Kabanata 03

97 7 9
                                    

Nakatanga ako sa dingding. Iniisip 'yong mukha ni Hanz! 'Yong mukha niya.. mukha talaga siyang Anghel. Anghel na nahulog para sa 'kin.

'Yong mga mata niya.. 'yong kilay at pilik mata niya. Para akong tinatawag non.

"Tigil-tigilan mo nga 'yan." Lumingon ako kay Jay na nakahiga rin sa tabing kama. "'Wag kang aasa." Dugtong pa niya.

Nakita kong pinikit niya ang mata niya. "Ang umaasa, nasasaktan."

Tinignan ko pa siya pero mukhang nakatulog na siya. Napagod siguro kanina. Gabi na bago kami naka-uwi, hindi ko na mabilang kung ilang oras kami naglibot-libot. Basta kanina, bumili kami ng iba't ibang kagamitan. Kasama na roon 'yong damit ko na susuotin, nabanggit ko kasi sa kaniya na wala akong damit na susuotin. Kaya ayon, binilhan niya ako.

Napangiwi nga ako nang nakita kong puro dress ang tinitinda roon. Napansin ko rin na puro dress ang suot-suot ng mga kababaihan dito. May manggas 'yon at hanggang tuhod ang haba.

Nabanggit sa 'kin ni Jay na isa sa batas ng palasyo ang pagsusuot ng mga kababaihan na hanggang tuhod ang haba at hindi na iikli roon. Puwedeng sumobra.

Tumayo ako nang may biglang magdoorbell. Oo may doorbell, gano'n ka-sosyal dito.

Tinignan ko si Jay pero mukha wala siyang balak na tumayo kaya ako na lang ang nagbukas non.

Si Ate pala, 'yong nagdadala ng mga pagkain. Dalawang plato na lang 'yong nasa hila-hila niya. Dahil nga kami ang pinaka dulo, kami ang huling binigyan.

Ngumiti ako sa kaniya at kinuha 'yon. Nahirapan pa ako sa pagsara ng pinto dahil dalawang kamay ang gamit ko. Dahan-dahan kong nilapag 'yon sa lamesa namin.

Umupo ako sa kama, paharap sa kaniya. Bago ko siya gisingin may napansin akong parang litrato na nakahawak sa kamay niya. Akmang kukuhanin na sana 'yon nang bigla siyang nagising.

"ANAK NG PATING!" Napasigaw ako dahil sa gulat.

Eh, bigla-bigla na lang siya tumayo tapos lumaki ang mata niya!

Nang napagtanto niyang ako ang kaharap niya ay umayos na ang mata niya. Mukhang hindi lang ako ang nagulat.

"Anong ginagawa mo?" Ayon ang una niyang tanong at parang hingal na hingal.

"Ayos ka lang?" Tanong ko pabalik. Napatingin ako sa kamay niya, 'yong kamay niya nanginginig. Hahawakan ko sana 'yon nang iurong niya 'yon.

"Ayos lang ako. Bakit ka nasa kama ko?" Tanong niya ulit. Nginuso ko 'yong pagkain na nasa lamesa.

"Kumain na tayo," sabi ko at nauna nang tumayo. Umupo na ako roon sa kabilang upuan.

Kagaya kaninang tanghali, gano'n pa rin 'yong pagkain. Nagmumukha na akong baka dahil sa puro dahon ang pinapakain. Pero okay naman siya, masarap naman.

Sinubo ko na 'yon habang nakatingin sa bintana na nakabukas. Walang hangin pero malamig. Kitang-kita rin dito 'yong buwan, bilog na bilog.

Kung panaginip man itong lahat.. at nag-iimagine na naman ako na pati ito ay naisip ko.

Gusto ko sanang kaunting oras pa.. kaunting tulog pa. Nagkakainteres na ako sa lugar na 'to, sa totoo lang. Nakakamangha ang mga bagay rito at gusto ko sanang makakita pa ng mga nakakamanghang bagay.

Sana.. rito muna ako kahit sandali pa.

"Ariella."

Napalingon ako kay Jay. "Kanina pa kita tinatawag," sabi niya. Mukhang napalalim ang pag-iisip ko.

"Ahh, may iniisip lang. Ano ba 'yon?" Tanong ko. Tinignan naman niya ako pagkatapos ng ilang segundo ay umiwas siya.

"Itatanong ko lang kung nakita mo 'yong hawak-hawak kong litrato kanina?" Tanong niya. Umiling naman ako. Ni-hindi ko nga nakita kung ano 'yon dahil ang higpit-higpit ng hawak niya roon. Hindi ko na rin nakuha dahil nagising siya bigla.

The Cursed Book Where stories live. Discover now