Kabanata 35

18 2 10
                                    

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Kinusot ko ang mata ko at babangon sana nang may pumigil sa braso ko.

"Manatili ka munang nakahiga, Binibini. Ang aking Ama ay umalis saglit upang manguha ng jamute." Napalingon ako roon at nakita ko si Princy na may inaasikaso sa tabi kong mesa. Nakaputing dress siya ngayon, simple lang din ang ayos niya.

Napahawak ako sa ulo ko para isipin ang huling nangyari. Napanganga ako nang kaunti nang naalala ko na. Bakit ba ako nahimatay?

"Maayos naman ba ang 'yong pakiramdam?" Tanong niya. Napatango naman ako. "Mabuti. Kumain kana," sabi niya at ngumiti. May tray siyang inabot sa ibabaw ng kumot. "Ipinadala 'yan ni Ginoong Cook."

Nagugutom na ako kaya kumain na rin ako kaagad. Habang kumakain ay napa-isip ako.

"Sinong nagdala sa 'kin dito?" Tanong ko. Huminga naman siya nang malalim at umupo sa upuan.

"Dinala ka rito ni Van. Kasunod niya si Ferlly, may kasama siyang dalawang Lalaki at isang Babae. Kung hindi ako nagkakamali ay nakilala ko 'yong Babae sa pagpupulong, si Jay? Jay ata ang kaniyang pangalan," sagot niya. Napanganga naman ako.

"Nasaan na sila?" Tanong ko.

"Pumunta sila rito kaninang umaga, pina-alis ko na sila kanina. Masyadong maraming tao ang nakapalibot sa 'yo kung kaya't pinaalis ko muna ang lahat. May umiiyak pa nga e. 'Yong Lalaking maliit? Sa tingin ko ay siya ang Anak ni Ginoong Dein na rating taga-pangasiwa sa elebador." Napangiwi na lang ako dahil hiya. 'Yong Dexter na talaga 'yon, inaakala niya bang mamatay na ako?

"Nga pala.. kumusta si Ginoong Espadias?" Tanong ko. Ang huli kong kita sa kaniya ay nakabulagta siya sa damuhan at nanginginig ang katawan.

"Naroon siya. Nagpapahinga. Ang sabi ni Ama ay may lason daw ang kinain niyang pagkain kahapon kung kaya't gano'n na lamang ang kung manginig siya. Ayos na siya ngayon, napa-inom na siya ng aking dugo," sabi niya at kinuha 'yong tray. Natapos na ako sa pagkain. Napatingin naman ako sa kanang bahagi. Naroon si Ginoong Espadias natutulog. Napahinga naman ako nang maluwag.

"Dugo mo?" Tanong ko at binalik ulit kay Princy ang tingin. Tumango siya.

"Ang dugo ko ang nagtatanggal ng lason sa katawan ng isang tao. Kaya sa oras na mainom ang aking dugo ay nawawala ito," sagot niya. Kaya pala minsan kapag nakikita ko siya ay nagiging maputla siya. Kinukuhanan pala siya ng dugo.

"Maaari ko bang malaman kung anong lason ang nakain ni Ginoong Espadias?" Tanong ko.

"Ang lason na 'yon ay pambihira. Hindi ko rin matukoy at ni Ama kung anong klaseng meron 'yon. Kinailangan pa ni Ginoong Espadias ng marami ko pang dugo upang mawala ang lason nito sa katawan. Ang lason na 'yon ay hindi kapareha ng lason na inilalagay sa palaso ng mga itim na tao," sabi niya. Agad akong napatitig sa kaniya.

"Anong.. ang ibig mong sabihin ay may mga lason ang palaso na ginagamit ng mga itim na tao?" Tumango siya. Napatigil ako, ibig sabihin kaya namatay si Ate Gema dahil nalason siya? Kung.. kung naroon si Binibining Princy maaari pa siyang mabuhay, hindi ba? Ngunit.. naging huli ang lahat.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas 'yon. Tumingin ako kay Hanz na may dala-dalang Rosas. Ngumiti siya sa 'kin at yinuko ang ulo nang nasa harap ko na siya.

"Ikaw ay gising na, Binibini. Maayos na ba ang 'yong pakiramdam?" Tanong nito. Tumango naman ako. Napatango-tango naman siya.

"Bumalik ako upang palitan ang 'yong halaman dito, Mahal ko," sabi niya at inabot 'yong mga Rosas kay Princy. Inilagay naman 'yon ni Princy sa vase niya na nasa lamesa, nasa harap naman 'yon ng bintana.

"Maraming salamat.. uh, hmm.." Tinignan ako ni Princy na parang nahihiya. Nahihiya siguro siyang tawagin si Hanz na 'Mahal ko', ayon call sign nila, e. Napatango na lang ako sa kaniya. Proud akong sabihin na naka-move on na ako kay Hanz, at isa pa bagay na bagay sila.


The Cursed Book Where stories live. Discover now