Chapter 58

1.3K 147 29
                                    

They really got back together on that very night.

Nang muling maibalik sa ayos ang kanilang bahay pagkatapos ng insidente ay magkasama na silang bumalik upang manirahan doon. Bukod doon, itinuloy rin ni Charlie ang pag-undergo niya ng anger management therapy gaya ng ipinangako niya. At sa wakas ay pumayag na rin si Kelly na mag-seek ng professional help para mas maintindihan at mapabuti pa niya ang sarili niya at marriage nila ni Charlie.

Everything fell back into place.

At kasabay ng unti-unting pagbalik nilang mag-asawa sa normal nilang buhay ay ang pagpo-propose ni Paul kay Monica.

Sa wakas nga, pagkatapos ng mahigit isang taon nilang pagsasama ng dalawang 'yon sa isang bubong at pagkakaroon nila ng anak ay mauuwi na rin sila sa kasalan. At syempre, si Kelly ang magiging matron of honor, gaya ng ipinangako ni Monica sa kaniya.

"Oh, settled na ang lahat, baks. Ang kailangan na lang nating gawin ay pumunta sa wedding place n'yo next week, three days bago ang kasal para relaxed tayong lahat sa wedding day mo. Tapos doon na lang rin gagawin ang nails mo, ah? Para fresh pa. Isa pa, maaga dapat tayong mag-ayos sa wedding day dahil magsho-shoot pa tayo with the photographers at videographers," sabi ni Kelly kay Monica habang patuloy at seryoso pa rin siya sa pag-scan ng checklist at notes na ginawa nila.

Monica really wanted to get emotional as she kept staring at her best friend. Hindi kasi siya makapaniwala na mayroon siyang isang kaibigan na sasamahan siya sa lahat ng panahon at pagkakataon. "Baks, thank you, ah? Dahil sa 'yo, sa inyo... hindi ako na-stress sa pagpaplano ng kasal ko kahit one month lang ang preparation natin," pagpapasalamat niya sabay tinabihan niya si Kelly sa sofa at pasimple pang yumakap.

"Syempre, bawal kang ma-stress masyado para maganda ka lang sa araw ng kasal mo."

"Ikakasal na talaga ako next week, baks."

Inilapag ni Kelly ang iPad niya sa coffee table bago niya ibinagay kay Monica ang buong atensyon niya. "Masayang-masaya ako para sa 'yo, baks. Tapos masaya rin ako para sa inaanakshie ko dahil family na talaga kayo," taos-pusong sambit niya.

"Thank you talaga, baks. Alam mo ikaw talaga ang pinaka the best na maid of honor, promise!"

"Matron of honor."

"Oo nga pala." Bumitaw si Monica sa kaniya. "Pero, hoy! Ang daya mo, ah. 'Di man lang ako naging maid of honor sa kasal mo."

"Eh, kasi nga biglaan ang kasal namin ni Charlie nga. Tapos civil wedding lang 'yon, oh."

"Oo na nga." Monica crossed her arms and pouted as she pretended to glare at her. "Pero, baks, what if ibigay ko sa 'yo ang bouquet ko sa kasal tapos magpakasal kayo ulit ni Charlie sa simbahan? Tapos ako naman ang matron of honor mo no'n, oh!" she teased as she started giggling.

Natawa si Kelly pero mahina niya ring siniko si Monica habang umiiling. "Sira!" sambit pa nga niya.

Magtatawanan pa sana sila ngunit may biglang kumatok sa front door kung kaya't nag-excuse muna si Monica upang pagbuksan ng pinto ang kumakatok.

"Uy, Charlie!" she cheerfully uttered as soon as she her best friend's husband standing just by the door outside. "'Lika, pasok ka," she said, opening the door wider to signal him to get inside.

"Hi, Monica," he greeted with a smile before he headed instead. Agad naman niyang nakita na nakaupo si Kelly sa sofa nang makapasok siya sa loob kung kaya't awtomatiko ang naging pagngiti niya. "Hi, love," he greeted her, too, with a sweeter smile.

"Oh." Tumayo si Kelly at nagmadaling lapitan ang asawa niya. "Akala ko ba busy ka?"

He reached for her and gave her a gentle kiss on the cheek. "Akala ko rin nga, love, eh," he said, looking at her. Pero ilang saglit lang ay ibinaling rin niya ang tingin niya kay Monica. "Anyway, how's everything? Kumusta ang wedding preparations? One week na lang. Busy pa ba kayo?" he asked casually.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon