Chapter 47

1.5K 156 25
                                    

Kelly woke up with a throbbing headache. Parang minamartilyo ang ulo niya. Pero deserve naman niya ang sakit na nararamdaman niya dahil napasobra siya ng inom kagabi. Hindi nga niya matandaan kung paano siya nakauwi at nakarating sa kwarto nila ni Charlie dahil sa sobrang kalasingan.

She patted her forehead before she decided to open her eyes. She turned to the other side of the bed and found it empty.

Wala si Charlie. Hindi rin niya sigurado kung maaga lang na bumangon ang asawa niya o hindi nga ito natulog kagabi sa lugar niya dahil napakaayos ng kabilang banda ng kama.

She exhaled deeply and finally sat up. Minasahe niya agad ang sintido niya habang pinagmamasdan niya ang kabuoan ng kwarto nila.

Madilim-dilim ang nakikita niya dahil nakasarado pa ang mga bintana at nakaharang sa mga iyon ang mga blackout curtains. Iyon lang ang napansin niya dahil parang wala namang pinagbago ang buong kwarto.

Huli na niyang napansin na suot pa pala niya ang silver dress na pinili niyang ipangrampa kagabi. Pero ano pa ba ang nangyari kagabi? The latter of her memories last night seemed to be blurry. Hindi niya sigurado kung nangyari ba sa totoong buhay ang mga naaalala niya o panaginip lang ang mga iyon at gawa-gawa lang ng isip niya.

"Tangina," usal niya sa sarili habang dinidiinan pa ang pagmasahe sa sintido niya dahil tila mas tumitindi pa ang sakit ng ulo niya.

Hindi niya kakayanin ang ganoong katinding sakit ng ulo kaya nagdesisyon siyang bumangon upang uminom ng gamot. Pagkatapos ay naisip na rin niyang maligo na para guminhawa naman ang nararamdaman ng katawan niya.

She got out of the bathroom in a bathrobe. Mag-aayos na sana siya pero bigla namang kumulo ang tiyan niya kung kaya't hindi na siya nagdalawang isip na bumaba para kumain. Pero nasa hagdan pa lang siya ay binalot na siya ng nakabibinging katahimikan.

Agad niyang naisip sa puntong iyon na mukhang umalis na nga si Charlie kahit medyo maaga pa para pumunta sa law firm. Siguro ay may importante lang talagang inaasikaso ang asawa niya sa opisina kung kaya't maaga itong nagtungo roon.

Nagtuloy-tuloy lang siya sa pagbaba sa hagdan hanggang sa nakarating siya sa huling hakbang. She paused upon stepping on the last step of the stairs as she spotted a cute bouquet of flowers sitting on the coffee table in the living room. And as soon as she laid her eyes on those flowers, a sweet smile peeped on her lips. Bigla niya ring nakalimutan na nakakaramdam pa siya ng hangover sa puntong iyon.

Nilapitan at pinagmasdan niya ang bouquet. Marahan niyang hinaplos ang mga bulaklak bago niya napansin ang isang maliit na puting card na nakahalo sa mga iyon. At kahit hindi pa niya tinitingnan ang card, alam niyang galing kay Charlie ang bouquet. Pero syempre, mas minabuti niyang kunin ang card at basahin kung ano ang nakasulat doon.

Two years already but I want a lifetime more. Happy second wedding anniversary, love.

Umawang ang bibig niya nang mabasa niya ang nakasulat sa card. Nagsimulang bumigat ang bawat hugot niya ng hininga. Tinitigan niyang muli ang card. Binasa niyang muli ang nakasulat doon.

A flashback from their wedding day—the moments they said their vows to each other, how they put on their wedding rings, that magical first kiss—flashed in her head the moment she finished reading the words for the second time.

Naalala rin niya kung ano ang ginawa niya kagabi kaya napalunok at napasinghap siya. She unconsciously bit her lower lip when guilt started to spread like wildfire in her system.

* * *

"Oh, what are you doing here? 'Di ba dapat na kay Monica ka?" malamig na tanong ni Charlie habang abalang hinahalughog ang isa sa mga drawers sa opisina niya na puno ng folders. Sa Sobrang tutok niya sa pagkalkal sa mga files, hindi na niya nagawang lingunin pa si Kelly na nakatayo malapit sa pintuan.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon