Kabanata 45

26 2 10
                                    

Nagising ako dahil sa ingay, iminulat ko ang aking mata na agad ko ring isinara dahil sa pagkasilaw. Tinakpan ko ang mata ko upang makamulat nang maayos.

"Hala! Gising na si Ate Ariella! Ina! Kapatid! Gising na siya!" Napatayo ako dahil sa sobrang panghihina. Pero natigilan din dahil pinahiga rin ako kaagad ni Ate Gema.

"Mga Anak, maglaro na muna kayo roon. Huwag kayong lalayo, ah. Kakausapin ko muna ang Ate Ariella niyo." Rinig kong sabi ni Ariella. Nakarinig ako ng yapak at alam kong sila 'yon.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya. Akmang uupo na sana nang hawakan niya ang balikat ko at itinulak pabalik. "Ariella, magpahinga kana muna."

"Anong... anong nangyari, Ate Gema?" Tanong ko habang nakahilig ang ulo, nakatingin sa kaniya. "Anong nangyayari?" Tanong ko ulit ngunit ibang sagot na ang gusto kong malaman. Bakit... bakit lagi na lamang ang buhay ko? Bakit lagi na lamang kaligtasan ko ang nasa isip nila?

"Nang binalikan ka namin ni Duine ay nakahiga kana sa damuhan at walang malay," sagot niya.

"Ngunit si Mang Arthuro? Nasaan na siya?" Tanong ko. Nagbabakasakaling panaginip lang ang nangyari kagabi.

"Nang dumating kami ay wala na ang katawan ni Arthuro. Ariella, kailangan mong maintindihan ito. Lahat ng taong tutulong sa 'yo ay magbubuwis ng buhay para sa 'yo," sabi niya. Naguluhan ako roon. Hindi ko maintindihan.

"Bakit... bakit nila gagawin 'yon? Hindi... hindi nila kailangang gawin 'yon." Rinig ko ang paghinga niya nang malalim.

"Ariella... hangad nilang mabuhay ka. Kung kaya't kailangan nilang isakripisyo ang buhay nila para sa 'yo. Dahil... ayon ang naka-ayon sa libro." Natigilan ako roon.

"Isakripisyo? Ibig sabihin... sinakripisyo ni Mang Arthuro ang buhay niya para sa 'kin?" Tanong ko. Tumango siya roon. "Ngunit... isa ka rin ba roon?" Na-istatwa ako nang tumango siya.

"Isa ako sa dapat na magsakripisyo ng buhay para sa 'yo, Ariella. Ngunit ang sabi ko nga sa 'yo ay hindi pa natatapos ang kwento ko. Binigyan niya 'ko ng pangalawang pagkakataon na mabuhay." Nangunot ang noo ko.

"Niya? Sino siya, Ate Gema?" Tanong ko ngunit iling lamang ang sinagot niya.

"Hindi ko maaaring sabihin... Ariella. Patawad," sagot niya at yumuko.

"Eh paano ang mga taong magsa-sakripisyo sa 'kin? Paano ko sila makikilala? Anong gagawin ko para mahinto ang pagkamatay nila para sa 'kin?" Sunod-sunod na tanong ko. Hindi ko kaya... hindi ko kayang may magsakripisyo para sa 'kin.

"Walang nakaka-alam... tanging sila lamang ang nakaka-alam," sagot niya. Napapikit ako nang mariin. Kasalanan ko 'to. Kasalanan ko ang lahat ng ito.





"Inom ka po ng tubig." Dahan-dahan kong kinuha ang inabot sa 'kin ni Almira. Naka-upo na 'ko ngayon at sandalan mo ang malaking puno. Tumabi naman sa 'kin si Almira.

"Patawad," sabi ko. Kasalanan ko kung bakit hindi magiging masaya ang pamilya niya. Mahihiwalay na naman siya sa kaniyang Ama... na kahit kailan ay hindi na puwedeng ibalik.

"Ayos lang po... sinabi na po sa 'kin ni Ama na mangyayari po 'yon. Nagpaalam po siya sa 'kin. At alam niyo po ba ang sinabi niya? Huwag ko raw po kayong sisihin dahil wala po kayong kasalanan." Kusang tumulo ang luha ko. Alam niya... alam niya una pa lang na ayon na ang mangyayari.

Pinunasan ni Almira ang pisngi ko gamit ang hinalalaki niya. "Tahan na po, Ate." Hinawakan ko ang ulo niya at marahang tinapik 'yon nang yakapin niya 'ko.





"Sunog na yata 'yan, eh! Ako na nga!"

"Wew, nagmamagaling. Akala mo ah, alam ko sekreto mo–"

"Ikaw ang isusunod ko rito." Asik ni Ferlly at tinuro 'yong iniihaw nila. Tumingin sa 'kin si Dexter at ngumiti, napangiwi naman ako.

The Cursed Book Where stories live. Discover now