Epilogue

1.8K 124 76
                                    

Inayos ni Kelly ang frame ng pinaka-latest na family picture nila nang mapansin niyang medyo nakatabingi ito. Pagkatapos, umatras siya ng kaunti para mapagmasdang mabuti ang kabuoan ng spiral wall gallery nila.

Nine frames, seventeen pictures.

At sa lahat ng litratong 'yon, napako lamang ang mga mata niya sa maliit na wedding picture nila ni Charlie na nasa gilid katabi ng family picture. And a sweet smile curled into her lips upon realizing that picture was taken nineteen years ago already.

Yes, she and Charlie had been wonderfully married for nineteen years now and they have two beautiful children together. Because two years after having Kalen, god gave them Charlotte, a headstrong but sweet daughter. They have been living in a happy home since then. Pero bukod pa sa buo at masayang pamilya nila, nanatili ring matatag ang law firm na pinamumunuan ni Charlie. Sa paglipas rin nga ng panahon ay nagawa rin nilang mag-invest sa iba't ibang klaseng business ventures para sa future ng mga anak nila. Kaya ano pa ba ang mahihiling niya?

Kung tutuusin, hindi niya lubos na inaakala na sa ganito mauuwi ang lahat.

Akala kasi niya dati, hanggang pangarap na lang niya ang ganitong klaseng buhay. Akala niya, habambuhay na siyang mababaon sa kahibangang napasok niya noong iwan siya ni Jack. Naniwala pa nga siyang hindi niya deserve ang maayos na buhay dahil naging marumi siya. Buti na lang, naging determinado si Charlie na panindigan siya at ang pagmamahal nito para sa kaniya.

At ngayon, wala na siyang mahihiling pa.

"Kalen, you don't have to think about college or law school for now. Senior high ka pa lang naman next school year." Habang pinagmamasdan pa ang mga litrato nila, bigla niyang narinig ang malakas ngunit kalmadong pagsasalita ni Charlie na nasa sun room kasama ang dalawang anak nila.

"'Wag ka, daddy. Advance akong mag-isip."

Na-curious tuloy siya sa kung paano tatakbo ang usapan ng mag-ama niya kaya nilisan niya ang gallery wall nila at tahimik na naglakad papunta sa sun room kung nasaan sila. Palihim siyang sumilip at nagtago sa may pinto. Kitang-kita niya ang mag-aama niya mula sa kinatatayuan niya. Naglalaro pala sila ng uno cards. Si Charlie ay nakaupo sa may sofa habang sina Kalen at Charlotte naman ay parehong nakasalampak sa carpet. Isa-isa nilang nilalapag ang mga cards nila sa coffee table.

"Ako rin po, daddy." Nagsalita rin si Charlotte. "I want to become a lawyer in the future. Pero hindi po ako magpapatali sa pagma-manage ng law firm, ah? Kasi gusto ko pong maging human rights lawyer."

"Really, Cha?"

"Yes po, daddy."

Bumaling si Charlie kay Kalen. "Oh, Kalen, ikaw pala ang magma-manage ng law firm n'yan kapag nag-retire na ako. Kasi magiging human rights lawyer pala 'tong kapatid mo."

"Ano ba 'yan!" Kalen violently put his card down on the pile. "Ipamigay na lang natin 'yang law firm na 'yan."

Hindi niya napigilang matawa dahil sa naging reaksyon ng panganay niya. Ang cute kasing tingnan ni Kalen, lalo na't naningkit pa lalo ang singit na mga mata nito.

"Hoy, hindi pwede."

"Ay, daddy, wala ka nang magagawa no'n."

"Kuya!"

"Oh, edi ikaw ang mag-manage ng law firm. Basta ako, magiging abogado lang ako."

Muntik na siyang matawa ng malakas dahil sa nagiging diskusyon ng tatlo. Buti na lang ay naikalma niya ang sarili niya. Doon na rin siya nagpasiyang huwag nang magtago pa kaya lumantad na siya mula sa pinto. "Talaga palang pagdating ng araw magiging Atty. Montefiore kayong lahat," magiliw na wika niya habang naglalakad papalapit sa mag-aama niya.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon