Chapter 62

1.3K 130 25
                                    

Kahit mamayang alas nuebe pa ang itinakdang oras ng pagkikita, nagdesisyon si Charlie na magpunta na sa meeting place kahit pasado alas otso pa lang. Gusto kasi niyang mauna. Akala niya mauuna siya. Kaya medyo nagulat siya nang makita niyang naroroon na si Jack na mukhang pa-chill chill lang pagkarating niya.

Yes, he contacted Jack and managed to arrange a meeting with him. Gusto kasi niyang makausap ito ng harapan. He has a lot to say to him.

"Attorney, nandito ka na rin pala. Halika, maupo ka. Gusto mong um-order?" bungad nito sa kaniya. He sounded so jolly talking to him. Kung makapagsalita rin ito, akala mo'y magkaibigan sila at hindi nito sinusubukang agawin ang asawa niya.

He took a deep breath before he pulled the chair across him. "Ang aga mo," wika niya sabay umupo siya ng tuwid sa silya. Inilagay rin niya ang dalawang kamay niya sa ibabaw ng mesa at tiningnan si Jack ng diretso sa mata.

"Excited akong makausap ka, Attorney," he replied, grinning. "Ikaw rin, ang aga mo."

"Let's get this straight," mariing wika niya, saka mas lalo niyang diniinan ang tingin niya kay Jack. "I am here to tell you that I know what you're doing."

Jack arched a brow. "Huh? Anong ginagawa ko, Attorney?" pagmamaang-maangan niya.

Hindi niya sinakyan ang pagkukunwari nito. "Nandito rin ako para sabihin sa 'yo na nilalakad ko na ang lahat ng kailangan para makapagsampa ako ng demanda sa 'yo dahil sa ginagawa mong pangha-harass kay Kelly. Kasama na rin doon ang retraining order na nagsasabing bawal mo na siyang lapitan. Kaya tigilan mo na ang asawa ko," seryosong pagwiwika nito sa kaniya.

Napasandal si Jack sabay tumawa ng kaunti. He paused for a moment and licked his lips like he was preparing to say something. Pero tinitigan muna niya si Charlie na parang nanloloko. "Teka lang naman, Attorney. Kailan ko ba hinarass si Kelly? Never! Kasi lahat ng ginagawa namin, consensual. Alam mo kung bakit? Kasi nagkabalikan kami," he stated with so much certainty.

"Liar," Charlie hissed. "I know the whole truth, kaya huwag kang gumawa ng kwento."

"The whole truth? Bakit ano bang sinabi ni Kelly sa 'yo?" nanghahamong tanong ni Jack. "Sinabi na niya na noong nagkakalabuan kayo dahil sa deep fake niya, eh, nagkamabutihan ulit kami? Sinabi ba niya na isang halik ang dahilan kung bakit nagkaaminan ulit kami ng feelings para sa isa't isa? Did she tell how we can't stop fucking each other since then? Did she tell you how I asked her to runaway with me pero ayaw muna niya kasi hindi pa siya tapos sa 'yo? Sinabi ba niya sa 'yo na palabas lang namin ang panloloob sa bahay n'yo? Ako lang talaga 'yon, Attorney. Ginawa lang namin 'yon para madagdagan pa ang dahilan kung bakit pwedeng-pwede ka na niyang hiwalayan," mahabang tanong at saad pa niya. Parang tuwang-tuwa pa nga siya dahil sa wakas ay nasabi na niya ang kailangang marinig ni Charlie para makuha na niya si Kelly.

"At bakit naman ako maniniwala sa 'yo?" Charlie seriously questioned. Alam kasi niyang pawang kasinungalingan ang lahat ng lumalabas sa bibig ni Jack sa puntong iyon dahil inamin na lahat ni Kelly sa kaniya at nagtitiwala siya sa babaeng pinakamamahal niya.

"Alam ko namang hindi mo 'ko paniniwalaan, Attorney." Bahagyang gumalaw si Jack na tila ba may inabot siya mula sa ilalim ng mesa. He brought out a small paper bag after and placed it on the table. "Kaya nagdala ako ng ebidensya," he said as he slightly pushed the paper bag towards him.

His forehead furrowed just by seeing the paper bag.

"Buksan mo," he said with a triumphant grin. "Diyan ko nilagay ang kapares na hikaw ni Kelly. Sabi niya sa 'kin, regalo mo sa kaniya 'yan."

"And what about it? Malamang nahulog lang ni Kelly 'to, tapos kinuha mo."

"Kung napulot ko lang 'yan, bakit pati pakaw kasama? At kung nahulog lang ni Kelly 'yan, bakit alam kong regalo mo 'yan sa kaniya? Oh, and by the way, she hates it. Kaya nga hindi niya palaging sinusuot 'di ba?"

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon