Kabanata 41

25 1 17
                                    

"Sasama ako," sabi ko at tumabi kay Dexter. Lahat naman sila ay napatingin sa 'kin.

"Hindi maaari, Ariella." Si Van ang nagsabi non. Nangunot ang noo ko. "Mapanganib."

"Pero sasama ako kahit anong mangyari." Tumayo ako nang tuwid upang ipakita sa kanilang desidido akong sumama. Napatingin naman ako kay Van, kulang na lamang ay hawakan niya ang noo niya dahil sa sobrang kulit ko.

"Ariella, 'wag–" Tinapik ko ang balikat ni Dexter.

"Huwag ka ngang maingay, ikaw iwan ko, e," bulong ko. Sinarado naman niya ang bunganga niya at tumango sa 'kin. Kailangan kong makapunta roon, kailangan kong siguraduhin na magiging ligtas 'yong dalawang kambal.

"Sa gabi tayo aalis. Mas maganda upang hindi tayo masyadong makita. Lahat ng bihag ay nasa loob ng palasyo. Mahihirapan tayong makapasok sa loob," sabi ni Van at itinuro 'yong mapa ng palasyo.

"Paniguradong lahat ng pinto ay may bantay at sarado. Kailangan nating maka-akyat sa taas. May maliit na butas doon at puwde tayo roong pumasok," sabi niya ulit at itinuro 'yong tuktok ng bubong.

"Ngunit paano tayo makaka-akyat, Mahal na Prinsipe?" Tanong ng isang kawal.

"May hagdan pataas doon. Magagamit natin 'yon upang maka-akyat. Ang hagdanang 'yon ay nasa kanang bahagi ng palasyo."  Tumango-tango ang lahat.

"Magmeryenda na muna kayo." Napalingon ako kay Ate Miyen at tinulungan siyang ibaba 'yong mga tinapay. Tumango ang lahat at kumuha na ng tag-iisang tinapay. Hindi na 'ko kumuha dahil busog pa naman ako.

"Ginoong Van." Napalingon ako kay Katalina. "Tulog na po ang Mahal na Hari," sabi niya.

"Maraming salamat, Lina." Nangunot ang noo ko nang iba ang pangalang binanggit ni Van. Nickname, huh. Close na sila ngayon.

"Walang anuman, Ginoo." Tumaas ang kanang kilay ko nang pabebeng hawiin ni Katalina ang buhok niya papunta sa likod ng tainga niya.

"Baka naman matunaw sila niyan." Napatingin ako sa baba ko. Kinunotan ko ng noo si Dexter. Nakangiting Aso na naman.

"Ano bang sinasabi mo riyan?" Umiwas ako ng tingin.

"Alam mo ba kung anong pinakamagandang pagmamahal?" Tanong niya. Tumingin naman ako sa kaniya.

"Ano?" Ngumisi siya at tinaas-baba ang kilay.

"Ang pagmamahal na hindi mo maramdaman," sagot niya. "Ang pagmamahal na hindi mo inaasahan." Mayabang siyang ngumiti sa 'kin.

"Ewan ko sa 'yo, Dexter," sabi ko at lumabas.


"Kapag nasaktan mo ang mata ko, hindi kana talaga makakalakad, Frestellio." Rinig kong sabi ni Jay.

"At kailangan kita sinaktan? Wala akong balak na saktan ka." Kinikilig na sabi ni Lion. Pero siya lamang ang kinilig dahil sinipa siya ni Jay.

"Tigil-tigilan mo ako sa kaka-ganiyan mo ha. Hindi ako natutuwa." Masungit na sabi ni Jay.

"Sino bang nagsabing matuwa ka. Kiligin siguro puwede pa." Akmang tatadyakan siya ulit ni Jay nang naka-iwas si Lion.

"Biro lang! Ito na, aayusin na Misis ko." Napa-aray ulit si Lion nang tumama ang palad ni Jay sa pisngi ni Lion. Napahawak doon si Lion at gulat na gulat na napatingin kay Jay.

"Sobrang sakit na non, ah. Sinasaktan mo na 'ko." Sumeryoso ang mukha ni Lion. "Pero ayos lang hehehe. Karangalan kong saktan mo." Ngumiti si Lion at pinagpatuloy na ang pagtanggal sa bakal na nakalagay sa mata ni Jay.

Hindi ko alam kung anong tawag doon sa gamit na ginagamit niya. Ibinigay lamang 'yon ni Ate Miyen sa kaniya, ayon daw ang gamitin para matanggal.

Umalis na lamang ako roon. Nilibot ko ang mata ko at nagulat ako nang makita ko si Van na naka-upo sa malalaking ugat ng puno. Hindi ko alam pero dinala ako roon ng mga paa ko. Habang papunta sa kaniya ay napansin kong nagsusulat siya sa isang libro. Hindi ko mabasa kung ano 'yon dahil medyo malayo pa ako.

The Cursed Book Where stories live. Discover now