Minabuti ni Kelly na magpunta muna sa ladies room upang mag-retouch pagkatapos ng lunch nila. Hindi na muna kasi siya uuwi sa bahay. Naisip kasi niyang dumiretso na muna sa law firm. Kikitain niya muna ang makulit niyang asawa na kanina pa text nang text at nakikibalita kung kumusta siya at kung anong nangyari sa lunch.
Inuna niya ang paglalagay ng pressed powder sa mukha niya dahil ayaw naman niyang magmukhang inilublob sa lechon. Pagkatapos ay muli siyang nag-lipstick dahil medyo nabura ang nasa labi niya kanina dala na rin ng pagkain. Muli niya ring sinuklay ang buhok niya pagkatapos ay kinalkal niya sa bag niya ang pabango niya.
Hindi niya inalintana ang nangyayari sa kapaligiran niya habang hinhanap ang cologne sa loob ng bag. Kaya hindi na niya napansin na may ibang tao pa palang pumasok sa loob ng ladies room.
The smell of a surely expensive perfume suddenly lingered on her nose. The loud clicking of stilettos filled her ears. Her body recognized that someone stood beside her in front of the mirror without even looking.
"Oh, the epal's here pala."
Klaro niyang narinig ang mga salitang 'yon. Kilalang-kilala niya rin kung sino ang nagsabi. Sino pa ba? Walang iba kundi si Tori.
Wala naman siyang pakialam sa sinabi nito. Pero mabilis niyang itinigil ang ginagawa niya. She zipped her bag close and prepared to leave. Hindi niya pag-aaksayahan ng oras ang ilusyunadang ito.
Kinuha niya ang bag niya at nagsimulang humakbang patungo sa labas.
"Wow, Kelly! Ilang buwan ka ng Montefiore pero hanggang ngayon wala ka pa ring manners?" malakas na wika ni Tori sabay sinundan niya ng tingin si Kelly.
She halted.
"I am talking to you tapos lalayasan mo 'ko?"
She exhaled silently and finally faced her. "Oh, sorry," she said, faking a smile. "Akala ko, sarili mo 'yong kinakausap mo."
Tori frowned and folded her arms on her chest.
"May sasabihin ka pa? Aalis na kasi ako."
"Meron," Tori replied in an instant. "I must tell you that you looked so stupid kanina. Para kang kalawang na nahalo sa mga ginto," she smirked.
Those words were definitely something. Pero kailangan niyang ipakita na wala siyang pakialam sa mga sinasabi nito.
"Talaga ba?"
"Yes!" she answered out loud. "It's been months, Kelly. At ang masasabi ko lang, hindi ka talaga bagay sa buhay na katulad nito. No matter what you do, no matter how Charlie adorn you with all these things; with all those flowery words, you always come out cheap. Montefiore doesn't really suit you, my dear."
"At kanino bagay ang Montefiore? Sa 'yo?" she questioned, arching a brow.
"I think..." She took a step closer to her. "...That surname, your title suits someone who is empowered, dignified, may pinag-aralan at may magandang reputasyon katulad ni Charlie, 'di ba?"
She did not say a word.
Tori suddenly walked around her slowly, eyeing every inch of her. "It's a shame that Charlie didn't choose wisely. There are so many girls out there but he decided to marry a prostitute."
Biglang nag-alab ang mga mata niya. "Hindi ako—"
"Prostitute?" she cut her off mid-sentence and began laughing mockingly. "Oh, come on, Kelly! Ano bang tawag sa babaeng nagpapagamit sa ibang lalake, worse nakikipagrelasyon, just to earn some penny? Hindi ba, prostitute 'yon? Kelly naman, hindi ka lang pala cheap, medyo slow ka rin."
BINABASA MO ANG
Chasing Sanity (Chase Series #1)
RomansaCOMPLETED | R18 | MATURE CONTENT After so many failed attempts of escaping from the unfortunate life she's in, Kelly Santiago already accepted that she was trapped in a living hell. But then, Charlie Montefiore, an elite lawyer with a good reputat...