Kabanata 34

16 3 8
                                    

Tulala ako habang binubuhat 'yong balde na pinuno ko kanina sa ilog. Pilit kong iniintindi 'yong sinabi ni Lola pero hindi ko talaga maintindihan. Tumaas din ang balahibo ko dahil doon. Pero naputol ang pag-iisip ko nang may biglang sumigaw sa tainga ko.

"ARIEELLAAAA!" Agad kong tinakpan ang tainga ko at sinamaan ng tingin si Ferlly na tawang-tawa sa ginawa. Kaunti na lang talaga masisira na eardrums ko sa kaniya, e.

"Anong kailangan mo? Umagang-umaga, Ferlly ah!" Inis na sabi ko. Ngumiti naman ang loko.

"Wala naman, nais ko lamang makita ang mukha mo," sabi niya. Tinanggal ko ang magkabilang kamay niya sa pisngi ko nang kurutin niya 'yon.

"Ferlly!" Sigaw ko. Ang sakit, bwisit talaga 'to!

"Ang taba ng pisngi mo, kain ka kasi nang kain, e. Tumataba kana tuloy." Sinamaan ko siya ng tingin. "Pero ayos lang, mas gusto ko 'yon." Bumingis siya na parang bata. Inismiran ko na lang siya at binuhat ko ulit 'yong balde.

"Ako na baka mamayat ka," sabi niya at mabilis na dinala 'yong balde na puno ng tubig. Maiinis sana ako pero, sige pagbibigyan ko siya ngayon. Ininat ko muna ang braso ko bago sumunod sa kaniya. Wala kasing dumadaloy sa gripo ng Cr namin ni Jay nang maghihilamos sana ako. Hindi ko naman alam kung kanino ako hihingi ng tulong, natutulog si Jay nang iwan ko siya sa kuwarto. Nagagalit pa naman si Jay sa tuwing ginigising ko siya. Kulang na nga lang ay magbuga siya ng apoy.

Kaya ayon, dahil mabait naman ako ay nag-igib ako para panligo mamaya kung hindi pa bumalik ang tubig namin. Mukha ngang ang Cr. lang namin ang walang tubig. Dapat na ba akong magreklamo nito?

"Oy, ba't ka tumigil?" Tanong ko kay Ferlly nang nakatayo na lang siya. Napatingin ako sa harapan namin at nagulat ako ng may isang Lalaking nakamaskara ang nasa harap namin. Kahit na naka-maskara siya ay halata ang pagkunot at pagseryoso ng mukha niya.

"Magandang araw, Van!" Bati ni Ferlly at ngumiti pa.

"Magandang Araw." Bumati na rin ako at ngumiti pa.

"Bakit may dala-dala kayong balde?" Tanong niya. Ni-hindi man lang bumati nang pabalik.

"Ahh.. kasi ano, nawalan kasi ng tubig sa kuwarto k-kanina kung kaya't nag-igib ako," sabi ko at pilit na ngumiti. Sa eksenang ito dapat hindi ako kinakabahan, pero bakit kinakabahan ako?

"Bakit kasama mo si Ferlly?" Tanong niya. Napatingin naman ako kay Ferlly na kinakabahan din, nakikita ko 'yon dahil nanginginig ang kamay niya.

"Ahh, kasi napadaan lang siya tapos tinulungan niya ako. Hindi ko kasi medyo mabuhat 'yong balde," sagot ko at pinaglaruan ang kamay sa likuran. Nagmumukha akong may ibang tinatago sa kaniya.

"Ako na ang magbubuhat para sa 'yo," sabi niya at dali-daling binuhat 'yong balde. Diretso lang siyang naglakad habang buhat-buhat 'yon. Nagkatinginan naman kami ni Ferlly at sabay nagkibit-balikat.

Hanggang sa makapasok kaming tatlo sa loob ng elevetor. Bale nasa gitna nila akong dalawa. Pumagitna talaga ako dahil wala akong tiwala sa pagtahimik ng dalawang 'to.

"Oy! Magandang Umaga mga Ginoo at Binibini. Bakit parang ang tahimik niyo?" Tanong ni Dexter mula sa itaas. "Natahi ba ang inyong mga bibig?" Tumawa siya. Napatigil siya sa pagtawa nang walang tumawa sa joke niya, napagtanto na niya siguro na minsan corny rin siya.

Nang nakarating na kami sa 4th floor at dire-diretso na dinala 'yon ni Van. Wala siyang imik. Muli kaming nagkatinginan ni Ferlly at sabay ulit nagkibit-balikat.

Huminto si Van sa harap ng pintuan ng kuwarto namin. Kinuha ko 'yong susi mula sa bulsa ng dress ko at sinuksok 'yon. Maluwag kong binuksan 'yong pintuan.

The Cursed Book Where stories live. Discover now