Charlie and Kelly were never the same after that night. Hindi sila nagkaayos. No one dared to patch things up this time. Kaya halos hindi sila nagpapansinan kapag silang dalawa na lang ang magkasama. Pero pareho rin naman silang nagpapanggap na okay at masaya kapag nakaharap sila sa ibang tao kahit pa hindi naman nila napag-usapan.
Bukod kasi sa ayaw na nilang abalahin ang mga kaibigan nila tungkol sa problema sa marriage nila, ayaw rin nilang maging sentro ng kontrobersya. So they played along like they were one of the greatest actors of their generation. And tonight was one of the perfect night to prove that.
Naimbitahan sila sa fundraising party ng mga Santibañez para sa mga nasunugan sa isang barangay. At dahil personal silang sinabihan ng daddy ni Tori ay pareho naman silang nahiyang hindi magpaunlak.
The party was fine. Napakaraming pagkain at inunin kaya't siguradong walang magugutom buong gabi. Nakakabusog rin sa mata ang entertainment na hatid nga mga performers. Pero ang naging pinaka-highlight talaga ng party ay ang dami ng bilang ng nag-donate. Nakakalikom na sila ng mahigit sa dalawang milyon at patuloy pang dumadami iyon sa bawat pagpatak ng oras.
Kelly was happy on how the fundraising was turning out. Maging sila ni Charlie ay nag-donate rin. Pero habang lumilipas ang oras, nararamdaman rin niyang nakakapagod pala talagang makipag-plastic-kan sa mga tao sa paligid. Kaya nagdesisyon siyang lumabas na muna sa garden para magpahangin. Dala-dala pa nga niya ang merlot na iniinom niya.
At least, medyo tahimik sa garden. Makakahinga siya kahit saglit lang. Hindi niya muna kailangang humarap sa iba't ibang mayayamang tao at magpanggap na okay sila ni Charlie.
Pero ilang minuto pa lang niyang pinagmamasdan ang mga makukulay na bulaklak sa garden nang may marinig siyang may tumikhim sa may likuran niya.
Agad siyang lumingon.
"Hi," Tori greeted with her red lipstick smile. "Didn't expect that I'll find you here. You're not enjoying the party, are you?"
Huminga siya ng malalim. Matagal-tagal na rin silang hindi nagkakausap ni Tori. At sa totoo lang, alam niyang mas lumala ang tingin ng babaitang 'to sa kaniya dahil sa mga kontrobersyang napabilangan niya nitong mga nagdaang buwan.
"Well, paano mo nga naman mae-enjoy ang party? You don't even fit—"
"Tori," she cut her off, sighing. "Wala akong ganang makipagbardagulan sa 'yo ngayon," dagdag pa niya.
Tinaasan naman siya ng kilay ni Tori.
"Memorize ko na 'yang mga salitang lalabas sa bibig mo. Alam ko na sasabihin mo sa 'kin na hindi ako bagay sa mundong ginagalawan n'yo kasi marumi akong babae. Alam ko na rin na sasabihin mo na hindi ako karapat-dapat kay Charlie," she said out loud with her head high.
"Oh wow!" Tori clapped silently. "That's impressive, Kelly! I hope you know na ako ang karapat-dapat kay Charlie, not you."
She scoffed. "Hanggang ngayon naniniwala ka pa rin talaga diyan?" she questioned.
"Well, it's a fact," Tori said, pouting.
"Fact?"
"Yeah."
She sighed and rolled her eyes. "Kung ganoon pala, edi sa 'yo na si Charlie. Kunin mo at saka mo isaksak diyan sa baga mo," she stated with a cold glare. Wala na rin siyang pinalampas na saglit dahil agad na siyang nag-walk out at iniwan si Tori sa garden.
Pagod na siya at wala siyang gana sa kung anuman ngayon. Gusto na nga niyang umuwi. Kaya nilagot na niya ang natitirang merlot mula sa wine glass niya at muling nagdesisyong bumalik sa hall para hanapin si Charlie. Sasabihan na niya itong umuwi na sila dahil lumalalim na rin ang gabi.
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomanceCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...