Kabanata 48

26 1 22
                                    

"Magandang Umaga!" Napatingin ako kay Dexter, abot langit ang ngiti nito. "Oh Kape! Dahan-dahan ah, mainit 'yan." Ngiti pa nito. Napa-iling-iling naman ako at tinanggap 'yon.

"Maaari ka ng magkwento," sabi ko at akmang hihigupin na sana ang kape nang hampasin niya ang balikat ko at nagpakawala ng impit na sigaw. Agad ko siyang sinamaan ng tingin. Siraulo!

"Ariella huhuhu! Successful!" Bulong niya pero sa loob-looban niya ay gusto niya 'yong isigaw. May natutulog pa kasi at baka mahampas kami rito nang wala sa oras.

"Congrats." Bati ko at nag-approve sa kaniya. "Ano'ng sabi?"

"Puwede raw akong manligaw! Ariellaaaaa waaah-!" Tinakpan ko ang bibig niya nang sumisigaw na ang loko. Humingi naman siya ng sorry.

"May natutulog pa." Sita ko. Tumawa naman siya nang kaunti at nagpeace sign. Natigilan ako ro'n.

"Tinuro Ferlly?" Tanong ko.

"Hindi. Ginawa niya kasi 'to no'ng humingi siya ng tawad sa 'kin, nabato kaya niya 'ko ng mangga! Tapos magagalit sana ako kasi ginanto niya lang ang kamay niya." Pinakita niya 'yong piece sign sa kamay. "Kasi imbes na humingi ng tawad ginano'n niya lang kamay niya! Tapos ayon sinabi niya na paghingi raw 'yon ng tawad, tapos ginaya ko! Maganda pala siya sa kamay. Kaso nga lang nagagalit si Ferlly sa 'kin sa tuwing ginagawa ko ito. Siya lamang daw ang may karapatan na gumawa non." Ngumuso siya.

"Pero hindi niya 'ko mapipigilan! Hindi naman niya kamay 'to." Ngisi niya. Natawa ako nang kaunti pero may lungkot ding bumalot sa puso ko.

'Yong pag-amin niya...

Kung puwede lamang na utusan ang puso ko ay gagawin ko. Uutusan ko siyang mahalin ang isang tulad niya ngunit... wala. Wala akong maramdaman sa kaniya. Hindi ko naisip na magkagusto sa kaniya. Tunay na isang Ginoo si Ferlly, Ginoong sa tingin ko ay hindi nababagay para sa 'kin.

Dinuyan ko ang sarili ko sa ilalim ng puno. Gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. Ipinikit ko ang mata ko upang damhin ang malamig na hangin.

Nga pala hindi ko pa nakikita ngayon si Van. Hindi raw siya umuwi kagabi sabi ni Ate Gema. Nasaan kaya 'yon. Hindi naman sa nag-aalala, pero kaya naman ni Van ang sarili niya. Pero kasi isang araw na siyang hindi bumabalik.

Napamulat ako nang may maramdaman akong tao na nasa harapan ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat nang may bumungad sa 'kin itim na balabal. Pero natigilan din nang nakita ko si Ate Helda.

'Yong Babaeng nakilala namin ni Lion sa kainan ng mga itim na tao.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" Tanong ko. Pinatong niya ang kaniyang balabal sa balikat at ngumiti sa 'kin.

"Tila'y 'yong nakalimutan ang ating usapan, Binibini," sabi niya. Nangunot naman ako. Ahhh, 'yong sinabi ko na tatanggalin ko ang singsing ng Reyna kapalit ng pagturo niya kung nasaan sina Van, Dexter, Jay at ang mga kawal.

"Ngunit hindi ko na po nais gawin ang gusto niyo," sagot ko. "Masyado pong mapanganib." Paano kung saksakin na lang ako o palasuhin dahil tinanggal ko ang singsing ng Reyna?

"Mas mabuti po kung iba na lang–" Napatigil ako nang singitan niya 'ko.

"Ang usapan ay usapan. Gagawin mo 'yon dahil nangako ka," sabi niya nang may pagdidiin sa pagbigkas. Natakot ako roon nang kaunti.

"Ano po ba ang kailangan niyo sa singsing?" Tanong ko. Isasangla niya ba? Mukha naman siyang rich, ah.

"Gusto mo bang malaman ang katotohanan, Ariella?" Nangunot ang noo ko. "Kung matatanggal mo ang singsing sa kaniyang kamay, tiyak na malalaman mo ang katotohanan. Hindi ba't ayon ang ninanais mo?" Tanong niya at tumaas kaunti ang kilay.

The Cursed Book Where stories live. Discover now