It has been almost two weeks since the terrible tragedy happened and things kept happening after that day.
Isa na doon ang naisapubliko ang nangyari kay Kelly kaya marami ang nakaalam na nasa ospital siya at nagpapagaling. Hindi rin lingid sa kaalaman ng madla ang pagdadalangtao niya kung kaya't mas marami ang nalungkot, naawa, nakisimpatya, at nanalangin para sa munting pamilya nila. Iyon rin ang naging dahilan kung bakit maya't-maya kung tumanggap si Charlie ng messages, mga bulaklak, at kung ano-ano pang regalo mula sa mga kakilala nila, pati na rin sa mga hindi nila kilalang individuals at organizations.
Bukod pa doon, kahit hindi siya masyadong umaalis sa tabi Kelly, nagawa pa rin ni Charlie na ipaasikaso sa legal team ng pamilya nila ang pagsasampa ng kasong frustrated murder laban kay Jack.
Naisip rin ng mga kamag-anak niya na lagyan ng patong ang ulo ni Jack para agad itong mahuli at makulong. At isa sa mga tito niya ang nagprisinta na maglabas ng perang ipapabuya sa sinumang makakapagsuplong kay Jack sa mga awtoridad.
And their strategy worked.
Just today, Charlie received a call from their lawyers informing him that Jack was already in police custody. At dahil patong-patong ang kasong naisampa laban sa kaniya, malabo na makalaya siya sa puntong ito.
That was really a good news for him. Kahit papaano, lumubag ng kaunti ang loob niya dahil nahuli na ng mga pulis ang lalakeng pinakasusuklaman niya. Ibig sabihin, gugulong na ang hustisya para sa mag-ina niya.
Pero muli siyang nalungkot nang muli siyang pumasok sa private room kung nasaan si Kelly. Naisip kasi niya na magsisimula na ngang pagbayaran ni Jack ang mga kasalanan niya pero hanggang ngayon ay wala pa ring malay ang asawa niya. Hindi pa rin siya nagigising kahit na humihilom na ang mga sugat at pasa na natamo niya. Hindi pa rin siya nagigising kahit sinasabi ng mga doktor na bumubuti na ang kalagayan niya dahil kaya na niyang huminga ng mabuti kahit hindi na siya naka-intubate. Halos magdadalawang linggo na pero nakapikit pa rin ang mapupungay niyang mga mata.
"Love," he softly called as he sat down on the chair beside her hospital bed. Alam naman niyang hindi sasagot si Kelly at wala siyang ibang maririnig sa kwartong iyon kundi ang tunog ng heart monitor na nagsasabing buhay at tumitibok ng maayos ang puso ng asawa niya. "Alam mo ba, nahuli na ng mga pulis si Jack. Love, I promise, pagbabayaran niya ang mga kawalang-hiyaang ginawa niya sa 'yo," sambit pa niya sabay inabot niya ang kamay nito at marahang hinawakan.
He caressed her hand.
Nag-iisip pa rin kasi siya ng pwede niyang sabihin pa kay Kelly. Parang lahat kasi nasabi at naikwento na niya nitong mga nagdaang araw.
He took a deep breath and released it. "You know, love, I miss you so much already. Kailan ka ba babalik sa 'kin?" he said as he focused his gaze on her face.
He was still holding her hand. At sa 'di niya inaasahang pagkakataon, parang bigla niyang naramdaman ang isang mahinang pagpisil sa kamay niya.
Nabigla siya pero agad rin siyang naalerto. He shifted his gaze towards their hands to confirm if what he just felt was indeed real.
"Love?" Medyo nilakasan pa niya ang boses niya habang nakatitig pa rin sa mga kamay nila.
Walang gumalaw.
Hindi na muling pinisil pa ni Kelly ang kamay niya.
He sighed.
Muli na lamang niyang itinuon ang mga mata niya sa mukha ni Kelly.
Nalungkot na naman siya ulit. Akala niya magigising na si Kelly. Akala niya makakapiling na niyang muli ang babaeng pinakamamahal niya. Pero mukhang akala lang niya ang lahat ng iyon dahil parang hindi naman totoo ang naramdaman niya. Siguro, nag-ilusyon lang siya dahil sa kagustuhan niyang gumising na si Kelly.
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomanceCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...