Chapter 55

1.4K 151 33
                                    

After a several minutes of indecisiveness, Kelly finally gave up. Wala, eh. Kahit ilang oras pa siguro niyang titigan at paulit-ulit na basahin ang mga nakalistang lugar na may available na biyahe sa araw na 'yon ay hindi pa rin siya makakapili kung saan niya gustong pumunta talaga.

She was a mess.

Gusto sana niyang magpakalayo-layo muna kahit isa o dalawang araw lang para talagang makapag-isip kung ano ang pinakamabuting gawin kapag tuluyan na silang naghiwalay ni Charlie. Pero pagdating naman niya dito sa bus station ay para siyang tangang hindi alam kung saan pupunta.

Siguro uuwi na lang siya sa bahay dahil mukhang wala naman siyang mapapala sa pagpunta sa lugar na 'to.

She let out a long and heavy sigh as she glanced at the list for the last time. And with her hand gently gripping to the strap of her purse, she peacefully walked out of that area.

Tahimik at padiretso lang sa exit ng bus terminal ang paglakad niya. Medyo nakayuko pa nga siya para maiwasan niya na makipag-eye contact sa kahit na sino. Kaya laking gulat niya nang may biglang humablot sa kaniya mula sa likuran.

At kahit kulang na lang ay lisanin na ng kaluluwa niya ang katawanbg lupa niya dahil sa pagkabigla at kaba, nagawa pa rin niyang magprotesta at magpumiglas upang makalawa sa taong humablot sa kaniya.

"Ikaw?!" hinihingal na singhal niya nang makita niya kung sino ang lalakeng humablot sa kaniya.

"Surprise, baby!"

She instantly sighed out of dismay and frustration. Pasimple siyang nagpalinga-linga sa paligid upang tingnan kung may nanonood ba sa kanila o wala. Thankfully, she saw no eyes were watching them. At nang nakasiguro siyang walang nakatingin sa kanila ay ibinaling na niya ang mga mata niya sa kaniya. Tiningnan niya ito nang pagkatalim-talim. "Anong ginagawa mo dito? Sinusundan mo ba ako?" she questioned, crossing her arms on her chest.

"Na-surprise ka ba, baby?" malokong tanong naman ni Jack sa kaniya. He was grinning from ear to ear.

Kunot-noo niyang tiningnan si Jack mula ulo hanggang paa. Naka-backpack ito at nakasuot ng itim na polo shirt at pantalon.

"Oh, na-mesmerized yata ang baby ko?"

She rolled her eyes at him. "Tangina mo," she muttered, looking away.

"Ay, tinotoyo na naman yata ang baby ko?" malakas na sambit ni Jack na tila ba pinaparinig talaga sa iba ang sinabi niya. Pagkatapos ay walang pakundangan rin niyang hinila palapit sa kaniya si Kelly at inakbayan pa. "Mamaya ka na magalit, baby. Sumakay na muna tayo doon sa bus. Malapit na tayong umalis, eh," bulong pa nito sa kaniya.

"Lumayo ka nga sa 'kin." She subtly pushed him away. "At ano bang pinagsasabi mo?"

"Baby, tingnan mo..." Kinuha niya ang wallet niya mula sa bulsa niya pagkatapos ay inilabas niya ang dalawang maliit na papel na mukhang mga bus ticket. He showed them to her. "Look, oh. Pupunta tayo sa Baguio. Kaya halika ka na kasi sandali na lang aalis na ang bus. Sayang naman kung maiiwan lang tayo, 'di ba? At saka excited na ako kasi first time natin 'to, eh. For sure magiging masaya tayo. Oh tapos malayo pa tayo sa lahat," he said to her like he was a little kid being excited about the biggest adventure of his life.

Her face showed how disgusted she was. "Siraulo ka ba talaga? O nababaliw ka na?" she questioned spitefully.

"Bumabawi lang sa 'yo."

She shook her head. "Hindi mo kailangang bumawi sa 'kin," she coldly stated then she sighed out of sudden frustration. "Alam mo, hindi ko nga alam kung bakit kinakausap pa kita kahit hindi naman dapat."

Agad na sinubukan ni Jack na abutin ang mga kamay ni Kelly ngunit umiwas lang siya. "Kasi alam mong kailangan nating mag-usap. Baby, let's rekindle our love na kasi. Alam ko namang may nararamdaman ka pa sa 'kin, eh..."

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon