Chapter 8

4.2K 209 145
                                    

Mabilis lang na lumipas ang dalawang linggo. At sa mga sandaling 'yon ay nagawa nina Charlie at Kelly na makapamasyal, mag-shopping, at maglibot sa kalakhang London ng walang mga matang nagmamasid sa kanila dahil talagang sumunod ang mga kaibigan at kamag-anak nila sa pakiusap ni Charlie huwag munang ipagbigay-alam sa iba ang tungkol sa naganap na kasalan.

Charlie made it clear that they will deal with the general public once they get home. But in those two weeks, he kept his wife all to himself.

Pag-uwi naman nila sa Pilipinas ay agad silang dinalaw ng iba pang mga kamag-anak ni Charlie para personal na i-congratulate sila at ipaabot ang well wishes nila sa newlywed.

Kelly enjoyed being Mrs. Montefiore so much in all those times. Ramdam kasi niyang tanggap siya ng mga Montefiore kahit hindi niya kapareho ng estado sa buhay ang mga ito.

But then, Charlie decided to tell her that he already wants to introduce her to the world as his wife.

And today was that day.

Pasado alas-dies na nang makarating siya building ng law firm na pag-aari ni Charlie. Sinamahan muna kasi niya si Monica sa lakad nito at nagmiryenda muna sila pagkatapos. Alam niya na napaka-importante ng lugar at business na ito para sa asawa niya dahil gusto nito na ang law firm at ang mga empleyado nito ang unang makaalam tungkol sa kanilang dalawa.

Napabuntonghininga siya sabay tumingala upang tingnan ang kabuoang laki at ganda ng building.

Ito na talaga. Wala nang atrasan pa.

Hahakbang na sana siya papasok sa loob ng building ngunit may biglang tumawag sa pangalan niya. Pamilyar sa kaniya ang boses kahit na matagal na niya itong hindi naririnig. Hindi naman siya nagdalawang-isip na lingunin ang tumawag sa kaniya.

At tama nga ang iniisip niya. It was indeed Joanna, ang pinsan niyang mang-aagaw na kinamumuhian niya.

"Anong ginagawa mo dito?" mataray na tanong ni Joanna. She was frowning with her eyebrows furrowed. Tiningnan pa nga siya nito mula ulo hanggang paa ng may panghuhusga.

Inayos niya ang tindig niya. Alam naman niyang huhusgahan talaga siya nito. Sa tingin nga rin niya'y mukha siyang basang-sisiw sa simpleng blouse at pantalon na suot niya kumpara sa formal attire nito. Yet, she simply shrugged it off.

"Naliligaw ka ba? Law firm 'to, Kelly. Hindi bar," muling nagsalita ito pagkatapos ng ilang segundo.

Agad naman niyang nilingon ang pangalan ng law firm na naka-embossed sa taas ng building. "Montefiore and Associates. Tama naman ang pinuntahan ko," she casually replied as she gazed back at her.

Joanna took a step forward. "At bakit? Napa-trouble ka na ba sa mga pinaggagagawa mo kaya kailangan mo na ng legal assistance?" she questioned with so much shrewdness.

Sa puntong 'yon gusto na niyang manabunot pero nagtimpi siya dahil alam niyang hindi pa iyon ang tamang panahon para sa kung anumang bagay.

She chuckled. "Uy, grabe ka naman. Simula no'ng naging kayo ni Jack, ang harsh mo na sa 'kin, 'no?" she said to her.

Joanna rolled her eyes. "Alam mo, wala akong panahong makipag-usap sa walang kwentang taong katulad mo. Marami pa akong trabahong kailangang tapusin. I would not waste my precious time talking to you."

Hindi nagsalita. Tiningnan niya lang si Joanna. Hinihintay niya kung ano pa ang sasabihin nito.

"And oh, this is a private law firm, by the way. Siguraduhin mo lang na afford mo ang services namin, ha? We don't do pro-bono sa mga taong katulad mo." Pagkatapos magsalita ay inirapan pa siya nito sabay walk out.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon