Kabanata 36

24 1 3
                                    

"Para po ito sa 'kin, Kuya George?" Tanong ko at napakurap-kurap na lang sa harap ng bouquet flowers. Iba't ibang bulaklak ang naroon.

"Para po 'yan sa inyo, Binibini," sagot ni Kuya George at ngumiti pa. Napatango naman ako nang dahan-dahan at napalunok. Ito na ba 'yon?

"Sige po, salamat po, Kuya George." Yumuko siya at ngumiti at nang naka-alis na siya sa harap ko ay sinarado ko na ang pinto.

Pinagmasdan kong mabuti ang bulaklak. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o tatalon sa kilig o kaya naman kakabahan.  Tinotoo niya nga ang sinabi niya kagabi, patutunayan niyang gusto niya ako at sa pagmamagitan 'yon ng bulaklak.

Umupo ako sa upuan dahil nag-uumagahan pa lamang ako ngayon, at bungad na bungad ang pa-flowers niya.

"Kanino galing 'yan?" Tanong ni Jay na kalalabas lang ng Cr. Binaba ko sa kama ko 'yong bouquet ng flowers at humarap sa kaniya. Nang hindi ako kaagad umimik ay napatango-tango siya na parang alam niya kung sino.

"Hmm, kay Van. 'Yong Lalaki talagang 'yon, takot." Umiling-iling siya. "Ang tagal niyang umamin, mabuti na lamang at naka-amin na siya," sabi niya dahilan para magsilakihan ang mata ko. Alam niya! May alam siya!

"Paanong.. paano mo nalaman?" Tanong ko. Kinakabahan. Eh kasi naman, wala sana akong balak na sabihin sa kaniya. Pero mukhang may alam pa siya kaysa sa 'kin.

"Alam ko ang lahat, Ariella." Mas lalong nanlaki ang mata ko. "Lahat-lahat." Ulit niya pa at nagsmirk sa 'kin. Pero imbes na mainis ay napangisi rin ako.

"May alam din ako, gusto mo malaman?" Ngisi ko sa kaniya at tinaas-baba pa ang kilay. Napatingin naman siya sa 'kin at nangunot ang noo ko.

"Kilala ko kung sino ang umamin sa 'yo.." Bulong mo. Nabitawan niya ang kubyertos na hawak-hawak niya at natigilan saglit. Natawa ako nang lihim dahil sa pagkagulat niya.

"Ariella, subukan mong.." Hindi na niya natapos ang sasabihin nang humalakhak ako.

"Umamin lang siya! Chill! Hindi naman ako si Marites para ichissmiss!" Napasigaw ako nang muntik na niyang ihampas sa 'kin 'yong tinidor.

"Kung ano man ang sinasabi mo, paki-usap, ayokong makarating ito sa iba," sabi niya at binaba na 'yong tinidor sa mesa.

"Pangako, hindi 'to makakarating sa iba," sabi ko at tinaas ang kanang kamay. Sana 'wag ding iparating ng tatlo sa iba.

"So, ano? Kumusta naman?" Pangchi-chissmiss ko. Aba s'yempre, kailangan natin ng details. Pero sa utak ko na lang 'yon, duh.

"Ayos naman. Hindi ko ramdam ang nararamdaman niya para sa 'kin," sagot niya at kumain ulit. Napahawak naman ako sa puso ko, ouch pighati, kirot, lumbay, pagtangis, sakit, dalamhati para kay Lion.

"Ikaw? Parehas lang ba kayo ng nararamdaman ng Prinsipe sa isa't isa?" Tanong niya at napatingin sa 'kin habang nakangisi. Natigilan naman ako.

"Hindi.. hindi ko alam. Bakit ba napunta na sa 'min ni Van ang usapan." Nguso ko at inubos na lang 'yong pagkain sa harap ko. Iniwasan ko ang tingin niya sa gayon ay hindi niya ako maasar. Hindi naman required na kapag umamin ang isang tao sa 'yo ay dapat mo na siyang magustuhan agad-agad, hindi ba? Kaya.. hindi ko pa alam.

"Diyan na lamang, Binibining Ariella," sabi ni Manang Hesta. Tumango ako at ibinaba ang plato sa damo. Akala ko ay ang kuwarto lang namin ang walang tubig. Buong building pala. At ngayon ay wala ring tubig sa lababo kung kaya't sa ilog Raval na naghuhugas ng plato ngayon. Ang sabi nila ay babalik ito mamaya.

Si Manang Hesta na ang pumalit kay Ate Gema. Tinanggap 'yong trabaho ni Manang Hesta upang sa gayon ay maituloy niya ang trabaho ng matalik niyang kaibigan. Labis niya ring ikinalulungkot ang nangyari kaya nagi-guilty ako. Mas lalo pa akong naguilty nang ikwento niya ang samahan nilang dalawa no'ng panahong sila ay Dalaga pa.

The Cursed Book Where stories live. Discover now