Chapter 12

3.5K 182 103
                                    

Naiwang mag-isa si Charlie sa loob ng conference room pagkatapos ng meeting. Nire-review pa kasi niya ang mga notes na naisulat niya kanina.

He was too invested with his notes when he suddenly heard the glass door being opened. He was expecting an employee so he paused and looked up, only to see someone else.

"Tori, what are you doing here?" he queried. Tumayo na rin siya at isa-isang iniligpit ang mga gamit niya.

Tori walked towards him. "I heard your meeting's over. Are you still busy, hmm?" she softly asked while smiling.

"I'm just reviewing my notes. Bakit?"

"Well, I was thinking, why don't we eat out for dinner later? Sa favorite nating resto. It's been months since the last time we had dinner together," malambing na wika nito.

"I'll ask my wife."

"No!" she subconsciously exclaimed, frowning. His forehead creased as soon as she spoke. "I m-mean, why would you do that?" she asked instead. Medyo kinabahan ito sa titig niya.

"Baka hindi siya komportableng mag-dinner kasama ka kaya tatanungin ko muna siya."

"No, no! That couldn't be. Hindi siya pwedeng sumama," mariing wika nito.

"Why not?"

She rolled her eyes and sighed. "Well, you're the only one I'm inviting. Isa pa, ikaw lang naman ang nami-miss at gusto kong makasama, not her. Duh!" she blatantly stated.

"Then, I'm sorry, Tori, but it's a no."

She sighed again then she pouted. "But why?" Para itong inosenteng batang nagtanong.

"Tori, I'm married. Hindi na magandang tingnan na lumalabas tayo na tayong dalawa lang."

"Fine. Pero pwede naman nating isama si Tito. We can talk about business. I just really wanna spend time with you."

"Tori." His voice became stern. "It's a no," mariing pag-uulit niya.

She rolled her eyes and went closer to him. "Please, Charlie?" she pleaded and held his forearm.

"Tori, huwag nang makulit."

Ngumuso ito dahil nakakaramdam na ito ng kaunting inis at tampo. She suddenly cupped his face with her other hand. "Please? Pretty, please, Charlie?" she pleaded again.

He shook his head and looked away.

At dahil glass lang ang nagsisilbing wall ng conference room, nakita niya kung anong nangyayari sa labas nang mapabaling siya sa direksyong iyon His heart instantly skipped a beat when he noticed that Kelly was standing just outside, watching the two of them.

Kitang-kita niya kung paanong hindi na maipinta ang mukha ng asawa niya. Nakakuyom rin ang mga kamao nito. She looked really displeased, if not upset.

"Love," kinakabahang usal niya. Mabilis rin siyang lumayo kay Tori, na muntik pa niyang maitulak dahil sa kagustuhan niyang puntahan at kausapin ang asawa niya.

He was about to run outside but she swiftly walked away.

* * *

Kelly slammed the door behind her. Mabilis siyang tumakbo papunta sa opisina ni Charlie nang magtagpo ang mga mata nila. Her breathing became shallow, too.

Hindi niya maintindihan ang sarili niya. Bigla na lamang uminit ang ulo niya nang makita niya ang asawa niya at si Tori sa conference room na iyon. Ngayon, kumukulo na talaga ang dugo niya sa babaeng 'yon.

Napapikit siya nang mariin sabay kinuyom niya ang mga kamao niya nang marinig niyang bumukas ang pinto. She was sure, it was him.

"Love..." nag-aalalang tawag ni Charlie sa kaniya.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon