Chapter 11

3.5K 179 130
                                    

Sunday came. Day off ni Charlie at nagyaya namang magsimba si Kelly. He agreed to her. Kaya pumunta sila sa pinakamalapit na simbahan para dumalo ng misa.

Sakto namang tungkol sa pag-aasawa at pagpapamilya ang naging homily ng pari kaya nakinabang sila.

"May gusto ka bang puntahan, love? We have the whole day to ourselves again," tanong ni Charlie habang magkahawak-kamay silang naglalakad palabas ng simbahan pagkatapos ng misa.

"Wala naman," she casually replied as she gazed at him, smiling.

"You sure?"

"Oo. Sa bahay na lang tayo."

He grinned mischievously and halted. Napahinto rin naman si Kelly. She looked at him suspiciously.

"Mayroon ba ulit tayong shenanigans in bed today, love? Just like last night?" he whispered to her, teasing.

Mabilis na namilog ang mga mata ni Kelly at bumitaw kay Charlie. Hinampas niya ito sa braso. "Charlie!" impit na sambit niya. Halatang pinipigilan niya ang sarili niya na mag-overreact dahil nasa public place sila. "Nasa simbahan tayo tapos ganiyan ang mga iniisip mo talaga, 'no? 'Di mo na ginalang si Rold."

He quickly turned his head back to see the altar. "God, I'm sorry for behaving like this. I just couldn't resist this beautiful woman you gave me."

"Charlie!" Muli na naman niyang hinampas ang braso nito. "Halika na nga!"

He glanced at her, chuckling. He would always find it cute whenever she gets a little pissed. He took her hand again and intertwined it with his. Pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na silang lumakad palabas ng simbahan.

Agad silang sinalubong ng nakakapasong sikat ng araw paglabas nila. She was wearing a decent little floral dress kaya dumampi agad ang init sa balat niya kumpara kay Charlie na nakasuot ng trousers at puting short sleeves na polo shirt. He offered his sunglasses to her but she refused to wear them.

"Charlie, bili kaya tayo ng buko juice? Bigla akong nauhaw, eh," bigla siyang nag-aya.

Pumayag naman si Charlie dahil maging siya'y nakakaramdam rin ng uhaw dahil sa init ng sikat ng araw.

They went to the corner where vendors were allowed to sell their stuffs. Sumilong sila sa napakalaking payong ng isang nagtitinda ng buko juice, yosi, candies at iba pang pagkaing pang-miryenda. Sakto namang sila lang ang customer.

"Manong, pabili nga po ng dalawang buko juice," magalang na sambit ni Kelly sa isang medyo may edad ng lalakeng nagtitinda.

Agad namang isinalin no'ng manong sa plastic na may straw ang ilang takal ng buko juice. Kakalkalin na sana ni Kelly ang wallet sa loob ng sling bag niya pero mabilis siyang pinigilan ni Charlie.

"Love, ako na," he said to her. He took his wallet out from his pocket. He pulled a one thousand peso bill out and handed it to the vendor.

Si Kelly naman ang kumuha no'ng binili nilang buko juice sabay abot rin ng isa sa asawa niya. Napakagat-labi pa nga siya nang mapansin niyang parang nagdadalawang-isip pa 'yong manong kung tatanggapin ba nito ang pera dahil mukhang wala itong panukli.

"Manong, keep the change," he suddenly said out loud, smiling.

Her eyes widened when she heard him. She was surprised.

"Naku, salamat po! Salamat po, sir. Pagpalain po kayo ng maykapal," may kagalakang pasasalamat no'ng tindero.

"Walang anuman po," he simply replied.

"Misis mo po siya, sir?" biglang tanong naman ng tindero sabay turo kay Kelly.

He smiled sweetly and placed his arm on her waist. "Ay, opo. Actually po, manong, kakakasal lang namin three months ago."

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon