Kabanata 44

27 2 21
                                    

Nagising ako dahil sa pagkayugyog. Agad kong iminulat ang aking mata at nakita kong katabi ko si Diane. Si Duine at Almira naman ay natutulog.

"Ate Ariella." Bulong nito. "Wala na po sila," sabi niya at niyugyog pa 'ko. Nararamdaman ko ang pagyanig ng kamay niya sa sobrang kaba.

Tumingin ako sa kaniya at inaalala ang lahat ng nangyari kanina.


"Subukan mong tanggalin ang 'yong Maskara, Ginoo. Hindi mo gugustuhin kitilin ko sa harap niyo ang Ginoong ito." Nanlaki ang mata ko nang itapat ni Ginoong Levian ang mahabang espada niya sa leeg ni Ferlly.

"Bitiwan mo siya." Mariin ang pagkakasabi ni Van non. Tumawa lamang si Ginoong Levian habang hindi pa rin tinatanggal ang espada sa leeg ni Ferlly.

"Tila, ang Prinsipe ay nagpapatupad ng isang utos sa labas ng palasyo." Tumawa ulit siya. "Ikaw ay wala sa loob ng palasyo kung kaya't ikaw ay nakatutuwa. Sa 'kin na ngayon ang Palasyo... at ang kailangan ko na lamang ay ang buhay ng 'yong Ama." Dumilim ang aura ng mukha niya.

"Bitiwan mo siya." Ulit ni Van. Tumawa ulit si Ginoong Levian.

"Ikaw ay sabik sa Ginoong ito, Mahal na Prinsipe. Malaman ko lamang, ano bang meron sa kaniya? Bukod sa gusto niya rin ang taong Mahal mo." Nangunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya. May sira na ba talaga siya? O nakasinghot ng katol?

"Duine.. ngayon na!" Mabilis kong nilingon si Duine. Nanlaki ang mata ko nang magbuhat siya ng malaking kahoy at saka binato 'yon sa mga itim na tao.

Nagkagulo ang lahat kung kaya't hinila ko na si Almira at Diane upang tumakbo. Bumalik kami ng ilog at do'n tumakbo.

"Umupo muna kayo rito... babalik ako. Hindi kayo puwedeng mag-iingay. Babalikan ko sila," sabi ko at pina-upo sila sa malaking ugat ng puno. Binaba ko na rin 'yong bag kung saan nakalagay ang basang damit nila.

"Ate Ariella." Tawag nila nang akmang aalis na sana ako. Parehas silang nanginginig sa takot. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi nila.

"Ayos lamang... babalik ako, pangako," sabi ko at nang tumahan na sila nang kaunti ay agad akong tumakbo pabalik.

Mabilis akong tumakbo nang muntikan nang tamaan si Duine ng espada. Agad ko siyang itinulak at hinawakan ang kamay ng itim na tao. Sinipa ko ang tuhod niya sa lakas na makakaya ko. Nang natumba na ang magtangkang pumatay kay Duine ay agad ko siyang tinulungang tumayo.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kaniya habang pinapagpag ang tuhod niya.

"Opo," sagot niya.

"Umupo kana lamang dito. Pupuntahan ko si Van," sabi ko. Narinig ko pa ang mga tawag niya. Kinuha ko 'yong espada nong sinipa ko kanina.

Ariella, alalahanin mo ang itinuro sa 'yo ni Lion.

Papikit kong hinampas ang espada sa itim na taong nagtangkang lumapit sa 'kin. Ayan! Matulog kana muna, galunggong ka!

Pakiramdam ko tuloy ay proud na proud pa 'ko sa sarili ko nang ginawa ko 'yon.

Pero nagulat ako nang limang tao na ang sumugod sa 'kin. WAAAAHHHH!

Napapikit ako dahil sa gulat at nang ilang segundo na ang lumipas ay dinilat ko ang mata ko. At nakita ko roon si Van na nakikipag-espadahan sa lima. Mabilis kong tinulak sa likot 'yong isa nang muntik na niyang saksakin si Van. Napakurap-kurap ako. Muntikan na! Jusmeyooo!

Agad akong napa-iwas nang tangkain akong saksakin nong isa. Agad ko siyang sinapa at napa-aray naman siya roon. Deserve!

Maglalakad na sana papunta kay Van nang may humila sa kamay ko. Agad akong kumawala pero hindi ko rin nakayanan dahil dalawa sila.

The Cursed Book Where stories live. Discover now