Chapter 69

1.5K 124 33
                                    

Mahigit isang buwan ring nanatili si Kelly sa ospital bago siya na-discharge.

Ngayong araw na siya makakauwi.

Excited na excited na siyang umuwi dahil sa wakas, maipagpapatuloy na nila ang buhay nila pagkatapos ng lahat ng nangyari. Naisip rin niya na sa wakas, mae-experience na rin niya ang normal na pagbubuntis dahil hindi na siya naka-bed rest lang ospital. Feeling kasi niya, ang dami na niyang na-miss dahil nagso-show up na ang baby bump niya. Pero naisip rin niya na mahaba-haba pa naman ang pregnancy journey niya kaya iche-cherish na niya ang mga araw na magdadaan.

"Love, how are you feeling?"

Natigilan siya sa pag-iisip nang bigla niyang marinig ang boses ni Charlie.

Nakasakay sila sa kotse at binabaybay na nila ang daan pauwi sa bahay nila. Of course, he was driving the car, while she was silently sitting on the passenger seat beside him.

"Okay pa ba ang pakiramdam mo?" he asked again.

"Oo, okay pa."

"Good." He kept his eyes on the road. "Basta, tell me if you ever you'll feel weird or sick, ah? Your doctors gave me a checklist on what's normal and what are the signs na dapat ka ulit dalhin sa hospital."

"Okay."

She looked out the window after that short reply. Pinagmasdan niya kung ano ang nasa labas at dinadaanan nila. She knew the place really well. Kabisadong-kabisado na niya ang lahat ng pwedeng makita sa daan. Kabisado pa nga niya pati ang flow ng traffic, kaya ilang saglit lang ang lumipas nang mapansin niyang iba ang rutang binabaybay nila ngayon pauwi.

With her forehead creasing, she glanced at his husband who was silently driving. "Charlie," she instantly called in a monotone. Pero ang isip niya'y gulong-gulo.

"Hmm?"

"Hindi naman ako nagka-amnesia, 'di ba?"

He managed to gaze at her for a moment. "Hindi. Bakit?" he replied, sounding so casual.

"Hindi ito ang daan pauwi, Charlie. Alam ko, hindi ito ang daan pauwi sa bahay natin," deretsahang sambit niya.

"No, love. Ito ang daan pauwi."

"Hindi."

"Love, trust me. Ito ang daan pauwi."

"Gaano ba talaga ako katagal nahimlay sa ospital at biglang nagbago ang daan pauwi sa bahay natin, ha? Umamin ka nga."

That made him chuckle. "Relax, love. Chill ka lang d'yan. Trust me, makakauwi tayo sa bahay natin."

Sa toroo lang, wala siya sa mood na makipag-argue pa sa asawa niya kahit alam naman niyang tama siya kaya pasimple na lang siyang umismid dahil nakatutok na rin naman ang atensyon ng kausap niya sa daang binabaybay nila. Sumandal na lang rin siya backrest at tahimik na nag-cellphone.

Nakipag-chat na lang siya kay Monica at hindi na muling lumingon pa sa dinadaanan nila. Sa puntong 'to, wala na siyang pakialam kahit sa impyerno pa sila dumaan. Basta itinuon na lang niya sa screen ng cellphone niya ang buong atensyon niya.

"Love, we're here. We're home."

Medyo matagal-tagal rin bago niya naramdaman ang paghinto ng kotseng sinasakyan nila. Busy pa siya sa pagre-reply kay Monica kung kaya't hindi niya agad naituon ang atensyon niya kay Charlie ng marinig niya itong nagsalita. At nang itabi naman niya ang cellphone na hawak niya at nakita niyang tinatanggal na ni Charlie ang seatbelt niya kung kaya't sinundan niya ito nang tingin hanggang sa makababa siya sa kotse.

Pagbaba ni Charlie, doon na lang niya naituon ang tingin niya sa kung ano ang nasa harap niya. Nakikita naman niya ang paligid kahit nasa loob pa siya ng kotse.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon