Kabanata 43

28 2 18
                                    

"Ano'ng tinitignan mo riyan?" Napalingon ako kay Dexter. Tumingin din siya roon sa tinignan ko.

"Ahh.. parang nakita ko si Ate Gema," sabi ko at tumingin ulit.

"Ngunit hindi ba wala na si Ate Gema?" Tanong niya. Naramdaman kong hinawakan niya ang laylayan ng dress ko.

"Uh.. oo. Baka nga namalikmata lamang ako." Tumingin ako sa kaniya. At nang tumingin din siya sa 'kin ay parehas kaming nagpa-unahang tumakbo dahil sa takot.

"Bakit kayo tumatakbo?" Tanong ni Ate Miyen at inabutan ako ng tela papunas sa pawis.

"Nagpapa-unahan lamang po kami ni Dexter," sagot ko at tinignan si Dexter na hingal na hingal.

"Gano'n ba.. osige. Babalik na 'ko ng kusina." Tumango ako at ngumiti sa kaniya.

"Halika, Ariella." Hindi na 'ko naka-angal nang higitin na niya ang kamay ko.

Dinala niya 'ko sa likuran ng Bahay ni Ate Miyen. At nakita ko roon si Ferlly na nagdadala ng kahoy. Nangunot ang noo ko.

"Oy! Ba't kayo narito?" Tanong niya at binaba ang lahat ng kahoy na nasa balikat niya.

"Tutulong kami ni Ariella!" Gulat naman akong napatingin sa kaniya. Siraulo 'to, wala naman akong sinabing tutulong ako. Hinila niya kaya ako!

"H'wag na. Magpahinga kana lamang sa loob, Ariella." Nanlaki nang kaunti ang mata ko. Napatingin kami sa isa't isa ni Dexter dahil sa bagong inasal ni Ferlly.

"Baka.. baka mamayat si Ariella kapag tutulong siya. Para lamang ito sa mga malalakas." Mapagbiro niyang itinaas ang muscle kuno niya.

Napangiwi naman kaming parehas ni Dexter. Gano'n pa rin siya.

"Dito kana muna, Ariella. Titignan ko lamang kung luto na ang pagkain sa loob," sabi ni Dexter at mabilis na tumakbo. Hindi pa ako nakapagsasalita non ah. Napakamot na lamang ako sa ulo at umupo sa malaking puno na kung saan tabi ni Ferlly.

"Nga pala Ferlly, si Serene. Nakita niyo ba siya sa palasyo no'ng pumunta kayo roon?" Tanong ko, napalingon naman siya sa 'kin.

"Serene? Hindi. Hindi ko siya napansin," sagot niya at umiwas ulit.

"Huh? Naka-amin kana ba sa kaniya? Sayang naman.. dapat hinanap mo siya. Malay mo baka mapahamak siya o paano na," sabi ko. Nanghihinayang. Sana naman ay ayos lamang siya kung hindi ay may mabro-broken dito.

"Magagalit ka ba kung hindi ako aamin?" Tanong niya. Napanganga naman ako nang kaunti.

"Anong sinasabi mo?"

"Hindi ba't ang sabi mo ay ang pag-amin ay nakadadagdag tapang? Sa tingin ko ay hindi ko kailangan ng tapang na 'yon." Ngumiti siya nang kaunti. Natigilan naman ako.

"Sige.. ikaw bahala." Ngumiti ako nang alanganin at umiwas ng tingin. I mean, choice naman niya 'yon. Kung gusto niyang umamin, edi umamin. Pero kung may masisira na isang bagay na iniingatan niya ay siguro ayos lang kahit huwag umamin.

Pinaglaruan ko na lamang ang paa ko. Napalingon ako nang may naramdaman akong parating.

"Luto na raw ang gabihan," sabi ni Van. "Kumain na tayo."

"Hindi pa 'ko nagugutom. Maya-maya na lamang," sabi ko. "Kayo na lamang ang mauna roon. Dito na lang muna ako." Ngumiti ako sa kaniya.

"Ahh.. mauuna na 'ko. Nagugutom na rin ako, sige ah." Paalam ni Ferlly. Tumango ako sa kaniya.

Akala ko ay aalis din si Van pero nagulat ako nang umupo siya sa tabi ko.

"Kumain kana roon," sabi ko. "Susunod na lang ako."

The Cursed Book Where stories live. Discover now