Nakatanga ako habang kumakain ng pananghalian. Hindi ko ine-expect 'yong kanina! Jusmeyo, patawarin ka sana Ella!
Hindi kaagad ako nakagalaw no'ng narinig ko 'yong salitang 'Amang Hari' kaya nalagpasan niya na ako. Bago siya maka-alis, nginitian niya muna ako kaya ayon hindi ko na alam kung ilang minuto na akong nakatayo roon sa pinto ng hardin.
Hindi ko alam ang gagawin. Hanggang ngayon tulala pa rin ako habang kumakain.
"Jay, nakita mo na ba ang Hari?" Wala sa sarili kong tanong.
"Hindi pa. Hindi siya naglalabas ng palasyo. Minsan lang 'yon at 'yong minsan na 'yon ay walang medyo nakakakita sa kaniya. Sabi ng mga nakakita sa kaniya, nakakatakot daw ang tingin niya. Hindi ko alam, hindi ko pa naman nakikita," sagot niya at sumubo ulit ng pagkain.
Nakakatakot ang tingin? Pero kanina, hindi ako natakot at hindi naman nakakatakot. Ang kapal pa nga ng mukha kong umupo sa tabi niya, e. Pero nang nalaman ko kung sino siya parang sinampal ako ng kahihiyan ko.
Nagwave ba naman sa harap ng Hari?? Gawain ba 'yon ng matinong tao??
Hangin, ilipad mo ako!
Napapikit na lang ako dahil sa sobrang kahihiyan. Sinabi ko pang 'salamat kung ano man ang pangalan mo' like, hello Ella?? Hari siya, hindi mo kilala??
Hindi ko naman talaga siya kilala pero kasi! Baka palayasin ako nang dahil sa kalapastangan kong hindi pagkilala sa kaniya ng Hari.
"Ano ba 'yan, parang kang wala sa pag-iisip." Dumilat ako at nakita ko si Jay na nakatingin sa 'kin. "Ano 'yan? Epekto ng pagpasok sa klinik?" Napangiwi ako dahil sa pagpronounce niya.
Umiling na lang ako at inubos na lang ang pagkain sa plato ko. Nang na-ubos na ay tumayo na ako para idala 'yong plato sa baba. Sinama ko na rin 'yong kay Jay na katatapos lang din kumain. At s'yempre ang pagkain ay dahon na naman, pero iba na ang sauce. Masarap naman pero hindi ko maiwasang mag-isip na ginagawa ata kaming baka rito.
As in, walang kanin, hindi ko alam kung ulam ba 'yong dahon na may sauce o hindi. 'Yong tubig may flavor. Hindi ko lang matukoy kong anong lasa niya pero kahit papaano ay okay rin naman siya. Parang juice pero hindi gano'n, may kakaiba, e.
Umalis na ako nang hindi nagpapaalam kay Jay. Naglakad ako sa hallway na puro tao. 'Yong iba ay may dalang plato rin, mukhang ibaba. Magpapatuloy na sana nang may bumangga sa 'kin, nahulog ko tuloy 'yong plato na dala-dala ko.
"Pasensiya na, hindi ko sinasadya." Ayon lang ang narinig ko roon sa Lalaking nakabangga sa 'kin. Sasamaan ko sana siya nang tingin nang napagtanto ko kung sino siya.
Kung hindi ako nagkakamali, siya 'yong.. siya 'yong malakas na humati sa kahoy! Oo, tama, siya 'yon.
"Pasensiya na ulit, Binibini. Ngunit hindi ikaw ang tipo ko." Napatigil ako sa pagtitig dahil sa ka-assumero niya.
"Pero kung 'yong kasama mo, hehe hindi ako tatanggi." Kumunot ang noo ko. Si Jay?
"At ano naman kailangan mo sa kasama ko?" Tanong ko at tinaas pa ang kilay.
"Hoy! Grabe ka naman, kailangan agad? 'Di ba puwedeng kilalanin muna? Saka na 'yong kailangan." Ngumiti siya nang mawalak at pumantay pa sa 'kin.
"Sino ka ba?" Tanong ko. Umalis naman siya sa tabi ko at humarap sa 'kin. Inayos-ayos niya pa ang buhok niya bago magsalita.
"Lion Frestellio." Pagpapakilala niya. Pagkatapos ay tumabi na ulit siya sa 'kin.
"Halikana, Kapatid." Tinulak niya ang likod ko papunta sa loob ng elevator.
"Dex, unang palapag." Napatingala naman ako. Nakabalik na siya.
"Hi, Dexter small." Bati ko at ngumiti sa kaniya.
YOU ARE READING
The Cursed Book
FantasyAriella Crisostomo. Ang Babaeng hindi hilig ang libro at ang mga kwento. Ngunit pa'no kung sa isang pagtapon lamang ng sopas sa isang libro ay mapunta siya sa isang kwento na kapangyarihan at kakayahan ang kailangan? Sa ibang Mundo kung saan marami...