Chapter 18

2.8K 163 31
                                    

Nagkaayos ang dalawa nang gabi ring 'yon. Kaya naman si Charlie ang pinakamasaya kinabukasan. Magana nga siyang pumasok sa opisina kahit pa gusto niyang umuwi para makasama pa si Kelly.

"Anong oras na?" he asked as he took the folders for his executive assistant.

"Pasado alas quatro po, sir."

He blinked. "May appointment pa ba ako?"

Agad namang sinilip ng EA niya ang notebook na naglalaman ng schedule niya. Ngumiti ito at muling bumaling sa kaniya. "Wala na po, sir."

"Uwi na kaya ako?"

"Is there an emergency, sir?"

Umiling siya, ngumiti at sumandal sa kaniyang swivel chair. "Wala naman. Gusto lang makasama ang Ma'am Kelly mo. Miss ko na siya," sagot niya. Sakto namang tumunog ang cellphone niya pagkatapos niyang magsalita. He quickly checked the notification. "And speaking of your Ma'am Kelly, may message siya," he informed the EA as he opened their message thread.

My Wifey

Charlie? Hehehehe.
Magpapaalam sana ako sayo.

For what, love?

Dito muna ako sa bar. Hehe.
Kasama ko sina baks. Magce-celebrate kami. :D


He couldn't help but to sigh as he read her replies. Nag-angat siya ng tingin sa EA niya na nakatayo pa rin sa harap ng desk niya ag matamang naghihintay sa kung anumang iuutos niya. "Dei, can you give me a moment?" he asked. Ngumiti lang ang EA niya at tumango at saka nagmadaling lumabas sa opisina niya. Muli naman niyang ibinaling ang tingin niya sa screen ng cellphone niya kung saan naka-flash pa rin ang message thread nilang mag-asawa.

He quickly typed a reply.

My Wifey

Kelly, baka mamaya sunduin na naman kitang sumusuka diyan ah.

Woi, konti lang naman iinumin ko. :D
Makikipagkwentuhan lang naman ako dito.
Tsaka syempre papanoorin ko si baks kumanta. :D
Ayaw mo ba?

Hindi naman sa ayaw, love.
I'm just worried about you.
Pero kung gusto mo talaga mag-hang out with your friends tonight, then go.
Wala naman akong magagawa.
Just promise me you'll be safe.

Safe ako dito. Promise. Hehe.

Alright.
If anything, call me.


He took a deep breath after replying. Pagkatapos ay itinabi na niya ang cellphone niya at binuklat ang folder na nasa harap niya. Ire-review na lamang niya ang mga documents na ipinasa sa kaniya at hindi na muna siya uuwi dahil wala rin naman si Kelly sa bahay. Mabuti pa ngang mag-over time na lang siya. At saka na lang rin niya susunduin si Kelly pagkatapos niya sa opisina.

* * *

"Oh, ito na! Magpapakalasing tayong lahat ngayong gabi ah!" malakas at magiliw na deklara ng isa sa mga gay friends na kasama nila pagkatapos nitong sa table nila ang isang bucket ng beer na punong-puno ng yelo.

Malakas ang naging tawanan at halos sabay-sabay silang nagsikuhaan ng beer mula sa bucket, pwera kay Kelly na tahimik lang na nakangiti sa upuan niya.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon