Kabanata 32

26 2 12
                                    

Tulala akong naka-upo sa kuwarto ni Van ngayon, umiiyak at hindi makapaniwala sa nangyari kagabi. Pinunasan ko ang pisngi ko nang tumulo muli ang luha ko.

Hindi ako makapaniwalang.. wala na si Ate Gema..

Hindi ko aakalain na magiging ganito kasakit, ganito kasakit mawalan ng mahal sa buhay. Oo, maikling panahon ko lang nakilala si Ate Gema pero isa siya sa tumanggap sa 'kin. Isa siya sa naging Kaibigan, mahihingan ng tulong at maituturing kong Ina sa loob ng istoryang ito.

Sabi niya.. babawi siya, hindi ba? Ililibre niya pa ako. Pero, bakit... bakit buhay niya pa?

Napatingin ako sa palad ko, ayon 'yong bilog na bagay na ibinigay sa 'kin ni Ate Gema. Humigpit ang hawak ko roon.

Napapunas ako sa pisngi ko nang narinig ko ang pagbukas ng pinto. Nagulat ako nang biglang pumasok si Almira at tumakbo sa 'kin. Napatingin ako sa kasama niya, si Ate Mariel. Nang nakita niya ako ay humingi siya ng tawad pero senenyasan kong ayos lang. Hinarap ko si Almira at ngumiti sa kaniya.

"Ano ang gusto mo, Mira?" Tanong ko. Niyakap niya ako kaya yumakap din ako sa kaniya.

"Malungkot ka, Ate? Dito lang po si Mira.." Tumingala ako nang nagbabadyang tumulo ang luha ko. Napayakap ako nang mahigpit sa kaniya.

"Alam niyo, Ate.. malungkot din po ako kaya sasamahan kita malungkot." Tinanggal ko siya sa pagkakayakap sa 'kin.

"Bakit? May nangyari ba?" Tanong ko. Ngumuso siya saglit.

"Kanina po kasi.. nabasag ko po 'yong baso.. tapos po, nagalit p-po si Ina. Tapos po, nabasa ko po sa isip niya na.. sana raw hindi na lang daw niya ako kinuha sa mga magulang k-ko.." Tumingin siya sa 'kin na naluluha. "Ate.. iba po ba magulang ko? Nasaan po sila? Bakit.. bakit po gano'n?" Pinunasan ko ang luha niya.

Hindi ko alam ang isasagot sa bata dahil wala akong alam sa buhay niya. Hindi ko rin alam kung totoo ang sinasabi niya. Malay ko bang baka nadala lang sa galit ang Ina niya kaya niya 'yon sinabi. O baka naman stress siya sa mga nagdaang araw kung kaya't hindi niya napigilan ang galit niya. Ayokong mag-akusa.

Niyakap ko na lang siya at hindi sumagot. Rinig ko ang paghikbi niya kung kaya't hinawakan ko ang buhok niya para marahang patahanin. Hindi ko alam kung ilang minuto na kaming gano'n pero nadatnan ko na lang ang sarili ko na tinitigan ko siya habang natutulog. Matalino si Almira at malawak din ang isip niya. Ang ganda ng pagpapalaki sa kaniya rito, mabuti siyang Bata.

Napatayo ako nang bumukas 'yong pinto. Pumasok si Van, mabilis akong lumapit sa kaniya. "Ang katawan ni Ate Gema ay naroon na sa bundok. Payapa na siyang naroon," sabi niya. Tumango ako nang kaunti.

"Eh, 'yong mga Anak ni Ate Gema? Sina Duine at Diane?" Tanong ko.

"Kagaya ng sabi mo ay pinasama ko sila upang makita nila ang kanilang Ina sa huling beses." Tumango ulit ako. Hindi ako nagpasama kanina. Ayokong makita. Hindi ko kaya.

"Nasaan sila? Pupuntahan ko sila," sabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang isang kamay niya. Habang ang isa ay nasa tuktok ng ulo ko. "Magpahinga kana muna.. wala kang tulog kagabi."

Sa kuwarto niya kasi ako natulog kagabi, nakapagpahinga naman ako pero hindi ko nagawang matulog kagabi. Hindi ko magawang ipikit ang mga mata ko lalo na kapag lagi kong nakikita si Ate Gema. Sinisisi ko ang sarili ko.

"Ayos lang ako. Matutulog din ako maya-maya kapag naka-usap ko na 'yong kambal." Binigyan ko siya ng ngiti. Kung masakit sa 'kin ang nangyari siguradong mas masakit sa kanila.

"Nasa ilog sila ngayon. Dinala sila ng kanilang Tita roon dahil gusto nilang dalawa na roon muna." Tumango ako. Sinamahan niya akong pumunta roon. Iniwan namin si Almira kay Ate Mariel para kapag nagising siya ay may kasama siya.

The Cursed Book Where stories live. Discover now