ano'ng ginawa niya?

Aaminin kong tumalon ang puso ko ro'n ngunit binalot ng lungkot ang puso ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko hindi ko magugustuhan ang gagawin niya. Dahil... ganito ang nararamdaman ko araw-araw kung may masamang mangyayari. 

Hindi ko mapigilang mag-aalala. Hindi ko ring mapigilan na sisihin ang sarili ko. Ang pagkamatay ni Mang Arthuro. At ang susunod pang magsa-sakripisyo ng buhay para sa 'kin makalabas lamang ako ng librong ito.

"Ano'ng ginagawa mo rito, Hija? Malamig pa ang simoy ng hangin." Napalingon ako kay Ate Gema nang lagyan niya ng balabal ang balikat ko. Umupo siya sa tabi ko.

"May iniisip lang, Ate Gema." Ngumiti ako nang kaunti.

"Nais mo na bang bumalik?" Tanong niya.

"Gusto ko na po, Ate Gema," sagot ko. Hindi ko na kakayanin ang bigat ng damdamin ko na dinudulot ng librong ito. Para kahit anong oras ay sasabog ako.

"Ngunit... kung may buhay na mawawala, hindi ko po gustong umalis." Yumuko ako. Kung lalabas ako rito nang may mawawala ay parang napaka selfish ko. Hindi ko nais lumabas habang nagdudusa ang iba dahil sa pagkawala ng mahal nila sa Buhay nang dahil lamang sa 'kin.

"Alam mo, Ariella... sa buhay may dapat na mangyari. May dapat na masunod. Gaano man ito kahirap tanggapin. Malay mo, sa pagbalik mo ay may magandang mangyayari. Malay mo, dumating 'yong pangyayari na karapat-dapat sa 'yo. 'Yong pangyayaring walang halong lungkot. Walang halong paghihinagpis at pighati. At Ariella, ayon ang karapat-dapat na maramdaman mo." Napatingin ako sa kaniya.

"Ngunit bago mo 'yon makuha.. kailangan mong bumitaw." Pinunasan ko ang luha ko na hindi ko man lang naramdaman na tumulo.

"Dahil Ariella, kung ipagpapatuloy... masisira ka."



"Alam niyo ho?" Tanong ko kay Ate Miyen nang banggitin ko si Mang Arthuro. Marahan siyang ngumiti at tumango. "Ngunit paano niyo po nalaman?" Tanong ko ulit.

"Matagal ko nang alam. Matagal nang sinabi sa 'kin ni Arthuro ang tungkol sa 'yo na.. hindi ka galing dito. Na iba ang mundo mo. Sa una ay hindi ako naniwala. Ngunit unti-unti niya 'yong pinaliwanag sa 'kin. At dahan-dahan ko ring natanggap. Na ang buhay niya ay maiaalay sa 'yo. Masakit no'ng nagpaalam siya sa 'kin. Subalit, ano ang magagawa ko? Ang nakatakda, ay ang mangyayari. Kahit gano'n pa man din ay hindi ipinaramdan sa 'kin ni Arthuro na anumang oras ay mawawala na siya. Na anumang oras ay hindi na siya tatapak sa tinatapakan ko." Hinawakan niya ang buhok ko. May lungkot sa kaniyang mga mata.

"Gayun pa man, ang buhay ng aking Asawa ay hindi nasayang. Salamat Ariella dahil ibinigay mo sa kaniya ang kasiyahan na kay Almira niya nakuha. Kasiyahan bago siya mawala." Agad ko siyang niyakap nang maramdaman kong malapit nang tumulo ang luha ko. Hinagod niya ang likuran ko upang pakalmahin ako.

"Ariella, Anak... wala kang kasalanan kung ayon man ang iniisip mo." Mas lalong ako naluha nang dahil do'n.

Ang buhay ni Mang Arthuro ay hindi mapupunta sa wala, ipinapangako ko 'yan.




The Cursed Book Where stories live. Discover now