"Baks, 'tong asawa mo, nag-text na naman. Tinatanong niya kung nagmiryenda ka na raw ba?"
Wala na. Nasira na naman kasi ang araw ni Kelly. Kakasabi lang niya na ayaw niyang naririnig ang kahit anong bagay tungkol sa asawa niya tapos heto na naman ang kaibigan niya. Ang sarap pa naman ng pagkakahiga niya sa sofa kung saan siya nagre-relax. She exhaled an exasperated sigh as she met Monica's gaze. "Sabihin mo, gago siya," bagot na wika niya.
Monica frowned. "Hanggang ngayon talaga hindi pa rin kayo nagkakaayos?"
She rolled her eyes in dismay. "Hindi."
"Bakit?"
"Trip ko lang. Bakit ba?" Agad niyang ibinaling ang mga mata niya sa screen ng cellphone niya pagkatapos niyang magsalita.
"Gaga ka!" Monica exclaimed. Binitiwan nito ang cellphone niya at nagsimula itong magsuklay ng buhok. "Ang petty lang ng pinag-awayan n'yong dalawa tapos hanggang ngayon binibigyan mo siya ng silent treatment? Alam mo, ako na ang naawa sa asawa mo kasi paulit-ulit nang nagso-sorry 'yong tao, oh. Tapos sinusuyo ka na. Pero nagpapakagaga ka pa rin d'yan. At isa pa, napapagod na akong maging messenger n'yo! Tangina n'yo, ah! May contact details naman kayo sa mga cellphone n'yo at nakatira naman kayo sa iisang bubong pero sa 'kin n'yo pinapadaan lahat. Kayo kaya ang mag-usap," mahabang wika nito, na animo'y hinihingal na, sabay irap sa kaniya.
She paused from scrolling. Nag-angat siya ng tingin sa kaibigan at kumurap-kurap ngunit hindi nagsalita.
"Makipag-ayos ka na kasi, baks."
"Ayoko nga!"
Monica rolled her eyes. Sa puntong 'yon, katiting na lamang ang pasensya nito para sa kaibigan. She huffed. "Alam mo, bahala ka na nga sa buhay mo, baks," she finally said as she finished her hair and stood up from her seat.
Hindi siya nagsalita. Mataman lang niyang pinanood ang bawat kilos ni Monica. Ang bilis kasi ng galaw nito. Isang kurap lang ay nakapagpulbo agad ito ng mukha at nakapag-lipstick. Medyo marahas rin ang naging paghablot nito sa bag niya na nakalagay lang kanina sa lumang vanity table.
"Hoy, baks. Pupunta ka na sa club?" Napabangon siya at mabilis na pinigilan si Monica nang magsimula itong maglakad. "Pasado alas singko pa lang, ah?"
"Hindi, baks. May pupuntahan muna ako."
"Saan? Sama ako." She pouted.
Monica arched her brow. "'Di pwede. Hindi pwedeng sumama 'yong mga ayaw makipagbati sa asawa do'n sa pupuntahan ko," anito na may kaunting pagtataray.
"Saan ba 'yan?"
"Basta." Nagkamot ito ng ulo. "Baks, mauuna na ako. Kailangan ko nang umalis. Pakikandado na lang 'yong pinto kapag aalis ka na. Babye!" nagmamadali itong nagwika pagkatapos ay naglaho na ito sa harap niya na parang bula.
Ilang saglit rin siyang napakurap-kurap lang habang nakaupo lang doon. Medyo naguluhan siya at nagtaka tungkol kay Monica. Nagbuntonghininga siya pagkatapos ay tumayo siya at lumabas ng apartment para sana sundan ang kaibigan. Siguro naman siyang hindi pa ito nakakalayo. Pero paglabas niya, hindi na niya nakita si Monica. Sa halip, ang nakita niya ay isang asul na kotse na mukhang bagong-bago pa dahil wala itong kasing kintab.
Nakapagtataka. Yet she had nothing to do but to watch the car as it drove away.
* * *
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomanceCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...