Kabanata 02

131 6 13
                                    

"Ibaba niyo na lang po rito," sabi ko roon sa Babaeng may dala-dalang pagkain DAW namin. Ngumiti naman siya at binaba roon sa mesa. Pagkatapos ay lumabas na siya kaya sinara ko na 'yong pintuan.

Narito kami sa loob at ang sosyal ah! May libreng pagkain at isa pa, libreng tulugan din. Parang dorm 'tong pinuntahan namin. 'Yong pintuan gawa sa kahoy at kung lalapitan mo ay makikita mo ang desenyo. Habang ang pader ay gawa sa semento at may kulay na brown.

Nasilip ko rin kanina na ganoon din 'yong sa iba. Nasa pinakamataas kaming palapag. Kakaiba nga 'yong ginamit naming elevator kanina.

"Wala kang balak magbihis?" Napatingin ako kay Lian, 'yong kasama kong Babae. Pumunta ako sa tabing kama. Dalawa kasing kama ang narito. At may foam ah! Taray!

"Oh." Inabot niya sa 'kin 'yong mahabang dress na pangbuntis. Yellow ang kulay non, yellow lang. Ano ba 'yan, badoy. Wala ba siyang T-shirt?

Kaparehas non 'yong puting maikling maong. Napangiwi na lang ako.

Pumasok na ako sa tinuro niya, Cr pala 'yon at wala ka! Parang nasa pang-mayaman akong dorm pero pang-sinaunang panahon. Nilinis ko na ang sarili ko pero bago muna ay nilapag ko muna 'yong baraha roon sa lagayan ng sabon. Nilagay ko na rin doon 'yong gitong bracelet doon.

At nang natapos na ay agad kong binalot ang katawan ko ng tuwalya na binigay niya. Roon na rin ako nagdamit sa loob. Nang natapos ay lumabas na ako dala-dala 'yong bracelet, sinuot ko muna 'yon sa pulsuhan ko dahil baka mahulog. Nilagay ko 'yong tuwalya sa buhok ko at pinaikot 'yon doon.

Pagkatapos ay lumabas ako nang dala-dala 'yong baraha. Ang bango ng sabon nila rito!

Ang una kong nakita paglabas ay si Lian, napatigil pa siya sa pag-aayos ng gamit nang nakita niya ako. Tulalang-tulala siya sa 'kin. Tinignan ko naman ang sarili ko kung may mali, pero wala naman.

Hindi ko na lang pinansin 'yon at tinanggal na 'yong bracelet sa kamay ko at inabot 'yon sa kaniya. Natauhan naman siya dahil doon.

"Binabalik ko na. Wala ka namang ginawa sa 'kin," sabi ko at ngumiti nang kaunti. Umiwas naman siya ng tingin at pinagpatuloy 'yong pag-aayos sa gamit niya. Problema nito?

"Huwag kang makasiguro. Suotin mo muna 'yan." Tumaas naman ang kilay ko. Hindi na ako sumagot dahil baka trip niya 'yon. Bahala siya! Talagang isasangla ko 'to.

Umupo na lang ako sa kama ulit at kinuha 'yong suklay na nakapatong doon. Tinanggal ko 'yong tuwalya sa ulo ko at sandaling tumayo para isampay. Bumalik na ako sa pagkaka-upo at nagsimula nang suklayin ang buhok ko. Nilagay ko na rin 'yong baraha sa bulsa, mabuti na lang at may bulsa 'tong dress na 'to.

"Hmm.. Lian-"

"Jay na lang." Putol niya kaya tumango-tango ako.

"Okay.. Jay. Gusto ko lang itanong kung nasaan ako?" Tanong ko sa kaniya. Sandali naman siyang napatigil.

"Hindi mo alam?" Balik na tanong niya. Umiling naman ako kaya lalong kumunot ang noo niya. Para na siyang naw-weirduhan sa 'kin.

"Nasa kaharian ka ni Haring Raval," sagot niya. Grabe ang haba!

Hindi ayon ang gusto kong sagot. Alam kong nasa palasyo ako dahil sa nabasa ko kanina roon sa gate. Pero ang hindi ko maintindihan, kung bakit ako narito? Imposible namang magkaroon ng kastillo sa pilipinas?!

Parang nasa ibang mundo ako...

'Yong mga taong nadaanan namin kanina papunta rito, kakaiba sila. Parang lahat sila may iba't ibang kapangyarihan.. kakayahan. Hindi ko maipaliwanag kasi hindi ko rin maintindihan ang mga nakita ko.

The Cursed Book Where stories live. Discover now