Chapter 51

1.4K 152 14
                                    

Umaga na nang magising si Kelly. Agad na niyang idinilat ang mga mata niya nang mabatid niyang maliwanag na kahit nababalot pa ng katahimikan ang buong paligid. Ngunit kasabay ng pagmulat ng mga mata niya ang dagliang pananaig ng guilt at pagsisisi sa sistema niya.

She took a few deep breaths before she was able to move her body. She sat up, slouching then she yawned. Kumurap-kurap rin siya bago niya iginala ang paningin niya sa silid kung saan siya naroroon.

Oo nga pala, pinili niyang magpalipas ng gabi at matulog dito sa condo ni Jack.

She unconsciously heaved a heavy sigh of guilt when she thought about that stupid decision. She didn't able to contain herself too from burying her face into her palms as thoughts began to drown her whole existence.

Hindi naman siya naglasing kagabi kaya malinaw niyang naaalala ang lahat ng nangyari.

Sigurado naman siyang walang nangyari sa kanila ni Jack dahil mas pinili niyang pagpahinga at matulog agad nang makarating sila sa condo nito kagabi. Hindi na nga rin sila nakapag-usap dalawa dahil hindi na niya ito kinibo kahit alam niyang may dapat silang pag-usapan.

Jack wanted to talk about what happened in that moment or so.

He wanted to talk about the kiss.

That kiss.

That goddamn kiss.

Bigla na lang kasi siyang hinalikan ni Jack.

Teka...

To word it better, naghalikan silang dalawa ni Jack.

Napapikit siya nang mariin nang iduldol sa kaniya ng mismong alaala niya ang nangyari; ang nagawa nila. Ginusto pa nga niyang murahin ang sarili niya sa puntong iyon kaya lang walang masambit na kahit anumang salita ang bibig niya.

Bakit ba kasi niya hinayaang mangyari 'yon?

Hindi niya dapat hinayaang mauwi sa gano'n ang mga tagpo kagabi dahil matagal na silang tapos ni Jack; at higit sa lahat may asawa na siya. Isa pa, ikakasal na rin si Jack kay Joanna.

Tinanggal niya ang mga kamay niya mula sa mukha niya at tumingin lang ng diretso sa kung saan. She tried clearing her mind, though she knew it would be impossible to do so, by taking a few more deep breaths.

She knew she fucked up.

Pero ang magagawa na lang niya ngayon ay ang kalimutan na lamang ang nangyari at umuwi na sa bahay nila ni Charlie bago pa humantong sa kung saan ang mga bagay-bagay.

So she instantly got out of the bed. Suot pa naman niya ang sarili niyang damit kung kaya't hindi na niya kailangang magbihis pa. Pagkatapos ay hinanap niya ang mga heels na suot niya kagabi na inilagay lang pala ni Jack sa ilalim ng higaan. When she found her heels, she immediately wore them. She stood up after and harshly grabbed her purse that she spotted on a chair. Iyon lang naman ang dala niya nang pumunta siya dito kaya nagmadali na siyang lumabas ng kwarto pagkatapos niyang kunin ang purse niya.

Hindi na siya maliligo o maghihilamos man lang. Wala na rin siyang pakialam kung anong hitsura niya ngayon. Hindi naman siya malikot matulog kaya hindi naman siguro siya mukhang sabog. Basta ang nasa isip lang niya ay kailangan na niyang makaalis sa lugar na 'to.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon