Chapter 31

1.9K 160 41
                                    

Katahimikan ang sumalubong kay Kelly pag-uwi niya sa bahay. Sanay naman siya sa ganoong tagpo lalo na kapag umuuwi siyang mag-isa. Pero iba ang katahimikang naramdaman niya sa puntong iyon. It was the kind of quietness without the presence of solace that she would automatically feel whenever she comes home.

She sighed.

Maybe her thoughts were just scattered everywhere right now that's why she found the usual silence of their home odd.

Dumiretso siya sa kusina. Inilapag niya pa nga niya ang purse na bitbit niya sa bar counter bago kumuha ng baso at nagtungo sa water dispenser. She instantly took a small sip after filling the glass with water.

Napabuntonghininga siya pagkatapos uminom ng kaunti. Bakit ba pakiramdam niya'y hapong-hapo siya? Parang nahigop lahat ng energy siya sa araw na ito. Eh, wala naman siyang ginawa kundi ang samahan si Monica sa ospital at ihatid ito sa apartment na tinutuluyan nang payagan ito ng doktor na ma-discharge na. Hinatid lang rin naman niya ang kaibigan sa apartment na tinutuluyan nito at nanatili roon ng halos isang oras pa para bantayan ito. Maayos naman silang nag-uusap ni Monica; hindi naman sila nagsigawan. Hindi rin naman niya binugbog ang kaibigan kahit na bigla na lang itong nabuntis.

She blinked s she slowly put the glass down in the counter.

Monica's pregnant. And Paul is the baby daddy.

Ang sabi ni Monica, kakausapin raw muna niya si Paul at ipapaalam nito sa kaniya na buntis siya. Pero kahit anong mangyari o maging resulta ng pag-uusap nila, sigurado siyang gusto niyang ituloy ang pagbubuntis niya.

She exhaled heavily.

There was really something between those two. Hindi man klinaro ni Monica ang totoong estado nila, may nangyari pa rin sa kanila. At itinago nila ito sa kaniya.

At ngayon, buntis na si Monica.

Buntis na ang kaibigan niya.

Magkakaanak na ito.

Habang siya...

She squeezed her eyes shut as the thought that she kept on avoiding for hours now started to cross her mind again.

No. Just no.

Hindi niya dapat nararamdaman ito.

"Love? I'm home! Sabi ko sa 'yo, eh. Maaga akong uuwi ngayon."

Kahit na narinig na ng mga tainga niya ang boses ni Charlie sa may 'di kalayuan pati na rin ang tunog ng pinto at mga yabag ng paa nito, hindi pa rin niya nagawang kumilos. It felt like her thoughts chained her in that particular position and place that she couldn't escape out of it.

"Love, sa'n ka?"

Her thoughts seemed to take over her whole existence.

"Ah! There you are," masayang sambit ni Charlie nang pumasok ito sa kusina. "Love, may dala akong lasagna. Pinapabigay ni Mrs. Valiente sa 'yo. She made some today and she wanted you to try it-" saad pa niya pero bigla siyang natigilan nang mapansin niyang hindi siya kinikibo ni Kelly.

He couldn't see her face. Nakatalikod ito sa kaniya kaya minabuti niyang lumapit.

"Love?" he called.

Kelly shut her eyes tightly again but did not the strength to turn around and face him.

"Teka, hindi mo kinain 'yong hinanda kong breakfast sa 'yo?" he suddenly asked upon noticing the untouched food. "Hindi mo ba nagustuhan ang waffles and berries? Ah! Naghahanap ka ng tuyo, 'no?"

She lightly bit her lower lip. Bigla na lamang niyang naramdaman na bumibigat ang dibdib niya na naging dahilan kung bakit sa tingin niya'y luluha siya anumang oras ngayon.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon