Kelly should be home and resting right now. Iyon ang doctor's order para sa ikabubuti niya at para sa kaligtasan ng baby na nasa sinapupunan niya. Pero sa halip na umuwi, mas pinili niyang puntahan si Monica.
She inhaled deeply as she began ringing the doorbell. Nangiyak-ngiyak na siya pero pilit niyang ikinakalma ang sarili niya sa pamamagitan ng malalim na paghinga. Ayaw niyang pangunahan siya ng mga luha niya kapag nagkausap na sila ni Monica kaya't talagang pilit niyang kinontrol ang emotions niya.
She tried so hard.
But she failed miserably.
Her eyes instantly welled up with tears as soon as the door swung open. Hindi na niya kinaya ang bigat ng kalooban niya. Napahagulgol agad siya.
It was Paul who opened the door for her. At laking gulat nito nang makita niya ang pait ng pag-iyak ni Kelly. "Uy, Kelly... bakit ka umiiyak? Anong nangyari sa 'yo?" aligagang tanong niya sabay hinawakan niya ang magkabilang braso ng kaibigan dahil sa tingin niya'y babagsak ito sa sahig anumang oras.
Nakakahiya man, pero walang ibang nagawa si Kelly kundi ang umiyak. Tila ba nawalan na siyang kontrol sa sarili niyang katawan. She could feel her heart breaking and her whole body trembling.
"Mon! Halika dito! Diyos ko, si Kelly!"
Monica came running.
"Anong nangyari? Baks, huy!" she worriedly asked as she pulled Kelly inside their house.
"B-baks, galing ako sa ospital..."
"Ha? Bakit?"
"Dinala ko ang sarili ko sa ospital," she cried.
May pagkatatakang nagtinginan ang mag-asawa dahil sa mga salitang sinambit ni Kelly. Sa mga mata ni Paul mababatid ang pag-aalala at kagustuhan nitong umaksyon. Gusto na nga niyang tawagan si Charlie sa sandaling 'yon.
"Baks, nagpunta ako'ng mag-isa sa ospital..." pag-uulit ni Kelly na wala pa ring tigil sa pag-iyak.
"Bakit nga?!" Monica couldn't help but to raise her voice at her best friend. Dala na rin siguro iyon ng tensyon at pag-aalala.
"Mon..."
"Kasi dinugo ako, baks..."
"Dinugo? Saan? Bakit?" kabadong tanong ni Monica. Kahit siya parang hindi makahinga ng maayos dahil sa pag-aalala. Hindi niya rin alam kung anong pwede niyang gawin para pakalmahin ang kaibigan.
"Kasi, baks, buntis ako."
Muling nagtinginan sina Paul at Monica sa narinig. Sabay na nanlaki ang mga mata nila. Maaaninag rin ang biglaang pamumutla ni Paul. Parehong naging halo-halo ang naramdaman nilang mag-asawa. Hindi nila alam kung magpa-panic na ba sila ng tuluyan, magiging masaya o matatakot.
Paul suddenly shifted his gaze from his wife to Kelly. Saglit siyang napakagat-labi bago tuluyang nagsalita. "Teka, buntis ka? At... at dinugo ka kaya pumunta ka sa ospital mag-isa? Nasaan si Charlie?"
"Oo nga! Nasaan ang asawa mo, baks?"
Saglit na natigilan si Kelly. Diretso niyang tiningnan sa mata si Monica. "Hindi pa niya alam," halos pabulong na tugon niya.
"Bakit?"
"Hindi ko siya makausap, baks. Ayaw niya akong kausapin. Iniiwasan niya ako. Galit na galit siya sa 'kin. Ayaw na niya sa 'kin, baks."
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomanceCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...