Prologue

9.4K 399 175
                                    

"You can't just run away from me, Kelly! Sa akin ka na ngayon!" a familiar baritone voice echoed in the parking area.

Bumuntonghininga si Kelly. Kilala kasi niya kung sino ang lalakeng sumigaw. Ito ang lalakeng naghahanap sa kaniya ngayon; ang lalakeng tinatakasan niya. Walang iba kundi si Mr. Vasquez, ang kaniyang sugar daddy.

Mr. Vasquez has everything. He's rich. He still has the looks despite him being in his early sixties. Matagal na rin itong annulled sa dating asawa kung kaya't wala itong sabit.

She could end up with him but she found a red flag. He's too possessive. Kaya naman, nagdesisyon siyang takasan na lamang ito at bumalik na sa talagang buhay niya.

"Kelly!"

Nagpanting ang mga tainga niya nang muli niyang marinig ang sigaw ni Mr. Vasquez. Hindi na tuloy niya napigilan ang sarili niya na lumantad para makita siya ng matanda. "Ano?!" Tinapatan niya ang lakas ng boses ni Mr. Vasquez.

Agad naman siyang nilingon ng matanda. Salubong ang mga kilay nito at nananaksak ang mga mata. Pero hindi siya nagpasindak.

"What are you doing here, huh? Didn't I forbid you to go back to this place? Didn't I instructed you na ang gusto ko pag-uwi ko ay nandoon ka lang sa condo?"

Tinaasan lang niya ito ng kilay.

"What?" he enunciated in a dismayed tone. "Tatayo ka lang ba riyan, you bitch? You better get that ass in my car now or else—"

"Or else ano?" sabat niya. Humalikipkip siya. "Sasagarin mo na naman ako? Titipirin? Tangina ka pala, eh! Ano bang akala mo sa 'kin? Laruan na pwede mong gamitin anytime? Asawa na pwede mong tipirin? Gago ka! Ang kaunti na nga lang ng allowance na ibinibigay mo sa 'kin tapos ang dami mong demand. I'm not a nurse, ha?" malakas at deretsahang wika niya. Wala na siyang pakialam kung may ibang taong nakarinig sa kaniya.

Mr. Vasquez's facial expression relaxed.

Nginisian niya ito at umiling. "Nakakasawa ka na. Kaya tinatapos ko na ang business ko sa 'yo, Mr. Vasquez."

Sa wakas, pagkatapos ng dalawang buwan ay nasabi na rin niya ang mga salitang iyon. Pakiramdam niya'y nakalaya na siya. Samantalang napamaang naman si Mr. Vasquez dahil hindi nito lubos na inasahan ang mga salitang narinig niya.

She let out a sigh when she got no response. Ang katahimikan na iyon siguro ang hudyat na tapos na nga ang lahat sa kanila. Kaya naisip niyang pupuntahan na lang niya ang 'baks' niyang si Monica sa club.

Muli niyang pinasadahan ng malamig na tingin si Mr. Vasquez. She flipped her hair and turned her back on him. She was just so ready to leave and walk out from him. Pero hindi niya nagawang humakbang palayo.

"Kelly, gagawin kong one hundred thousand pesos a month ang allowance mo. Just, please, stay with me..." biglang bulalas ni Mr. Vasquez.

Napahinto siya bigla. Napaisip. Tama ba ang narinig niya? One hundred thousand pesos a month. Meaning that's one million two hundred thousand pesos a year. Napakalaking halaga ng perang makukuha niya kung hindi niya tatapusin ang lahat ng 'to.

Nakakatukso.

Pero hindi. Pagod na siya at hindi na niya kakayanin pang pakisamahan ang lalakeng 'yon. Hindi na lang niya pinansin. Humakbang na siya palayo.

"Kelly, one hundred twenty thousand pesos."

Hindi siya nagpatinag sa halagang iyon.

"One hundred fifty thousand..."

Hindi rin iyon umubra. Wala pa rin siyang pakialam sa laki ng halagang binanggit ni Mr. Vasquez.

"Kelly, two hundred thousand pesos!"

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon