Chapter 22

2.3K 158 17
                                    

Tatlong linggo rin ang lumipas bago nakapagdesisyon si Kelly na pumayag na sa gusto ni Charlie na sumubok na silang mag-conceive. Naisip kasi niya na baka ito na talaga ang tamang panahon para magsimula na silang bumuo ng pamilya dahil hindi naman na sila bumabata.

"Uhm, love? Daan muna tayo saglit kay Dr. Cruz bago tayo pumunta sa OBGYN mo," Charlie stated as he escorted Kelly out of the car.

Paapasok silang dalawa sa isang medical center ngayon. Nag-set kasi si Charlie ng appointment sa isang bihasang OBGYN para ipatingin si Kelly. Gusto kasi niyang masiguradong malusog at kaya ng katawan nito kung sakaling makabuo na sila. Ayaw kasi niyang magkakomplikasyon kung sakali dahil hindi sila kumonsulta sa doktor. Kalakip na rin do'n ang paghingi niya ng payo kung paano sila mas mabilis na makaka-conceive.

"Sino si Dr. Cruz?" tanong naman ni Kelly.

"Oh, he's my urologist, love."

"Urologist?"

"Yeah. Sakto nga nag-text siya kanina. Sabi niya, lumabas na raw ang results ng latest semen analysis ko. So dadaan lang tayo to check the results."

Natigilan sa paglalakad si Kelly. "Semen analysis? Nakapagpa-check up ka na?" she asked cluelessly.

"Yeah."

"Daya, ah."

He chuckled. "Hey, hindi naman madaya 'yon. Excited lang, love."

"Excited ka d'yan."

Lalong natawa si Charlie. "Halika na nga, love. Mamaya ma-late pa tayo sa appointment natin," pagwiwika niya sabay hinawakan niya ang kamay ni Kelly.

Hindi na sila nagpatumpik-tumpik pa. Dumiretso agad sila sa opisina ni Dr. Cruz kagaya ng sinabi ni Charlie.

"Hi, doc! I'm finally here," he casually greeted as they entered the office. "By the way, this is my lovely wife, Kelly."

Agad na nag-angat ng tingin ang medyo matured na lalakeng doktor sa kaniya. Mabilis na gumuhit ang ngiti sa mga labi nito. He immediately stood up and gave his undivided attention to them. "Glad to see you again, Charlie and nice to finally meet you, Mrs. Montefiore. Have a seat," malamyos na wika nito.

"Doc, kumusta naman po ang spermies ng asawa ko?" masiglang tanong naman ni Kelly sabay ibinagsak niya ang katawan niya sa isang silya sa harap ng desk ni Dr. Cruz.

Nang marinig naman ni Charlie ang tanong na iyon ay matalim niyang tiningnan ang asawa. "Kelly," he called sternly.

"Well, Mrs. Montefiore..." nagsalita rin si Dr. Cruz. Napunta tuloy sa kaniya ang atensyon ng dalawa. May kinuha itong envelope sa desk niya at binuklat iyon. "The results are actually great," deklara nito.

"Really, doc?"

"Yes, Charlie. Your sperm count is about two hundred million—"

"Two hundred million?!" gulat na bulalas ni Kelly.

"Yes."

Humarap si Kelly kay Charlie na animo'y hindi pa rin makapaniwala sa narinig. "Kaya pala ang dami mong nilalabas na—"

"Kelly!" Charlie called out sternly.

Napalunok naman ito. Kabisado na kasi nito ang tono at ekspresyong iyon. "...Sama ng loob."

Palihim namang tumawa si Dr. Cruz pagkatapos ay tumikhim ito. "Anyway, that count is actually great. Aside from that... the size, the shape and the mobility of your sperms are good. We don't have any problem. You're healthy, Charlie," saad nito.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon