Kabanata 42

25 2 15
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw. Nang imulat ko ang aking mata ay mga dahon na nasa sanga ang bumungad sa 'kin. Tinakpan ko gamit ng palad ko ang aking mukha dahil sa sinag ng araw. Dahan-dahan akong tumayo at saka ko lamang napagtanto na nasa isang malaking puno ako.

Marahan ang paggalaw ng mga dahon dahil sa katamtamang hangin. Pinagpag ko ang aking suot-suot na puting dress dahil may kumapit ditong tuyot na dahon. Pagkatapos ay agad akong tumayo upang tignan kung nasaan ako.

Ang huling maalala ko ay nanghihina ang katawan ko... at masakit 'yon. Pagkatapos ay tinulungan ako ni Binibining Evine na tumayo. Tapos... hanggang doon lamang, naging itim na ang lahat.

Napatigil ako sa paglalakad nang may narealize ako.

Hindi kaya... hindi!

Hindi kaya patay na 'ko?! Kaya ako nakasuot ng puti?! Waaaahh! Patay na nga ako! Pero.. pero bakit may puno sa langit? O kaya naman hindi ako sa langit napunta? Waaahhh!

Nilibot ko ang tingin ko. Walang anumang tao sa paligid. Halos hamog lang ang nakikita ko at nag-iisang puno.

"Hello? May tao ba rito?" Pagtawag ko. Napatalon ako sa gulat nang pagkaharap ko ay may nakita akong isang matanda. Siya 'yong matanda sa ilog Raval! Siya nga! Teka, ba't siya nandito?

"Lola!" Agad ko siyang niyakap. "Bakit po kayo narito? Wala.. wala na rin ho ba kayo?" Maingat na tanong ko. Natawa naman siya kaya nangunot ang noo ko.

"Hayaan mong ma-upo ka muna sa nagsisilakihang mga ugat." Tinuro niya 'yong ugat ng malaking puno. Tumango ako at umupo roon. Inalalayan ko rin siya para umupo rin.

"Wala ho ba tayong kasama? Tayo lang po?" Tanong ko at tinignan ang paligid.

"Wala, tayo lamang dalawa ang narito," sagot niya. Medyo kinilabutan pa 'ko dahil nakatitig siya sa 'kin.

"Kumusta ang pakiramdam mo? Ang balikat mo ba ay ayos lamang?" Tanong niya. Napatingin naman ako sa kaniya. Nagtataka. Hindi ba't kapag patay na wala nang nararamdaman?

"Ahh... ayos lamang po ako, Lola," sagot ko at awkward na ngumiti.

"Tila'y ikaw ay masaya," sabi niya kaya tumitig ulit ako sa kaniya. Tumango naman ako nang kaunti.

"Hmm.. nakatulong ho kasi ako bago mapunta rito. At importante ho sila sa 'kin kung kaya't masaya po ako." Nilaro ko 'yong dahon na pinulot ko. "Na may kaunting lungkot ho." Iniisip ko ang pamilya ko sa tunay na mundo. Ano na kayang mangyayari sa kanila gayon ay wala na 'ko? May Ariella kayang maipapanganak? Hangga't maaari sana ay ayokong may maging kapalit ako. Hindi ko tatanggapin na may ibang magiging Ate ang tatlo kong kapatid. At may magiging ibang Ariella na Anak ni Mama at Papa.

Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko habang iniisip 'yon. Agad ko 'yong pinunasan. Nakakahiya naman kay Lola, nakikita niya 'kong umiiyak. Baka isipin niya nababaliw na 'ko.

"Bilib ako sa 'yo." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya 'yon. "Ariella, ang kabutihan mo ang makapagbabalik sa 'yo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano hong ibig niyong sabihin?" Tanong ko. Ngumiti siya nang kaunti.

"Kailangan mong magpakatatag, Ariella." Hinawi niya ang buhok na lumipad sa mukha ko. "Harapin mo na ang magiging sunod na kabanata ng istoryang ito. Dahil nasa sa 'yo kung ano ang magiging takbo nito."

"Hindi ko po kayo maintindihan," sabi ko ngunit ngumiti lamang siya.

"Pagdating ng tamang panahon, ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat. Ngayon, ipangako mo muna sa 'kin na mabubuhay ka hanggang sa dulo." Hinawakan niya ang tuktok ng ulo ko at marahang hinaplos 'yon. "Gumising kana... maraming naghihintay para sa 'yo."


The Cursed Book Where stories live. Discover now