Kabanata 30

26 2 8
                                    

"Pinapakain ka ba ng Tatay mo?" Tanong ko kay Selion habang nakikipaglaro siya sa 'kin. "Sabihin mong hindi, nanakawin na talaga kita."

"Nagkasakit si Selion kung kaya't hindi mo siya nakita no'ng mga nakaraang araw." Gulat ko siyang tinignan.

"Bakit wala kang sinabi sa 'kin?" Nakakunot na tanong ko. Napakamot naman siya sa ulo niya.

"Patawad... baka puntahan mo siya kung sinabi ko, mahawa ka pa." Tinignan ko si Selion. Wineggle niya ulit ang buntot niya sa 'kin. "H'wag kang mag-alala, maayos na ang kalagayan niya ngayon."

Niyakap ko na lang si Selion at hindi pinansin ang sinabi ng Ama nito. 'Di ba dapat sinabi niya? Karapatan kong malaman! At isa pa, sabi niya ako Ina nito tapos no'ng nagkasakit Anak ko. Wala akong alam? Pakiramdam ko tuloy pabayang Ina ako.

"Eya?" Hindi ko nilingon si Van kaya tumikhim siya. Hindi ko sana planong pansinin siya pero naalala kung siya ang Prinsipe at mas makapangyarihan siya sa 'kin, puwede niya akong palayasin dito! Itapon pa nga, e.

"Oh?" Walang kwentang sabi ko. At least pinansin ko siya! Nilaro ko na lang si Selion para maka-iwas ako sa tingin niya.

"Hmm, maaari ka bang sumama sa 'kin bukas?" Rinig kong tanong niya. "Kung gusto mo pa sanang matutong gumamit ng palaso, handa akong turuan ka," sabi niya.

Napa-isip naman ako. Gusto kong matutong gumamit non para kahit papaano ay may ambag din ako sa librong 'to. At isa pa! Para naman pangalagaan ang sarili ko. Ayoko namang maging lampa rito sa kwentong 'to ah!

"Oo naman, anytime!" Ngumiti pa ako at kumindat na sana hindi ko na lang pala ginawa. Napakurap-kurap ako nang ngumiti siya. Nakita ko 'yon dahil nakahubad ang maskara niya, wala rin naman kasing tao sa loob ng kuwarto niya at ako lang naman na tao ang kasama niya kaya ayos lang. Teka.. kami lang pala na rito bukod kay Selion.

Wala naman sigurong malisya sa kaniya 'yon, 'di ba? 'Tsaka siya kaya nag-aya! Oo, tama. At isa pa, wala namang makakakita sa 'min kasi nakasara 'yong pinto.

"Sandali lamang, may kukuhanin lamang muna ako." Tumango ako. Lumabas siya ng pinto. Tinuon ko na lang ang pansin kay Selion at nilaro-laro siya.

May maliit na bola akong hawak at hinahabol 'yon ni Selion sa tuwing binabato ko. Malawak naman ang kuwarto ni Van kaya malawak din ang pagtatakbuhan niya.

Tumigil din ako ng muntik ko nang matamaan 'yong mamahalin ni Vase. Jusmeyo, Ella!

Tinawag ko na lang si Selion palapit sa 'kin, nakapuwesto na kasi siya. Siguro akala niya ibabato ko pa rin.

Naku Anak, malalagot ang Mommy mo!

Niyakap ko siya nang malapit na siya sa 'kin. "Ano kaya kukuhanin ng Daddy mo?" Tanong ko kay Selion at hinawakan ang balahibo niya. "Sa tingin mo ba, Selion. Crush ako ng Daddy mo?" Natawa ako dahil sa iniisip ko.

Hindi ko ma-imagine na magkakagusto sa 'kin si Van 'no. Wala akong powers, tapos nalaman niya pang nagsinungaling ako. Sa tingin ko naman ay hindi 'yon ang tipo niya. 'Tsaka, mas bagay sila ni Dasha. Oo, mas bagay sila.

At isa pa, kaibigan lang ang turing ko kay Van. Hindi ko rin ma-imagine ang sarili ko na magkagusto sa kaniya ah! Kahit na ang guwapo pa niya ngumiti, mabait, mabigayin, maginoo, maalalahanin, maalaga. Kahit pa ayon ang pinaka-type ko sa lahat ng ugali ng Lalaki ay hindi ko siya puwedeng maging crush.

Napatayo ako sa kama nang biglang may kumatok. Dahan-dahan kong binaba si Selion sa kama dahil nakatulog na pala siya sa lap ko. Tumayo ako at akmang bubuksan na sana 'yong doorknob nang may biglang magbukas non.

Nagulat ako nang tumambad sa 'kin si Binibining Evine! Waaaahhh!

Play dead, Ella. Play dead!

Mukhang nagulat din siya nang nakita niya ako. Ano ba 'yan huhu! Bakit hindi nilock ni Van 'yong pinto?

The Cursed Book Where stories live. Discover now