Chapter 16

2.9K 168 35
                                    

"Teka," kunot-noong sabat ni Kelly kay Monica na nasa kabilang linya ng call, "Sino nga ang nagsabi sa 'yo ng tungkol sa nangyari sa 'kin kagabi?" tanong niya; kahit pa alam na niya ang sagot.

"Si Paul," Monica casually replied. "Mabuti pa nga 'yong kaibigan ng asawa mo nagawang i-inform ang bestfriend mo tungkol sa nangyari sa 'yo. Eh, 'yang abogadong pinakasalan mo? Ni hindi man lang ako nagawang i-text—"

"Nag-uusap pala kayo ni Paul?" muling sabat niya. Ngayon naman ay nakataas ang isang kilay niya na animo'y nang-iintriga.

"Kagabi lang. Nag-chat kasi siya tungkol sa nangyari sa 'yo, baks."

Nagbuntonghininga siya.

Kanina pa sila nag-uusap ni Monica sa call. Nag-aalalang tumawag kasi ito sa kaniya ilang minuto pagkaalis ni Charlie. At least, kahit medyo mahaba-haba ang naging paliwanag niya tungkol sa nangyari sa kaniya sa storage room ay hindi naman siya nabagot sa pag-iisip kung bakit bigla na lamang nagmadaling umalis ang asawa niya at kung kailan ito babalik.

"Pero, baks, bakit naman kasi bigla kang nakulong do'n?"

Natigilan siya saglit nang marinig niya ang tanong ni Monica. Napaisip siya, ngunit tila ba wala siyang maibatong sagot sa mismong sarili niya. "Hindi ko alam, baks. Basta bigla na lang sumara at na-lock ang pinto kaya ako nakulong doon," simpleng sagot niya.

"Hala!" Monica suddenly exclaimed, "Baka may multo do'n, shuta!"

That made her laugh instantly. "Hindi naman siguro, baks—" she replied, but she quickly paused when she heard a car pulling over in front of their house. She was alerted. Alam kasi niyang si Charlie na iyon, kaya agad siyang nagpaalam kay Monica at mabilis niyang ibinaba ang tawag.

She rushed out of the bedroom. Gustong-gusto niyang salubungin si Charlie. She hurried downstairs. Ilang hakbang na nga lang ang kailangan niyang tahakin para tuluyan siyang makababa sa hagdan nang bigla na lamang siyang na-out of balance. She tripped and took a tumble.

"Aray! Shuta!" impit na hiyaw niya pagkatapos niyang dumausdos pababa. Nakasalampak na siya ngayon sa sahig at pinakikiramdaman ang sarili kung napuruhan ba siya o hindi.

"Love, what are you doing on the floor?"

Natigilan siya nang marinig niyang bumukas ang pinto at kasabay no'n ang pagsasalita ni Charlie. She looked up to him that instant. "Nadulas ako. Ang tanga kasi ng hagdan," she replied, laughing a little.

Hearing those words made him ran to her. He crotched down to reach her. Mabilis pa nga nitong ibinaba ang mga paparbags na bitbit niya bago nito ipinalahad sa kaniya ang mga kamay niya. "Are you okay, love? May masakit ba sa 'yo? Baka napano ka na. May period ka pa naman," he worriedly asked as he kept checking for cuts and bruises.

She just kept her eyes on him for a moment and seeing how caring he was made her lips curve sweetly. "Okay lang ako, Charlie. Wala namang masakit," she softly replied.

Nagtama ang mga tingin nila. "Sigurado ka?" may pag-aalala pa ring tanong nito.

Mabilis niyang nilakihan ang ngiti niya at tumango.

"Well, let's get up then. Nag-take out ako ng pagkain. You should eat. I'm sure gutom ka na, love."

Agad silang kumilos. Walang alinlangan pa ngang inalalayan ni Charlie si Kelly para makatayo ito mula sa pagkakasalampak sa sahig. Pero bigla na lamang natigilan si Kelly pagtayo nila.

"Love?"

She glanced at him with questioning eyes. Mabilis ring kununot ang noo niya. "Bakit parang amoy perfume pambabae ka?" may pagtatakang tanong niya. She sniffed. She was sure that she could really smell a scent of floral perfume with a hint of vanilla.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon