Kabanata 50

35 1 30
                                    

"VAN!" Sigaw ko nang hindi na siya gumagalaw. Nahulog ang kamay niya na nakahawak sa pisngi ko. Humagulhol ako at pinilit na kumbinsihin sa sarili na hindi nangyayari ito.

Ngunit sa bawat pagyugyog ko ay hindi siya sumasagot. Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang pisngi niya at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Bakit.. bakit nangyayari ito?

"VAN!" Napatingin ako sa Babaeng tumakbo papunta sa direksyon namin. Nang nakarating na siya ay lumuhod siya at hinawakan ang kamay ni Van. Lumuluha siyang inilagay 'yon sa ulo niya.

"Van.. narito na 'ko. Bumalik na 'ko, paki-usap gumising k-ka.  Hindi na muli akong aalis.. paki-usap, A-anak." Agad siyang humagulhol at yumakap sa Anak. Mas lalong nadagdagan ang bigat ng damdamin ko.

"Patawad kung nahuli ako ng dating.. patawad kung h-hindi ako nakarating kaagad. Anak, n-narito na ang 'yong Ina. Gumising k-ka, Anak." Umusog ako para mahawakan niya ang kaniyang Anak. Patuloy lamang ako sa pag-iyak habang pinagmamasdan silang mag-ina.

Humawak ako sa laylayan ng dress ko para ilagay ro'n ang galit, sakit, at paghihinagpis. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Gulong-gulo na 'ko. 

Napa-atras ako nang dumating si Binibining Evine. Lumuluha niyang yinugyog ang kapatid. Isang malakas na sigaw ang kumawala sa kaniya dahil sa nasaksihan niya. Mas lalong humigpit ang kapit ko sa laylayan ng dress ko.

Pinilit nilang gisingin si Van ngunit nabigo sila dahil wala na.. wala ng buhay ang katawan ni Van.

Lumingon sa 'kin ang Mahal na Reyna.

"Sino'ng may gawa nito?" Tanong niya. Agad akong yumuko at umiling-iling.

"SINO! SINO ANG GUMAWA NIYAN SA ANAK KO!?" Napahawak ako sa tainga ko nang sumigaw siya. Ang sigaw na 'yon ay may laman ng galit at sakit.

"P-patawad.. patawad.. patawad.." Bulong ko habang nakayuko. Lumapit sa 'kin si Binibining Evine at hinagod ang likod ko para pakalmahin ngunit hindi naging sapat 'yon.

Tumigil ako sa paghikbi nang may marinig akong mga yapak. Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ro'n si Ginoong Levian, kasama ang napakaraming itim na tao. Agad ding napatingin ang Mahal na Reyna ro'n. Biglang dumilim ang mata niya nang nakita niya si Ginoong Levian.

"Ina! Sandali!" Sigaw ni Binibining Evine ngunit huli na dahil nakarating na siya ro'n.

"Papatayin kita!" Sigaw ng Mahal na Reyna at sumugod mag-isa sa hindi bababang limampung itim na tao. Sumunod si Binibining Evine sa kaniya. Pinilit kong makatayo ngunit hindi ko kaya dahil sa sobrang panghihina.

Itim. Itim na salamangka ang parehas nilang ginagamit sa paglaban. Habang si Binibining Evine ang nagtataboy ng itim na tao sa Mahal na Reyna gamit ang espada na napulot niya. Natanaw kong dumating sina Jay, Lion, Dexter, Ferlly at ang mga kabayong sakay-sakay ang mga iilang kawal. Nangunguna sa kanila si Ginoong Labaro sa pagsugod. 

Napansin kong hindi nila ito pinapatay, kundi sinisipa lamang at hinahayaang mahulog sa sahig.

Ilang minuto ang nakalipas ay ramdam ko na ang pagsakit ng balikat ko. Napahawak ako ro'n at pinilit muling tumayo, ngunit nabigo ulit dahil nahulog ako sa damuhan.

Tinignan ko ulit sila, nakikilaban. Habang ako ay nanghihina at hindi man lang makatulong. Nanlaki ang mata ko nang natumba ang Mahal na Reyna, hawak-hawak ni Ginoong Levian ang leeg niya. May sinasabi sila ngunit hindi ko 'yon marinig dahil nasa kalayuan.

"INAA!" Ang tinig lamang ni Binibining Evine ang narinig ko. Agad siyang sumagod ngunit agad ding natumba nang tangkain niyang saksakin si Ginoong Levian sa likuran. Ang itim na salamangka ay napalibot sa kaniya. Pati sina Jay, Dexter, Lion, at Ferlly ay hindi makapasok sa loob ng itim. Ang mga kabayo ay nanghina at tuluyang natumba. Naging parang ipo-ipo 'yon.

The Cursed Book Where stories live. Discover now