"Oh, Charlie... anong ginagawa mo dito?"
With a faint smile on his lips, Charlie courteously made his way inside Vincent's office. "Hahatid ko lang sa 'yo 'tong mga ni-request mong files. Naisip ko kasi baka kailangan mo na," he said, handing the folders to his friend who was sitting on his swivel chair.
"Thank you." Agad namang kinuha ni Vincent ang mga folder mula sa kaniya. "Pero sana hindi ka na nag-abala. Baka busy ka today. Pwede namang ipakuha ko na lang sa 'yo mamaya o kaya bukas," wika pa nito sabay binuklat ang isa sa mga folder.
"Nah, it's fine. Hindi rin naman ako busy today."
Vincent nodded without even glancing at him. His eyes were now pinned on the file that he was scanning, if not reading. His expression went serious with his forehead creased as he began turning the pages one by one.
Alam naman ni Charlie kung anong mga files ang dinala niya kay Vincent. Mga public records lang iyon sa ilang mga kasong pina-request ng kaibigan na gusto nitong mabasa. Pero nagtaka pa rin siya sa ikinilos nito. It's like something tells him this is a serious matter.
"V, okay ka lang?" he asked. Hindi na niya napigilan ang sarili niya na magtanong.
Vincent exhaled upon hearing the question. Nagdesisyon rin itong isara at isantabi ang mga folders sa gilid ng desk niya. "Oo, okay lang," he replied, finally gazing at him. "May problema kasi. Pero baka makatulong itong mga files na 'to. So thank you."
"Problema?" He sat down on the chair in front of Vincent's desk. "Ano? Baka may maitulong ako," he stated casually.
"Confidential muna ngayon, Charlie. Pero sasabihin ko rin sa 'yo kapag sigurado na ako."
"Okay."
"Teka..." Napasandal si Vincent sa upuan niya. "Ikaw ang dapat na kinukumusta ko. I heard what happened last night sa party," pagwiwika nito.
Napakamot agad siya sa ulo niya. His lips curved into a guilty smile which made him look awkward. "Ah, iyon... medyo uminit lang ang ulo ko kaya nagawa ko 'yon," he timidly said.
"Ayan na naman tayo, eh."
"Alam kong nagkamali ako sa part na 'yon, V. Kaya nakipag-ayos rin agad ako... kagabi pa. Nakahingi na rin ako ng dispensa sa mga Santibañez at tinanggap naman nila. Naiintindihan raw nila kung bakit nagawa ko 'yon. Pero mag-i-issue pa rin ako mamaya ng public statement and apology para malaman ng lahat solved na ang issue," he informed him.
"Oh, mabuti naman kung gano'n. At least okay na pala ang lahat."
Siya naman ang napasandal sa kinauupuan niya. "Sana nga okay na lahat, eh. Kaya lang si Kelly nagalit sa 'kin. Pinag-awayan pa nga namin kagabi at hindi ko alam kung okay na ba kami o hindi," malungkot niyang saad.
"I actually understand her. Baka nag-alala lang talaga siya sa 'yo kung bakit siya nagalit na naging dahilan kung bakit nag-away kayo," Vincent stated kindly. "Pero inayos mo na lahat, 'di ba? Now, ipakita mo na lang sa kaniya na nagsisisi ka sa nangyari. Promise her na hindi mo na rin uulitin 'yong nangyari. I'm sure maintindihan ka niya at magkakaayos kayo," he added, smiling.
Maging siya ay pinasadahan lang ng ngiti ang kaibigan.
"You have a very understanding wife, boy—" Hindi na naituloy pa ni Vincent ang sana'y sasabihin pa niya dahil bigla na lang nag-ring ang cellphone niya. He quickly grabbed his phone and check who was calling. "Charlie, si Paul. Sagutin ko lang, ah?" he said, showing the screen to him.
Tumango naman siya at tumahimik bilang paggalang sa magiging conversation ng dalawa.
"Hello, Paul. Napatawag ka? Anong atin?"
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomansaCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...