Charlie and Kelly made the most of their time in Paris. It was a week of exploring the streets, visiting landmarks and museums, trying out local cuisine, shopping for pasalubong, making love during midnights or dawns, and basically just enjoying what life stored for them in those days.
Nang makauwi naman na sila pagkatapos ng trip, minabuti ni Charlie na pumasok na sa opisina dahil alam niyang marami ng trabaho ang naghihintay sa kaniya.
"Oh, anong ginagawa n'yo dito?" may pagtatakang tanong ni Charlie nang bigla niyang nadatnan sina Tony at Paul na pa-chill chill sa office niya. Kababalik lang kasi niya mula sa isang outdoor event.
Mabilis na tumayo si Tony mula sa couch at magiliw siya nitong sinalubong. "Besfren, nandito kami ni Paul para i-inform ka na may session tayo mamayang gabi. Sa usual place, ah," walang paligoy-ligoy na saad nito. Umakbay pa nga ito sa kaniya.
"Teka, hindi ako pwede mamaya. Busy ako, eh."
"Ano ba 'yan! Para ka ng si V niyan, eh. Minsan na nga lang tayo mag-bonding tapos busy pa kayo," Paul suddenly blurted out.
"Oy, Charlie. Kaya nga mamayang gabi pa 'yon kaya bawal ang busy. Lalo na ikaw. Dahil ang session mamaya ay celebration para sa first year wedding anniversary n'yo ni Kelly. Ihahabol natin," wika pa ni Tony.
Kumurap-kurap siya. "Eh, that was last week ago pa. Nakapag-celebrate na kami ni Kelly. Okay na 'yon," he casually stated.
"Hoy, paano naman kami? Gusto rin naming maki-celebrate, 'no! Hindi mo na nga kami na-invite sa mismong wedding mo. Hindi rin naman kami sumama sa Paris getaway n'yo. Tapos isang gabing inuman at kwentuhan lang, ayaw mo pa?" Paul questioned sarcastically.
Napakamot siya sa sintido. "Hindi naman sa ayaw ko. Kaya lang kasi, walang kasama si Kelly sa bahay mamaya..."
"Oh, para namang mapapano si Kelly. Sandali lang naman tayo; kaunting celebration lang," ani Paul.
"What if isama mo na lang si Kelly?" Tony suggested. "Ang sayang kasama ng asawa mo, eh. Lalo na sa inuman. Game na game lagi, eh. 'Di ba, Paul?"
"No, no."
Nagtinginan naman ang dalawa dahil sa naging sagot at reaksyon ni Charlie. Kulang na lang kasi ay umismid ito. Nagsenyasan pa nga sila kung sino ang magtatanong dahil iisa lang ang nasa isip nila.
Paul cleared his throat. "Uhm, bawal na bang uminom si Kelly?" he asked.
"Bakit? May napunla ba sa Paris? Uy, congratulations! Sa wakas, ah! Magiging ninong na kami!" Halos maglulundag pa si Tony sa saya habang tinatapik-tapik ang balikat ni Charlie.
Charlie let out a long and heavy sigh. Hindi niya mawari pero parang sa puntong iyon ay bigla na lamang siyang nakaramdam ng kaunting panghihimagod. "Guys, kumalma kayo. And sorry to burst your bubbles but Kelly and I aren't expecting," he straightforwardly stated as he shifted his gaze to each of them.
Biglang bumagsak ang energy ng dalawa. Natahimik sila habang nagtititigan. There was a long awkward pause. Napahalukipkip pa nga si Paul.
Bumitaw rin naman si Tony mula sa pagkaka-akbay kay Charlie. "Kung gano'n, isama mo na lang si Kelly mamaya."
"Saan ako sasama?"
Halos napapitlag silang lahat nang bigla na lamang umalingawngaw ang boses ni Kelly sa paligid. Mabilis rin naman silang bumaling sa pinanggalingan ng tinig. They all faced the door which was opened already. Sa harap ng pinto ay nakatayo si Kelly na may bitbit na thermal bag.
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomanceCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...