Chapter 29

2K 160 77
                                    

Hindi na itinuloy pa ni Charlie ang pagsasampa ng demanda laban kay Tony. Pero hindi rin siya nakipag-ayos sa kaniya.

Kahit nga ilang linggo na ang lumipas, hindi pa rin nawala ang galit niya. Ayaw niya ring makausap at makita ang dating kaibigan kung kaya't itinikom na lang ng halos lahat ng may alam sa nangyari ang mga bibig nila.

Everyone seemed to move on.

"Charlie, maraming salamat sa pagtulong na mapapayag sina Engr. Monteverde na tanggapin 'yong project, ah? Finally, uusad na construction para sa city library. Siguradong maraming students at researchers ang matutuwa kapag natapos 'yon," masayang nagwika si Vincent nang makaalis na ang mga ka-meeting nila. Silang dalawa na lang ni Charlie ang naiwan sa opisina.

"Kaya nga ida-draft ko na 'yong contract para talagang masimulan na ang project. Excited na excited ka, eh," saad naman ni Charlie sa kaniya.

"At ikaw talaga ang magda-draft, ah?"

"Oo naman! Ifo-forward ko agad sa 'yo kapag nagawa ko na para ma-review mo."

"Thank you."

"You're always welcome, V. Basta ikaw," nakangiting sambit niya pagkatapos ay sinipat niya ang wristwatch na suot niya. "Anyway, I think kailangan ko nang mauna. May lunch date pa kasi kami ni misis."

"Ah, gano'n ba? Yayayain pa naman sana kitang kumain. Pero hindi na kita aagawin kay Kelly. Tell her, I said hi."

"Sige. I'll go ahead. Bye, V."

Maaliwalas ang mukha niya nang lumabas siya sa opisina ni Vincent. He's excited. He's looking forward to their lunch date. Hindi nga niya maitago-tago ang matamis niyang ngiti.

Pero naglaho ang ngiting iyon na parang bula nang bigla niyang nakasalubong si Tony sa hallway. May dala pa nga itong mga folder. Ngayon lang muling nagkasalubong ang landas nilang dalawa pagkatapos ng ilang linggo. Ang huling pagkikita pa nila ay noong gabing nabugbog niya ito.

Agad niyang napansin na halos magaling na ang mukha nito. Hindi na masyadong halata ang mabibigat na pasa na natamo nito mula sa kaniya. Mukhang okay na rin ang mga labi nito na nabasag niya at talagang pahilom na ang mga sugat niya. But no, he doesn't seem to care about him.

Awtomatikong kumuyom ang mga kamao niya. His jaw clenched, yet he instantly looked away. Mabilis niya itong iniwasan at nilagpasan. He pretended not to notice him. Naging tila hangin ang dati niyang matalik na kaibigan sa mga mata niya.

"Charlie, Charlie."

He continued walking even though he could clearly hear him calling.

"Charlie, mag-usap tayo."

Mukhang sinundan siya nito ngunit hindi niya ito pinagtuunan ng kahit katiting na pansin.

"Charlie, please?"

He kept on walking.

"Charlie, Charlie, Charlie!"

He finally halted. Narindi na siya sa paulit-ulit na pagtawag nito sa pangalan niya. He turned to face him. At sa mukhang ipinakita niya, halatang hindi siya natutuwa. "Titigilan mo ang pagtawag sa 'kin o babasagin ko ulit 'yang pagmumukha mo?" he questioned spitefully.

"Charlie, kausapin mo na ako, please."

"Wala na tayong dapat pang pag-usapan," he declared and immediately turned his back on him.

"Charlie, sorry na."

Nilingon niya itong muli. "Sa tingin mo makukuha mo 'ko sa isang sorry lang? No. Never! So, fuck off!" he exclaimed and got out of that place quickly.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon