Chapter 6

4.6K 214 131
                                    

“D-dito tayo sasakay?” gulat at manghang tanong ni Kelly nang makita niya ang isang magarang jet plane.

Charlie took her hand and held it. He plastered a smile on his lips as he focused his attention to her. “Yes. You told me it’s your first time to fly. Kaya dapat secured ka, right? Because you’re my wife now,” he casually answered.

“Ay bakit? Iyong ibang mga eroplano sa airport... hindi secured?”

She was serious but he found that question hilarious so he laughed. Agad naman niyang tinaasan ng kilay ang mister kaya umayos ito. He cleared his throat. “I’m not saying that they aren’t secured at all. It’s just... you’re my wife now—you’re a Montefiore—and I want you to experience the best. You deserve it.”

Napakurap-kurap lamang siya at hindi nakakibo. Ngayon lang talaga nag-sink in sa kaniya ang sinabi ni Monica kagabi na pwedeng-pwede na siyang magbuhay reyna kung gugustuhin niya.

Pinisil ni Charlie ng kaunti ang kamay niya. “Tara na?” he asked.

Tumango lang siya at naglakad na sila patungo sa air stair ng sasakyan nilang jet plane. Aakyat na sana sila pero biglang natigilan si Kelly nang marinig niyang nag-ring ang cellphone ni Charlie.

He immediately took his phone out of his pocket and checked who was calling. At dahil masyadong maliwanag ang screen, pati si Kelly ay nakitang tumatawag ang isang taong nagngangalang ‘Tori’ sa contacts ng asawa niya.

Without second thoughts, he declined the call. He enabled airplane mode on his phone, locked it and put it back into his pocket.

“Bakit ’di mo sinagot?” agad na tanong ni Kelly.

“It’s not important, love.”

“Sigurado ka?”

Tumango siya sabay sabing, “One hundred percent sure, love.”

“Sino ba ’yon?” she suddenly asked out of curiosity.

“Wala. She’s nothing,” mabilis na tugon ni Charlie. “Tara na sa taas. We have a long flight ahead.”

Sumunod na lamang si Kelly sa asawa. Umakyat na sila sa private jet plane. Tatlong flight attendant ang sumalubong sa kanila sa loob, dalawang babae at isang lalake. Lumabas na rin ang dalawa pang pilotong magpapatakbo ng jet plane para magpakilala, lalo na kay Kelly. After they introduced themselves and a little briefing, they toured her around the jet plane. And for her, it was a luxurious private jet plane with complete amenities. Parang isang maliit na condo unit na ang sinasakyan nila dahil nandoon na lahat. May maliit pa ngang kwarto at shower sa loob.

After the short tour inside the whole private jet plane, they finally settled on their seats. Ilang minuto na lamang kasi ay magbibiyahe na sila sa himpapawid papuntang London.

Charlie was the one who fastened Kelly’s seatbelt. “Are you okay?” he asked after putting the seatbelt on.

“Oo naman! Ako pa ba?” she answered with a smug.

“Alright. If you need anything, always remember na katabi mo lang ako, ha?”

“Yes, yes naman.”

She was confident and energetic so his worries for her faded away. He sat back and relaxed while she kept looking out the window, watching the view outside—kahit hindi pa naman talaga umaandar ang jet plane. He was happy watching her like that. Normally, he would sit beside the window because he loves to see the skies but he gave up the seat for her to let her enjoy the majestic view that he's familiar with.

Pero nawala ang lahat ng confidence ni Kelly nang maramdaman niyang gumalaw na ang sinasakyan nila. Sa isang iglap lang, naramdaman niyang gumapang bigla ang kaba at takot sa gulugod niya. Napasandal rin siya sa inuupuan niya. Mabilis rin niyang kinuyom ang mga kamao niya sabay kinagat pa ang labi niya para pigilan ang sarili niyang mag-overreact.

Chasing Sanity (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon