Ang Huling Sulat ng Libro

62 6 30
                                    

Niyakap ko ang katawan ko nang naramdaman ko ang paglamig ng simoy ng hangin. Tumingala ako sa buwan na ngayon ay sobrang liwanag.

Limang taon na ang nakakaraan, nandito pa rin.

Hindi ko alam kung guni-guni ko na lamang ba ito. Ngunit hindi sila maialis sa isipan ko. Parang naging sumpa 'yon sa 'kin. Parang kahapon lang ang lahat.

Pinunasan ko ang luha ko nang tumulo 'yon. Ilang gabi na yata akong umiiyak. Maraming gabi sa iisang dahilan.

"Malamig, ah. Bakit ka narito?" Tanong niya. Umiwas naman ako ng tingin at tinignan ang napakaraming bituin.

"May naalala lang." Bulong ko. Alam kong rinig niya 'yon dahil tahimik ang lahat. Huminga ako nang malalim at ngumiti sa mga Bituin.

Hindi ko inaasahan na ayon na pala ang pinaka-huling beses na panonoorin namin ang mga bituin. Ayon na pala ang huling beses ko sa Libro na 'yon.

"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko kay Ivan at hindi siya nilingon, hindi ko gustong mapansin niyang umiyak ako.

Limang taon na rin kaming magkaibigan ni Van. Magmula no'ng pumunta siya sa Bahay ay lagi na siyang iniimbitahan nila Mama. Ngayon, narito siya sa Bahay dahil birthday ni Papa. Gusto na ngang lasingin ni Papa si Ivan e! Ayon sa kalasingan niya ay nagawa niya 'yon. Pero kung hindi lasing si Papa ay hindi niya paiinumin si Ivan ng alak. Siya pa mismo ang nagsabi na masama 'yon sa kalusugan! Pero uminom pa rin siya, ang sabi niya birthday naman niya raw. Once in a year lang naman daw 'yon.

"Hindi ako makatulog.. sakto nakita kitang lumabas kung kaya't sumunod ako." Napatango naman ako ro'n. Dito siya matutulog ngayong gabi, si Mama na nagsabi na rito na lang daw siya dahil gabi na rin. Medyo malayo ang dorm niya sa Bahay. Halos nga bigyan na si Ivan ng tuluyan, kuwarto nga binabalak ni Papa na magpagawa para daw ro'n siya matutulog kung hindi siya uuwi at hindi siya sa sofa natutulog. Napalapit na rin ang loob nila kay Ivan. Minsan nga iniisip ko kung ako pa rin ang Anak nila.

Mabait si Ivan. Minsan loko-loko rin kung kaya't nagkakasama kami sa kalokohan. Pero ako lagi ang napipikon, aminado naman ako. Pero nakakapikon talaga siya eh! Iniisip ko nga na kung ihagis ko na lang kaya siya?

Pero mabait talaga siya, tinutulungan niya 'ko sa pag-aaral. Kahit nga sa gawaing Bahay tinutulungan niya 'ko. Sa paglilinis, paghuhugas ng plato tuwing nandito siya. Hindi ko nga alam kung nagpapa-goodshot ba 'to kila Mama para patuloy siyang patuluyin dito.

Nag-aral din siyang magluto ng kutsinta, dahil paborito ko raw 'yon kung kaya't ayon ang inaral niya. Pero parang hindi naman siya nag-aral eh! Parang isang beses niya lang pinanood 'yong video sa YouTube tapos nakuha na niya kaagad ang gusto kong lasa.

"Ang liwanag ng buwan, hindi ba?" Tanong ni Ivan. Full moon ngayon ang buwan at meron itong malaking liwanag.

"Hindi ba't sobrang ganda?" Rinig kong tanong niya ulit. Tumango lamang ako at hindi siya nilingon.

"Hiling kong matagpuan mo na ang kasiyahan sa 'yong puso at magwakas na ang kalungkutan na naramdaman mo." Agad akong napatingin sa kaniya. Saktong nakatitig din pala siya sa 'kin. Marahan siyang ngumiti at tinignan ako na parang sinusuri ang buong mukha ko. "Alam kong masakit pa rin ang lahat sa 'yo, Ariella."

"Hayaan mong lumabas ang lahat. Hayaan mo ang sarili mong makawala sa 'yong pinagdaanan ilang taon na ang nakakalipas. Hayaan mo ang sarili mong tanggapin kahit paunti-unti ang lahat. Naiintindihan kita kung bakit ka nagkakaganiyan. Ngunit, hindi ito ang hiniling ko, hindi ito ang gusto kong maramdaman mo pagkatapos ng lahat." Nanatili akong tahimik, gulat sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam kung pinagloloko niya ba ako.

"Hayaan mo, darating ang araw na magiging masayang ala-ala na ang lahat. Lahat ng lungkot na 'yong kinikimkim ay kusang aalis sa 'yong damdamin. Ipinangako kong tutulungan kita. Tutulungan kitang alisin ang 'yong puot at kalungkutan. Hayaan mong gawin ko 'yon."

Nanlaki nang kaunti ang mata ko, naguguluhan sa mga sinasabi niya. Tumawa siya nang marahan at inilapag ang palad niya sa tuktok ng ulo ko.

"Limang taon na ang nakalipas, hindi mo pa rin ba ako nakikilala?" Tanong niya. Nangunot naman ang noo ko. "Sa tingin ko ay dahil iba kami ng anyo. Ngunit ang puso namin ay hindi nag-iiba, parehas na tumitibok dahil sa isang tao lamang. At ikaw 'yon Eya."

Umawang ang labi ko at hindi nakapagsalita. Akala ko lahat ng ginagawa niya sa 'kin ay nagkataon lamang. Naiisip ko na rin nasa bawat gawin niya ay lagi kong naalala sa kaniya ang Lalaking ni-minsan ay hindi ko kinalimutan. Ngayon ko lamang napagtanto na lahat ng ginagawa niya ay binibigyan na niya 'ko ng bakas.

"Nangako akong tatapusin ko ang istorya nating dalawa sa masayang paraan. Istorya nating walang bakas na lungkot ng nakaraan." Muli ay ngumiti siya. At tutuparin ko 'yon, Eya.."

Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Sa maamo niyang mukha. Ngayon ko lamang napagtanto na nahahawig siya sa kaniya. Bakit ngayon ko lamang 'yon nakita?

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil 'yon. Naghatid 'yon ng pamilyar na pakiramdam sa katawan ko.

"Sana'y hayaan mo 'kong ipagpatuloy ang na-udlot kong pagpapakita ng tunay kong nararamdaman para sa 'yo, Eya."

Bumilis ang tibok ng puso ni Ariella, na tila'y pamilyar na 'yon sa kaniya. Hinarap niya ang taong nagiging dahilan non at hindi makapaniwalang tumitig sa kaniya. Kaharap niya ang Binatang unang nagpabilis ng kaniyang puso, hindi man niya 'yon naramdaman no'ng umpisa pa lamang, ngunit ngayon ay alam na niya. Mahal niya ang Binata at mamahalin pa. Dahil ang pag-ibig nila sa isa't isa ay... walang hanggang pag-ibig.

*****

Masaya akong nakarating sa dulo ng istoryang ito. Masaya akong natapos ko ito nang hindi inaasahan. Mahirap? Oo. Wala namang madali. Limang buwan ko itong isinulat, hindi ko na inisip kung matatapos ko ba ito o hindi. Basta ene-enjoy ko na lang. Pero kita mo naman, natapos ko ito.

Nakaka-proud lang sa sarili dahil ito ang pinaka-una kong naisulat na Nobela. Hindi man siya perpekto, maraming pagkakamali. Pero ayon na rin siguro ang nangyayari kapag nagkakamali, natuto. Sabi nga ni Papa, kung hindi ka magkakamali, hindi ka matuto. Kaya ayos lang magkamali, minsan.

Hindi ko na ito pahahabain pa, nagpapasalamat ako sa nagbasa ng istoryang ito. Na-aappreciate ko kita/kayo. Maraming salamat sa pagsabay ng journey ko sa pagsusulat. Maraming salamat sa suporta! Mahal ko kayo!

Bago ko ito tapusin, nais ko lamang sabihin na... Mahalin mo ang sarili mo, higit pa sa pagmamahal mo sa iba.

Dahil sabi nga ni Ariella, ang tunay na pagmamahal nagmumula sa 'yong sarili.シ︎

Ayon lang, thank you! Stay safe! Mwa!

The Cursed Book Where stories live. Discover now