Chapter 50

1.4K 151 22
                                    

Gusto sana ni Kelly na puntahan si Monica. Gusto na niyang mag-vent out at ipagtapat sa best friend niya ang lahat ng nararamdaman at nararanasan niya. Pero naisip niyang hindi ito ang tamang panahon. Iba na ang pinagkakaabalahan ni Monica ngayon, may new born baby siya na inaalagaan kaya dapat hindi na siya ma-stress sa ibang problema. Kaya kahit hindi naman talaga ito plano, hinayaan niyang dalhin siya ng mga mismong paa niya sa restobar ni Jack.

She wanted to get away with Charlie, even just for tonight, and she thought this place would be the farthest from him.

"Isang beer," malamig na sambit niya nang muli niyang ayusin ang pagkakaupo niya sa bar stool dahil dumudulas ang katawan niya dahil sa suot niyang chiffon dress.

Mabilis namang inabot sa kaniya ng bartender ang order niya.

Pero hindi pa nga niya naiaangat ang inumin niya, naramdaman na niya ang paglapit ni Jack sa kaniya. She even rolled her eyes upon thinking na basta-basta na lang talagang sumusulpot itong ex-boyfriend niya sa kung saan-saan kahit na expected naman talaga niya na siguradong magku-krus ang mga landas nila ngayong gabi.

"Kelly, nandito ka ulit," he said, sitting beside her.

She exhaled deeply.

"Nagustuhan mo 'tong place namin, 'no?"

"Wala lang akong ibang mapuntahan," she said nonchalantly then she drank a little from her beer.

Jack pursed his lips a little. Hindi pa rin niya maialis ang mga mata niya kay Kelly. "Hmm, wala ka ng bahay?" medyo may pagbibirong tanong niya.

Hindi kumibo si Kelly.

"Joke lang."

Nagpatuloy lang si Kelly sa paglagok ng beer. Hindi niya pinapansin si Jack na animo'y hangin lang ang katabi niya.

"So... anong problema?" he suddenly asked as he kept eyeing her.

"Wala."

"Kilala pa rin kita, Kelly. Nababasa ko pa rin diyan sa mukha mo, pati na sa mga ikinikilos mo kung may problema ka. Isa pa, kung wala kang problema ngayon dapat wala ka dito."

Umismid si Kelly bago niya nilingon si Jack. Malamig ang naging titig niya sa dating nobyo. "At sa tingin mo sasabihin ko sa 'yo ang problema ko dahil lang diyan? Wow, feeling entitled," masungit niyang sambit.

"Baka lang kasi kailangan mo ng kausap."

"Siguro nga," she affirmed. "Pero hindi ikaw 'yon," dagdag niya bago niya tinawag ang bartender upang bayaran ang beer na ininom niya.

"Oh, tapos ka na?" nagtatakang tanong naman ni Jack habang pinapanood ang bawat kilos niya.

She stood up from the bar stool after paying the bartender. Hinablot niya ang purse na dala niya at saka naglakad paalis. Hindi siya nagpaalam kay Jack. Ni hindi nga niya ito nilingon. Naglakad siya nang parang siya lang ang tao sa mundo at walang makakakita sa kaniya.

Pero sinundan siya ni Jack. "Kelly! Huy! Saan ka pupunta?!" malakas na tanong nito habang hinahabol siya.

She didn't bother looking back at him and just continued her strides. Basta umalagwa lang siya kahit hindi niya alam kung saan na naman siya dadalhin ng mga paa niya.

"Kelly, saan ka nga pupunta?!"

"Aray! Ano ba?!" singhal agad niya nang maramdaman niyang hinawi ni Jack ang braso niya nang makababa na siya mula sa hagdan sa tapat ng entrance ng restobar. "Jack, ano ba?! Nasasaktan ako! Saan—" Sinubukan pa niyang magpumiglas pero hindi niya talaga kinaya ang lakas nito.

Hinatak siya ni Jack at sapilitang isinakay sa backseat ng kotse nito na nakaparada lang sa harap ng entrance ng restobar.

"Ba't mo ba ako dinala dito, ha?! Palabasin mo nga ako!" she exclaimed as she tried get out of the car. Sa sobrang agitated na nga niya'y hindi na niya naisip na pwede naman siyang lumabas sa side kung saan siya nakapwesto. Nakipagbuno pa tuloy siya kay Jack na wala namang pinatunguhan.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon