Chapter 46

1.4K 153 36
                                    

Hindi mawari ni Kelly kung anong mayroon sa araw na 'to.

Tanghali na nang magising siya.

Bagot na bagot rin siya sa bahay dahil wala siyang magawa at mapagka-abalahan.

Pagdating naman niya sa bahay nina Paul, tahasan siyang ipinagtulakan ni Monica pauwi. Nagdesisyon na lang tuloy siyang muli nang umuwi dahil kahit ano pang pangungulit ang gawin niya'y hindi umubra iyo kay Monica.

There was really something weird about today and she's not liking it.

Wala siyang nagawa kundi ang suminghal pagkatapos niyang ibagsak ang sarili niya sa malambot na kama.

Pumikit siya nang mariin habang hinahayaan niyang mas tumindi pa ang inis nararamdaman niya kahit hindi niya alam kung ano ang talagang dahilan.

Mayamaya pa ay bumalikwas siya. She buried her face on the soft pillow and then she began to scream.

She did it again and again to vent out her annoyance, knowing that no one would really hear her because her screams were muffled.

Pero kalaunan ay huminto rin siya. Nakakapagod pala kasi ang magsisigaw habang nakadiin ang ulo sa unan. Hinihingal na nga siya nang muli siyang bumangon.

She rolled her eyes.

"Anong pinagsasabi ng hakdog na juntis na 'yon n mag-bonding daw kami ni Charlie, eh nasa office 'yon nagpapakasasa sa trabaho at malamang late na namang uuwi 'yon," bulong niya sa sarili niya.

She let out an exasperated sigh.

"Tingnan mo nga ang gago," she murmured again. "Noong mga nakaraan lang tinatadtad niya ako ng chats pero ngayon, ni isa wala."

Muli siyang nahiga sa kama at nag-isip saglit.

"Siguro nagsawa na rin," she whispered to herself. "Mas okay na rin 'yon."

Huminga siya ng malalim at bumangon.

Anong oras na ba? What if lumabas na lang kaya siya para magpalamig? A fun night out will be the best for tonight.

Hindi na nga siya nagdalawang-isip pa. Agad siyang bumangon mula sa higaan at tumako papunta sa walk-in closet niya. She began rummaging through her wardrobe and picked the best pieces that suited her mood for the way.

She wore the iconic vintage Paco Rabanne silver, metal mesh slip on dress because she loved the draped plunging neckline and the draped low cut back. She put on makeup with a shimmery eyeshadow and a nude pink lipstick before she curled her hair and put it in a half-up ponytail. Hindi rin niya nakalimutan na magsuot ng curtain earrings na siyang kumumpleto ng outfit niya.

Umabot rin ng ilang oras ang pagma-makeup, pag-aayos at pagbibihis niya. But she did every bit of it like it was her last day and she was the only person left in the whole world.

Nang ma-satisfy na siya sa hitsura niya ay inilagay niya sa loob ng Chanel mini flap bag niya ang mga gamit na dadalhin niya. Pagkatapos ay nag-book na siya ng cab na masasakyan niya at dali-daling umalis.

Madilim na nang makarating siya sa lugar na pinili niyang puntahan. Inabot kasi siya ng rush hour kaya na-traffic siya sa daan.

Hindi siya pumunta sa lugar nila. Baka kasi sunduin lang siya agad ni Charlie kung tatambay siya sa club ng mga kaibigan nila at ayaw niyang mangyari iyon kaya lumihis na muna siya.

She decided to take a walk on the busy street while deciding on where to chill. Marami na ring tao sa daan at mukhang lahat sila ay magpa-party.

Nakakainggit, she thought. Dati kasi ay nakakapag-party pa siya ng gano'n. Hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nag-party. Bigla tuloy niyang naisip na nami-miss niya ang ganoong buhay niya dati, iyong masaya lang at hindi nilulunod ng mabibigat na problema katulad ng pagkasira ng pagkatao niya sa publiko.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon