Wakas

47 3 35
                                    

"Ate, Ate! Gising na ikaw!"

Nagising ako sa pagyugyog. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Napakurap-kurap ako nang nakita ko kung sino ang nasa harap ko ngayon.

"Ate? Bakit yayakap ka?" Tanong ni Fellina.

"Ate, mainit po!" Reklamo ni Fellin, nag-iisang Lalaki. Habang enjoy na enjoy naman si Felish na kumapit sa 'kin, ang bunso. Hindi ko naramdaman na tumulo na pala ang luha ko.

"Bakit ka na-iyak, Ate? Yakap kana ni Fellin." Humigpit ang yakap sa 'kin ni Fellin. Saglit naman akong natawa ro'n at niyakap silang tatlo.

"Ate, aalis daw tayo sabi Mama. Kaya baba na raw po tayo," sabi ni Fellina. Kumawala ako sa yakap nila at sinamahan silang bumaba ng hagdan. Ni-hindi na ko na tinignan ang sarili ko sa salamin dahil hinila na nila ako.

"Gising kana, mag-almusal kana muna riyan at pupunta tayo ng palengke para bumili ng mga gulay para sa noche buena mamayang gabi," sabi niya. Nang naka-upo na 'ko sa upuan ay agad ko siyang tinignan.

"Hindi po ba tapos na New Year?" Tanong ko. Nangunot naman ang noo ni Mama nang tumingin siya sa 'kin.

"Anong tapos na? December 24 pa lang ngayon, Ariella. Mali ba ang kalendaryo mo?" Tanong niya. Napanganga naman ako ro'n nang kaunti. Ibig sabihin hindi umandar ang oras? O nananaginip lang ako?!

"Dalian mo na ang pagkain mo, pupunta pa pala tayo ng Mall. Bibilhan pa natin ang Lola't mo ng pangregalo," sabi niya at umalis. Tinignan ko siya habang naglalakad. Ang ekspresyon ng mukha niya ay mukhang maayos lamang.

Parang wala siyang alam.. nawala ba ang ala-ala niya? Ngunit ang sabi ni Lola Vallin ay nakapasok na rin siya sa libro. Pero bakit parang wala siyang reaksyon? Kailangan ko si Lola Violeta ngayon. Kailangan ko 'yong Libro.



"Dalhin mo na 'tong pinabili natin. Ilagay mo na sa tricycle. Kami na lang ang papasok sa mall." Inabot sa 'kin ni Mama 'yong binili naming mga gulay sa palengke kanina. Tumango na lang ako at dinala 'yon dahil ayoko na ring pumasok sa loob. Napagod na ako kaninang maglibot-libot. Pati nga 'tong dalawang kapatid ko, e.

"Ate, bili tayo non." Turo ni Fellin do'n sa palamig. Tinuro din ni Fellina 'yon na nagpa-iwan na rin dahil pagod na. Si Felish ay sumama kay Mama, wala namang kapaguran ang Batang 'yon. Siguro ay kung hihiga siya, roon pa lamang niya mararamdaman ang pagod.

Agad kong kinuha 'yong pera sa bulsa ng dress ko. Mabuti na lamang at humingi ako kanina kay Papa. Bente pesos lamang ang dala ko. Inabot ko 'yon kay Ate.

"Tatlo pong baso," sabi ko at binigay 'yon sa kaniya. Nagtaka ako nang isa lamang na baso ang binigay niya.

"Ate, tatlo po," sabi ko.

"20 pesos ang isa, Ineng." Napanganga ako ro'n. Muli kong tinignan 'yong inabot niya. 20?! Akala ko tig-lilimang piso lang!

"May ginto po ba ang tubig na ginamit niyo." Bulong ko.

"May sinasabi ka?" Tanong ni Ate. Umiling ako at ngumiti nang plastik. Agad kong hinila si Fellin at Fellina paalis do'n.

"Ate, kulang." Tinaas ni Fellina ang baso. Kulang na kulang talaga! Panglimang piso lang kaya 'yong baso! Ni-hindi pa 'ko nakatikim! Nakaka-asar! Sayang bente ko!

"Hayaan mo na. Hihingi na lang ulit tayo ng pera mamaya," sabi ko at ginulo ang buhok niya. Hindi na talaga ako bibili roon.

"Pero, Ate... uhaw pa po." Ngumuso si Fellina. Hinawakan ko ang pisngi niya at akmang magsasalita na sana nang biglang may nagsalita sa likuran.

"Sa 'yo na lamang ito." Bahagya akong napalingon sa kaniya. Umusog ako nang kaunti nang lumuhod siya sa harap ni Fellina at inabot ang bote ng C2.

Tumingin naman sa 'kin si Fellina, naghihintay ng sagot kung tatanggapin niya ba o hindi. Tumayo ang Lalaki at humarap sa 'kin. May inabot siya sa 'king card.

The Cursed Book Where stories live. Discover now