Chapter 38

1.6K 154 0
                                    

A private school being involved in a malicious controversy—of course, it did create a buzz.

Parang sunog na mabilis na kumalat sa publiko ang pagkakadawit ng Jameson Colleges sa kaso nina Kelly. Ilang oras lang ang lumipas pagkatapos maisapubliko ang impormasyon ay nag-trending na ito sa social media. Maging ang news media ay nagkaroon rin ng interes sa kaso kung kaya't naibalita na rin ang mga pangyayari sa telebisyon at radyo. No one really expected that the controversy would hit the headlines and be the talk of the town for days.

Pero kung anong ikinabilis ng pagkalat ng balita sa madla, ang siya namang kabaligtaran ng pag-usad ng imbestigasyon sa kaso. Kasi kahit na nakisuyo na si Mayor Vincent sa pamunuan ng Jameson Colleges at sa mga constituents nito'y, wala pa ring nangyayari. Wala pa rin silang maiturong possible suspect.

A sigh suddenly slipped from Kelly's lips. That sigh became the subtle release of all the emotions she's been keeping to herself for days now.

Napapagod na siya.

Parang sa bawat araw na lumilipas ay mas lalo lang nagiging magulo at komplikado ang lahat. Bukod kasi sa hindi masyadong umuusad na imbestigasyon, nakadagdag pa sa mga iniisip niya ang pag-uusisa ng publiko sa kaso niya. Hilong-hilo na rin siya sa iba't ibang perspektibo ng nasa paligid niya.

In the news, she was being portrayed as a victim of a libelous scheme of sexual objectification. While many people online kept on asserting that she did it to herself because of the kind of life she lived in the past. Sinasabi nila bunga lang ito ng mga katarantaduhan niya bago siya nagpakasal kay Charlie.

"Love?"

Nahinto siya sa pag-iisip nang bigla na lamang niyang narinig ang tinig ni Charlie at naramdaman ang marahang paghaplos nito sa braso niya.

Agad siyang nag-angat ng tingin sa kaniya ngunit pinili niyang hindi magsalita.

"Tumawag si Paul, nagpupumilit daw na pumunta dito sa law firm si Monica dahil hindi ka raw nagre-reply sa mga messages niya at hindi mo raw sinasagot ang mga tawag niya."

She inhaled deeply and bit her lower lip for a second before she finally spoke up. "Naku, Charlie, sabihin mo kay Paul na huwag na huwag niyang papayagan si Monica na magpunta dito sa law firm. Nakaka-stress dito at hindi hindi makakabuti 'yon sa pagbubuntis niya," she said, trying to maintain her composure.

"I already did." He suddenly clicked his tongue. "But, love, you know you can't ignore Monica."

Saglit siyang pumikit ng mariin. "Ayoko lang na ma-involve pa siya sa gulong 'to. Mamaya mapano siya at ang baby niya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko."

He exhaled. "I understand. If you want ako na muna ang bahala kay Monica. I'll talk to her about this matter."

She just gave him a faint smile.

"Anyway, bakit hindi mo ginagalaw ang pagkain mo?" he segued as he took a quick glance at the plateful of rice and beef broccoli on the table.

"Wala akong gana."

"Love, kahapon pa ng lunch ang huling kain mo. Halos isang araw ka ng hindi kumakain. Baka magkasakit ka na niyan."

"Okay lang ako, Charlie."

"Kelly naman—"

There was a sudden knock on the door.

It was Joanna.

Kelly remained silent and tried to avoid an eye contact the moment he let her in.

Hindi naman nagpatumpik-tumpik pa si Joanna. "Sir, I got a call from the mayor's office. An alleged student from Jameson Colleges voluntarily surrendered to Mayor Vincent. Sinasabi niya na siya daw ang nag-edit ng video, nag-send sa mga emails ninyo at nagpakalat online. Dinala na raw siya sa NBI headquarter for questioning," she informed them, gasping.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon