Chapter 41

1.6K 157 13
                                    

Akala ni Kelly, ilang araw o linggo lang ang itatagal ng court proceedings dahil inamin at inako naman ni Carl Flores ang ginawa nito laban sa kaniya; kumpleto at malakas na rin naman ang mga argumentong prinisinta nila sa judge. Pero akala lang pala niya ang lahat ng iyon dahil umabot pa rin ang proseso ng ilang buwan.

Nagmumukha na ngang nakalunok ng pakwan si Monica pero bukas pa lang maglalabas ng hatol ang judge.

"Kailangan pa ba ako dito? Gusto ko nang umuwi," she butted in and stood up from the sofa where she had been sitting for minutes already.

Natigilan naman sina Charlie at Joanna na seryosong nag-uusap sa office desk. Sabay pa nga nilang nilingon si Kelly na halatang bagot na bagot na.

"Uuwi na 'ko."

Joanna remained quiet.

Charlie exhaled. "Alright. Gusto mo bang ihatid kita?" he calmly asked.

"Hindi na. Kaya kong umuwi mag-isa." Agad niyang hinablot ang handbag niya at nagtungo malapit sa pinto.

Sinundan siya ng tingin ni Charlie. "Ingat ka pauwi. Call me when you need something," he reminded her.

Tumango lang si Kelly pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na siya sa pinto. She casually twisted the doorknob and opened the door.

"I love you," pahabol pa ni Charlie.

Pero sa halip na ibalik ang mga salitang iyon sa kaniya ay mas minabuti niyang hindi na iyon pansinin pa. She stepped out of the office without even glancing.

"Sir, okay lang ba kayo?"

She heard Joanna ask before she could even close the door. That made her halt. She knew he will answer the question and she wanted to hear it. Kaya sa halip na tuluyang isara ang pinto, nag-iwan siya ng maliit na siwang para makita at marinig pa rin niya ang usapan ng dalawa.

He beamed a little. "We're fine. Hindi lang siguro masyadong maganda ang mood niya today," he casually replied before handing Joanna some piece of paper.

Napaismid siya sa narinig niyang sagot. Bumuntonghininga pa siya bago niya tuluyang nilisan ang opisina ni Charlie.

Nagdesisyon rin siyang puntahan na muna si Monica sa halip na umuwi. Wala rin naman kasi siyang gagawin sa bahay nila ni Charlie. Mamaya kung ano pa ang maisipan niyang gawin doon dahil sa pag-iisa niya.

Wala sa sarili siyang naglalakad sa hallway ng law firm nang bigla na lamang siyang banggain ng kung sino. Muntik pa nga siyang madupilas dahil sa impact ng pagkakabangga sa kaniya.

"Sorry," agap naman ng isang baritonong boses sabay hinawakan siya nito sa magkabilang braso.

She came back to reality in an instant.

Her eyes widened a little when she saw who was the person in front of her, holding her. Out of all people, she didn't this man to appear in front of her that very moment. At bagaman natigilan, napatanong pa siya sa sarili niya kung bakit nandito si Jack.

"Nasaktan ka ba?" alalang tanong nito sa kaniya.

Agad siyang kumalas mula sa mga kamay ni Jack. Tiningnan niya nga ito mula ulo hanggang paa. At kung hindi niya ginawa 'yon ay hindi pa niya mapapansing may hawak itong ilang folder sa isang kamay niya.

"Kelly," he called.

"Okay lang ako," she coldly said as she looked him in the eye.

"Sorry ulit." An awkward beamed curved in his lips. "Uh, hinahanap ko si Joanna. Idadaan ko sana 'tong ilang files na nakalimutan niya. Baka kasi importante. Alam mo ba kung nasaan siya—?"

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon