Chapter 67

1.4K 123 31
                                    

"Sir, hanggang dito na lang po kayo. Kami na po ang bahala sa misis n'yo."

"Please take care of her. She's pregnant..."

Gusto pa sanang sumama ni Charlie hanggang sa loob ng emergency room dahil ayaw sana niyang mawala sa tabi ni Kelly, lalong-lalo na sa kalagayan nito ngayon. Pero sa entrance pa lang ng ay pinigilan at pinagbawalan na siya. Sinarhan talaga siya ng pinto kaya wala siyang nagawa kundi ang magpaiwan sa labas.

He stood right there, trembling with agony.

Hindi niya akalain na aabot ang lahat sa ganito. Hindi niya alam na ganito pala ang kahahantungan ng lahat dahil mas pinili niyang paniwalaan ang taong gustong sumira sa relasyon nilang mag-asawa kaysa magtiwala mismo kay Kelly. At ngayon, kasalanan niya kung bakit napahamak ang babaeng pinakamamahal niya pati na rin ang magiging anak nila.

Sa tagpo ring iyon mas kinain siya ng konsensya niya. Lalo na nang mapatingin siya sa mga kamay niya na may bahid pa ng dugo ni Kelly. Maging ang puting damit niya ay hindi nakaligtas. Kaya hindi na niya napigilang maiyak.

Sumandal siya sa may pader malapit sa emergency room at doon na niya inilabas ang emosyon niya habang tahimik na nagdadasal na sana mailigtas at makayanan ng mag-ina niya ang pasakit na kasalukuyang dinaranas nila.

He cried and prayed.

He waited.

Inabot rin siya ng ilang minuto sa paghihintay pero hanggang ngayon ay wala pa ring lumalabas sa emergency room. Wala pa rin siyang makuhang balita kung napano na ba ang asawa niya, pati na rin ang baby nila.

At doon siya mas lalong kinabahan. He was so nervous that he wasn't able to contain and control his tears from escaping from his guilty eyes.

"Mon, hayun si Charlie, oh!"

At sa gitna ng lahat ng iyon, habang kasalukuyan pa rin siyang inuusig ng budhi niya, bigla niyang narinig ang napakapamilyar na boses sa may 'di kalayuan kaya napalingon agad siya sa direksyon na pinanggalingan ng tinig.

And there he saw Paul and Monica approaching him.

Pagkakita pa lang niya sa dalawa ay hindi naging lingid sa kaalaman niya ang galit ni Monica sa kaniya. Sa tingin pa lang, pagkakuyom ng mga kamao nito na sobrang higpit, pati na rin ang bilis at bigat ng mga yabag ng mga paa nito, alam na niyang isinusumpa na siya ng best friend ng asawa niya.

Yet he wasn't prepared for a blatant slap. Kaya nagulat siya nang tumama sa pisngi niya ang napakalutong at nakayayanig-mundong sampal ni Monica.

"Mon!" Paul exclaimed and instantly held her to prevent her from doing it again.

"Putangina mong gago ka!" Dumagundong ang ang malakas na boses ni Monica sa buong lugar. "Ano? Masaya ka na? Pinagbabayaran na ni Kelly ang pagtataksil niya sa 'yo!" she exclaimed as tears quickly ran down her cheeks.

Masakit ang natamo niyang sampal kay Monica pero mas masakit pa pala ang mga salitang ibabato niya. Pero kahit gaano kasakit, alam niyang kailangan tanggapin ang lahat ng 'yon. He's guilty and perfectly aware of that.

"Oo, may kasalanan si Kelly sa 'yo! At oo, may karapatan kang magalit sa kaniya! Hinayaan rin kitang pagsalitaan siya ng kung ano-ano at itrato siyang parang basura!"

"Mon, tama na," marahang sambit ni Paul sa kaniya.

"Bitiwan mo 'ko!" She pushed Paul away. Talagang itinuon niya lang ang mga matang puno ng galit kay Charlie. "Pero sana kahit anong galit mo, hindi mo pinaabot sa ganito! Hindi mo sana siya hinayaang mahulog sa kamay ng demonyong 'yon! At sana kung hindi mo na siya mahal... sana binalik mo na lang siya sa 'kin! Kasi ako, kahit ano pang nagawa niya tatanggapin ko pa rin siya. Hindi ko siya hahayaang mapahamak. Hindi katulad mo!" sigaw pa niya sabay dinuro-duro na niya si Charlie.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon