Kabanata 47

28 3 17
                                    

Pagkatapos naming kumain ay inaya ako ni Van na maglakad sa labas. Naglakad kami hanggang sa mapagod at maupo sa damuhan. Mabuti na lamang at may dala-dala siyang sapin. Umupo kami roon at tumingin sa kalangitan.

Awtomatiko akong napangiti nang nakita ko ang buwan. Half moon lamang 'yon ngayon at sobrang liwanag. Marami ring mga Bituin ang nakapaligid sa kaniya kung kaya't mas lalo akong ngumiti.

"Ano'ng gagawin mo kung sakaling may magsa-sakripisyo ng buhay mo para lamang mabuhay ka?" Biglang tanong ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit ayon ang lumabas sa bunganga ko.

"Ipagpapatuloy ang na-udlot na buhay," sagot niya. Napatingin naman ako sa kaniya.

"Hindi mo pipigilan?" Tanong ko.

"Kung ayon ang dapat na mangyari, ano'ng magagawa ko?" Tumingin siya sa 'kin. Umiwas ako ng tingin at tumingin sa kalangitan.

"Kahit na mahalagang tao ang magsa-sakripisyo sa'yo?" Tanong ko. Hindi ko gusto ng gano'n. Hindi ko gustong may mamatay para sa 'kin.

"Hindi ko gustong may mawala." Yumuko ako para hindi niya mapansin malapit na 'kong maluha. "Hindi ko gustong... isakripisyo nila ang buhay nila p-para sa 'kin." Tuluyan nang nahulog ang luha ko.

Naramdaman kong hinawakan niya ang kanang gilid ng ulo ko at tinulak 'yon sa balikat niya. Marahan niyang tinapik ang ulo ko. Wala akong nagawa kundi umiyak lang nang umiyak sa balikat niya.

Kung isa man sila sa mga malapit sa 'kin. Hindi ko kakayanin.

Pagtapos non ay agad din kaming bumalik ni Van sa Bahay ni Ginoong Labaro. Umupo ako sa upuan, hindi ko pa gustong matulog. Hinayaan ako ni Van do'n at umalis saglit upang kumuha ng maiinom.

Napatingin ako kay Ate Gema nang umupo siya sa tabi ko. Umusog na rin ako upang bigyan siya ng espasyo. Agad siyang tumikhim kaya napatingin ulit ako sa kaniya.

"Ikaw ba ay umiyak?" Tanong niya. Agad akong umiwas ng tingin. "Patawad kung–" Agad ko siyang pinigilan.

"Ayos lang po. Naiintindihan ko po kayo kung hindi niyo sasabihin ang nalalaman niyo tungkol sa 'kin." Kahit hindi niya sabihin. Alam kong may alam siya. Pero may pumipigil sa kaniyang sabihin 'yon sa 'kin.

"Maiintindihan mo rin ang lahat, Ariella. At sana'y matanggap mo ang katotohanan na 'yon." Tinapik niya nang marahan ang balikat ko at umalis.






"Magandang umaga, Ariella!" Maligayang sigaw ni Dexter. Muntik na 'kong mabingi roon. Napatingin ako sa kaniya at kulang na lamang ay mapunit ang labi niya sa sobrang laki ng ngiti niya.

"Oh, kape." Alok niya. Senenyasan niya 'kong umupo sa upuan kung kaya't umupo ako ro'n. "Maganda ba ang tulog mo, Ariella? Oh dahan-dahan mainit pa 'yan." Suway niya nang biglaan kong higupin 'yong kape.

"Ginagawa mo namang tubig ang kape." Bulong niya. Inismiran ko siya.

"Sabihin mo na ang kailangan mo sa 'kin," sabi ko at hinipan 'yong kape para hindi na muli pang mapaso ang dila ko.

"Anong kailangang sinasabi mo?" Tanong niya.

"Alam kong may kailangan ka kaya ginagawa mo ito," sabi ko pa at hinalo 'yong kape. Nilagyan niya ba 'to ng asukal?

"Wala ah! Ganito lang talaga ako."

"Tsk. Hindi mo naman ginagawa ito tuwing umaga sa 'kin kung kaya't alam kong may kailangan ka" Nilakihan ko siya ng mata. "Ano ba 'yon?" Tanong ko at dahang-dahang hinigop 'yong kape.

"Balak ko sanang umamin kay Dasha mamayang gabi."

Agad kong nadura ang iniinom kong kape. Mabilis naman siyang kumuha ng pamunas at binigay 'yon sa 'kin. Nataranta pa siya roon.

The Cursed Book Where stories live. Discover now