Chapter 23

2.2K 157 18
                                    

Months went by like a whirlwind. Halos hindi na nga namalayan ng dalawa na ilang buwan na lang ay magiging isang taon na silang kasal.

Life was busy and eventful.

Sa mga panahon ring iyon ay parang nasasanay na si Kelly sa buhay niya bilang asawa ng isang abogadong mula sa isang elite na pamilya na ngayon ay nagma-manage ng isang namamayagpag na law firm sa bansa. Nakapag-adjust na siya't kaya na niyang i-handle ang halos lahat ng responsibilities niya.

Kaya lang, may mga bagay pa rin talaga na hindi niya kayang basta-basta na lang harapin.

"Love."

Agad niyang nilingon si Charlie nang tinawag siya nito pagpasok nito sa en-suite bathroom nila. He was wearing a white t-shirt and boxer shorts. His hair was damp. Halatang naghahanda at nagbibihis na ito para sa trabaho niya ngayong araw. Habang siya naman ay kakatapos lang maligo't naka-bathrobe pa.

Charlie shifted his gaze to the test kit that she was holding. "You took a test?" he casually asked.

Tumango siya. "Oo, pero negative... ulit."

"Patingin." Lumapit ito sa kaniya.

Humugot siya ng malalim na hininga bago niya iniabot ang pregnancy test kit sa kaniya. She pressed her lips together and held her breath as he took it and had a close look.

Walang kasing linaw na isa lang ang pulang linya sa pregnancy test kit.

"Oo nga," he said as he handed the test kit back to her. At kahit na negative ang resultang nakita nito, pinasadahan pa rin niya ng matamis na ngiti si Kelly.

Pinilit rin niyang ngumiti kahit bahagya lang.

"Love," he called sweetly.

"Hmm?"

"Tara, gawin nating positive," he chuckled as he leaned forward and planted a gentle kiss on her shoulder.

"Charlie!"

"Bakit?" he laughed. "Ayaw mo bang gawin nating positive ngayon?"

She sighed and rolled her eyes.

Tumigil si Charlie sa pagtawa. Inilagay nito ang isang kamay sa beywang niya. "What's with the long face, love?" he gently asked.

She looked away. "Negative na naman."

"So?"

"Ilang buwan na tayong sumusubok pero negative pa rin."

"Hey." He gently brought her in his arms. "Ilang months pa lang. My wife's getting frustrated already, huh?" he softly asked as he started caressing her back.

She buried her face on his chest. "Baka kasi naiinip ka na, eh."

Bahagya namang natawa si Charlie sa narinig. "Bakit naman ako maiinip? Nag-e-enjoy nga ako, eh. Love, 'di ba, ang sabi natin i-enjoy lang natin hanggang sa 'di natin mamalayan na mayro'n na pala? Kaya don't get frustrated, ha? We're not rushing. Sige ka, baka lalong hindi tayo magka-baby kasi na-stress ka na."

Her lips unexpectedly curved into a smile.

Napangiti rin naman si Charlie nang maramdaman nito ang pagngiti niya. He gently kissed the top of her head. "I love you," he said.

"Mahal din kita."

"Pero ayaw mo talaga, love?"

Kumalas siya sa pagkakayakap. "Ano?" she asked, creasing her forehead.

He pursed his lips. "Make love."

"Sira ka talaga!" Hindi siya nagdalawang-isip na hampasin na naman ito gamit ang kamay niya na ngayo'y tumama sa dibdib nito. "Papasok ka sa office today."

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon